Chapter 7

267 32 19
                                    

It's finally Friday and Imelda cannot wait until this day is over. Her first week had been very exhausting, she didn't expect that her boss, is such a boss! Like literally, the boss of every boss!

'Hays, isang oras pa'

She's getting impatient na din. Sabik na kasi siyang makauwe at mag-asikaso para sa pagdalaw niya kinabukasan sa kanyang pamangkin. Halos dalawang linggo na niya itong hindi nadadalaw kaya sigurado siyang lungkot na lungkot na ito ngayon. Alam niyang hindi sapat ang mga video calls lang na kanilang ginagawa

'Get ready'

Biglang pasok ng kanyang boss

'We have an urgent meeting that we have to attend'

Naiinis si Imelda! Siguradong aabutin na naman sila ng siyam-siyam bago matapos ang kung ano mang meeting na kailangan nilang puntahan

'Are you not coming?'

Tanong ni Ferdinand ng hindi pa din tumayo ang kanyang sekretarya

'Ah, yes, of course'

At saka sila dalawa sabay na lumakad at nagmamadaling tumungo sa conference room

.

.

.

'What kind of scandal?'

Iritableng inquiry ni Ferdinand kay Vergel

Katatapos lang ng kanyang kaibigan, the vice president for operation, na iparating ang masamang balita patungkol sa kanilang pinaka kilala at pinaka sikat na endorser

'A sex scandal'

Napapakibit balikat na lang si Imelda habang nakikinig sa mga usapan sa loob ng meeting. By the looks of Ferdinand and his board members, ay mukhang malaking kasiraan ang paglabas ng scandal ng kung sino mang model na iyon ng kompanya.  But aside from the issue, there's something more that bothers her, at iyon ay ang palihim na pasulyap sulyap ng mga board members sa kanya

At first, akala niya ay guni guni niya lang iyon tuwing nagkakaroon sila ng meeting, but then, after a week ng kanyang pagta-trabaho at pagbuntot-buntot sa kanyang amo, ay hindi pa din nawawala sa kanya ang ganoong pakiramdam. At hindi lang sa mga board members! Kahit sa iba pang mga empleyado; Magmula sa security guards hanggang sa mga tao sa reception, even the janitors and elevator operators! They all make her feel very uncomfortable. Minsan na siyang nagtanong kung may something ba sa kanyang mukha, pero wala naman daw

'I agree, she must be replaced immediately. We cannot let her drag our company's name with her. It will be bad for our image'

Mabilis na pag-sangayon ni Ferdinand sa panukulang pagpapalit ng endorser

'Let's find a new celebrity endorser. Doesn't matter the talent fee. Give me the one with the best image right now and with the most following, ASAP'

'Yes, Sir'

At saka tumayo si Ferdinand na mabilis namang sinundan ni Imelda

'I'm getting hungry, care for dinner?'

Gustong tumanggi ni Imelda dahil gusto na niyang umuwi, pero mukhang gutom talaga ang kanyang amo, and to be honest, she's enjoying his company... especially when they're out eating, except what they're eating. Puros kasi gulay!

'Of course, si- Ferdinand'

Hindi pa din siya sanay na tawagin lang ito sa kanyang pangalan, lalo at siya lang ang bukod tanging tumatawag dito ng ganon. 'Sir' ang tawag ng lahat ng empleyado, kahit nga si Vergel na vice president for operation at kilalang matalik na kaibigan nito ay 'Sir' din ang tawag dito. She wonders kung bakit bukod tanging siya lang ang  gusto nitong tumatawag ng 'Ferdinand' dito

Memories Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon