Chapter 24

304 33 46
                                    

Abala ang mga kasambahay sa mansion para sa pagpapalit ng mga nakasabit na mga larawan ni Remedios. Magkahalong saya at lungkot ang kanilang nararamdaman habang isa isa nilang tinatanggal ang mga naglalaking larawan ng kanilang pinakamamahal na dating amo

'Manang, huwag na kayo umiyak'

Sabi ng isang kasambahay kay Manang Biday na walang tigil na umiiyak habang bitbit-bitbit nila ang bagong larawan na ipapalit nila

'E, kasi naman, hindi ko na makikita iyong mga picture ni Ma'am... E, iyon na nga lang ang nagpapasaya sa akin kapag naaalala ko siya'

Hindi na nagawang salungatin pa ng kanyang kasama ang kanyang mga sinabi, dahil kahit sila naman mismo ay ganoon din ang nararamdaman

'Dito ba namin ito isasabit, sir'

Tanong ni Manang kay Ferdinand na nakatulala sa mga nagkalat na larawan ni Remedios sa sahig

'Oo... diyan nga'

Sagot niya na hindi naman tumingin sa tinatanong ni Manang dahil hindi niya magawang alisin ang kanyang tingin sa mga mata ni Remedios na tila nangungusap sa kanya

'I wish I can hear your voice... I wish you would speak to me and would tell me that everything will be alright.... That- I'm not going insane, and that I'm just.. hurting...'

Lumuluha na din pala siya ng hindi niya namamalayan kaya naman nagkatinginan na si manang at ang kasama nito

'Sige, mauna ka na'

Sabi ni manang kaya umalis na ang kasama nito at naiwan na lamang sila ni Ferdinand

'Sir'

Tawag niya sa kanyang amo

'I wish... that you're still here'

Iyak pa din ni Ferdinand kaya niyakap na ito ni manang, parang bata namang yumakap din si Ferdinand sa kanya

'Sana nandito pa siya... sana hindi na niya lang ako iniwan, manang'

'Ssshhh... tahan na sir'

Tapik tapik sa likod ni Ferdinand si Manang dahil sa parang bata nitong pag iyak. Ito pa lang ang unang beses na nakita niya itong umiyak ng ganito simula ng mawala ang kanilang Ma'am Remedios

'Huwag na kayong malungkot. Alam kong masaya si Ma'am Remedios na muli kayong nagmahal... At masaya din kami na si Ma'am Imelda yon'

Pero mas umiyak si Ferdinand kaya mas hinigpitan pa ni Manang ang yakap dito

Kung alam lang nila ang totoong nararamdaman ni Ferdinand. Kung anong totoong dahilan ng kanilang mga ginagawa ngayon...

Matutuwa pa kaya sila para sa kanya?

'O siya, kailan ba ang dating dito ulit ni Ma'am Imelda? Para naman maayos na namin itong bahay at itong mga pictures niya'

'Malapit na Manang'

Biglang nag iba ang awra ni Ferdinand

'Malapit na'

Blangko ang kanyang mga mata na muling tumitig sa mukha ni Remedios
.
.
.
'Oh wow! Guess who's back?'

Sarcastic na bati ni Vergel kay Ferdinand ng makasabay niya itong sumakay ng elevator

'Quit it. I'm not in the mood'

Cut-off agad ni Ferdinand sa kanya

'Oohhh... somebody woke up at the wrong side of the bed'

Memories Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon