('Pwede na siguro yun?')
Sa isip isip ni Imelda. Mahigit tatlong minuto na niyang hinahayaan ang pag-iyak ng kanyang bagong boss, nakayakap pa din ito sa kanya habang siya ay nakababa pa din ang kamay
Kanyang sinilip ang kanyang relong suot
('Okay... deep breaths... In 3, 2, 1-)
'I missed you...'
Mas umiyak pa ng malakas si Ferdinand at mas hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Nahihirapan tuloy siyang itulak ito! Masyado namang nakakaawa ang lalaki na ito!
'S-sir... Nagkakamali po ata kayo...'
Mas nag-freeze pa lang lalo si Imelda dahil umiyak na naman ito!
('Sige na nga... isa pang minuto...')
Tiniis na lang muna ni Imelda ang ginagawa ng kanyang bagong boss, kaya lang may problema... may hindi siya magandang nararamdaman sa puson niya! Nag-iinit din ang kanyang katawan!
('Magtigil ka nga, Imelda! Umiiyak na nga yung tao tapos pinagnanasahan mo pa!')
'I missed you...'
Paulit ulit na iyak ni Ferdinand
Nadadala na din si Imelda sa iyak nito. Kahit siya mismo ay naiiyak na din kahit hindi naman niya alam kung ano ba ang iniiyak ng lalaki... basta ang alam niya lang, ay labis labis itong nasasaktan
Sumilip ulit siya sa kanyang relo. Another 3 minutes na pala ang lumipas! Sabi niya isang minuto na lang e!
Itutulak niya pa lang si Ferdinand ay ito na ang umalis ng yakap sa kanya
'Remedios'
She was too distracted sa pagtitig sa napaka gwapo nitong mukha kaya hindi na niya namalayan ang ginawang paghawak nito sa magkabila niyang pisngi at ang-
'mmffft-'
Madiin nitong halik!!!
Nanlalaki ang mga mata at nanlalamig ang mga kamay ni Imelda! The nerve of this guy! He just stole her first kiss! And she's not happy with it!... Well, kinda... masarap naman kahit papaano ang malambot at mainit nitong labi
Nasa state of shock pa din si Imelda ng marahan ng pinaghiwalay ni Ferdinand ang kanilang mga labi
'Remedio-'
*SLAP!*
Hindi lang si Ferdinand ang nagulat sa malakas na sampal na iyon sa kanyang pisngi, maski si Imelda!
'M-manyak!'
At saka niya ito itinulak bago siya mabilis na tumakbo paalis
.
.
.
'Taxi!'
Nagmamadali niyang para at saka siya sumakay ng mabilis.
'Sa 5th Ave po'
Hingal hingal at napaka lakas na kabog ng dibdib na utos ni Imelda sa driver
'Ha... muntik pa akong ma-rape don ah... ayt, rape ba yon?'
Mabuting inisip ni Imelda...
'No!... pero manyakis pa din siya... phew!'
Napapatingin na lang ang driver sa kanya mula sa salamin
'Ayos lang kayo miss?'
Usisa nito pero parang bingi naman ang kanyang pasahero at patuloy lang ito sa pagsasalita ng mag-isa
BINABASA MO ANG
Memories Of You
RomancePaano kung yung inaakala mong magiging pinaka masayang araw ng iyong buhay, ay siya pa lang magiging pinaka masakit na yugto? Paano mo haharapin ang katotohanang hindi mo na makikita ang iyong pinaka mamahal kahit kailan? Na sa mga larawan mo na lan...