Chapter 9

305 34 9
                                    

'So? Did you get it?'

Excited na salubong ni Joy pagkapasok ni Imelda galing sa isang job interview

'Yes, I did'

Parang hindi naman masaya na sagot nito bago binitiwan ang kanyang purse at saka siya umupo sa sofa

'Oh, e bakit parang hindi ka masaya? Dahil ba hindi na kasing taas ng sahod mo dati? E, alam mo namang na-swerte ka lang don. Hindi naman kasi normal yung ganoon pasahod sa fresh grad and inexperienced na executive assistant'

Pero umiling lang si Imelda ng nakalungkot ang mukha

'Oh, wait!... Dahil sa ex-boss mo noh?!'

'What? Bakit naman siya?'

Defensive agad na sagot ni Imelda na napausog pa sa ginawang pagtabi ng upo sa kanya ng kanyang kaibigan

'Sus. Akala mo naman makakapagtago ka sa akin. Kilala kita noh! Nami-miss mo na yung dati mong boss mo diba?'

'Ha? Pinagsasabi mo? Bakit ko mami-miss yon? E, ang creepy kaya non. Imagine, ginawa akong secretary niya, e kamukhang kamukha ko pala yung asawa niya...'

'Weh? E, bakit mo pa sa akin pinapa-search yung Remedios Marcos kung talagang natatakot ka don?'

'Ha?'

Nahihirapang magpalusot si Imelda! Dahil sa totoo ay nai-intrigue siya sa asawa ni Ferdinand. Hanggang ngayon ay hindi pa din maalis sa isip niya ang itsura nito, at ang napakalaking pagkakahawig niya dito. Pero higit sa lahat ay mas nami-miss na niya ang kanyang dating amo. It's been two weeks simula ng umalis siya sa kompanya. Her initial shock was replaced by longing... longing for Ferdinand. Hindi niya inaaasahang mami-miss niya ito ng sobra sobra

'Hoy!'

Gulat ni Joy sa kanya dahil natutulala na naman siya

'Tsk. Tsk. Tingnan mo iyan, naaalala mo na naman yung ex-boss mo?'

'Ano ka ba... Hindi nga sabe'

Pagtanggi pa din ni Imelda kahit huling huli na siya

'Naku, lokohin mo lolo mo. E, obvious na obvious ka masyado! I bet! Wini-wish mo na kumatok siya jan sa pintuan at pabalikin ka sa trabaho, katulad ng ginawa niya dati'

'Hindi'

Mahina niyang sagot kahit sa katunayan ay iyon talaga ang kanyang inaasam. Ang muli itong kumatok at pakiusapan siyang bumalik... Kapag nangyari iyon, malamang ay agad agad siyang papayag, dahil gusto na ulit niya itong makita... at makasama

'Ano bang nagustuhan mo don? Manyakis nga yon diba? Tapos, magpa psycho pa ata! Gawin ka ba namang executive secretary, samantalang kamukhang kamukha mo pala yung asawa niya! Sinong hindi baliw ang gagawa ng ganon? Kaya siguro ganon na lang yung trato nung mga tao dun sayo... But wait! E, nasaan pala yung asawa niya?! Imposibleng, wala yong alam tungkol sa'yo'

'Kaya ko nga pinapahanap sa'yo... Wala din kasi akong makitang kahit anong info tungkol sa kanya sa internet'

Hindi na rin naman nakakapagtaka, dahil maski noon kay Ferdinand ay wala din siyang nakita sa web patungkol dito. Ganoon ata talaga kapag high-profile na mga tao

'Hmp! Kalimutan na nga natin yung ex-boss mo na yon. Si Aimee? Kamusta pala siya sa center?'

Good distraction talaga ang kanyang pamangkin. Marinig niya pa lang ang pangalan nito ay nasisiyahan na siya

Memories Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon