Chapter 20

295 34 23
                                    

Nanghihina at nawawalan na ng lakas si Imelda. Ito na ang ikatlong araw niya na nakakulong dito sa condo. Gutom at nanlalata dahil sa pagmamatigas niyang huwag kainin ang mga pagkain na hinahain sa kanya ni Ferdinand

'You have to eat'

Sabi sa kanya ni Ferdinand ng umupo ito ng tabi sa kanya sa kama dala ang tray ng hapunan

'I ordered us some lechon and chocalate cake for dessert'

Pang ba-bribe na niya

Kahit pa ayaw niya ang mga ganitong klaseng pagkain ay napilitan na siya para maenganyo niya si Imelda. Alam niyang paborito nito ang mga ganitong matatamis at puros karne

'Here'

Tapat niya ng kutsara sa bibig ni Imelda para subuan ito, pero galit at may mga luha lamang nito siyang tinititigan

'Kailangan mong kumain'

Maayos na salita ni Ferdinand at saka niya muling nilapit ang kutsara sa bibig nito

'Alisin mo nga yan!'

Malakas na sigaw sa kanya ni Imelda sabay hawi nito ng kutsara kaya nabitawan iyon ni Ferdinand

'Pero hinang hina ka na'

Malumanay pa din ang kanyang boses bago niya muling kinuha ang nalaglag na kutsara at saka iyon pinunasan pagkatapos ay kumutsara ulit siya ng maliit na kanin at lechon

'Sabing ialis mo yan!!!'

Mas malakas ng iyak ni Imelda ng hawiin niya ulit ang kutsara

'Ito'

Yung cake naman ang kanyang tinulak

'At ito'

Pagkatapos ay ang buong tray naman. Nagkalat na tuloy ang mga pagkain sa sahig!

'Stop that'

Pigil na pigil si Ferdinand habang pinapanood niya ang pagwawala ni Imelda

'At ito!'

Hawak ni Imelda sa baso ng tubig sabay hagis niya ng malakas kaya nagkalat na din ang maraming bubog at basa na ang sahig

'I SAID STOP!'

Hindi na nakapagpigil si Ferdinand at hinawakan na niya ito sa dalawang kamay

'Magtigil ka na'

Nanlilisik na din ang kanyang mga mata

'Bitawan mo kong baliw ka!'

Umiiyak na sigaw ni Imelda habang pilit niyang tinatanggal ang higpit ng hawak ni Ferdinand sa kanya

Umiiral ang matinding galit kay Ferdinand lalo kapag paulit ulit siya nitong sinasabihan ng 'baliw'. Yung awa niya dito ay nawawala kapag pinagpipilitan nito ang bagay na iyon

'Oo... baliw na ako... Kaya wag mong ubusin ang pasensya ko'

'Aaahhh!!!'

Sigaw ni Imelda dahil sa sobrang galit kaya nahimasmasan bigla si Ferdinand at bigla itong naawa

'Imelda...'

Binitiwan na niya ang kamay ni Imelda at saka ito niyakap

'I'm sorry.... Hindi kita dapat sinigawan'

Pero mas lalo lang humagulgol si Imelda ng hindi yumayakap pabalik sa kanya. Nakababa lang ang mga kamay nito

Memories Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon