Hindi na mapakali at halos sumabog na ang puso ni Imelda sa pag-aalala
'Manong, malayo pa ba?'
'Malayo pa po Ma'am'
Napapailing pa na sagot ng driver. May sampung beses na ata siyang tinanong ng kanyang pasahero. Ano naman ang gusto niyang gawin nito? Lumipad? E, ang lala ng traffic. Halos hindi na nga sila umuusad
'Aimee...'
Napatingin na sa salamin ang driver kay Imelda ng marinig niya itong umiyak
'Hintayin mo si ate... Papunta na ako'
Nawala bigla ang inis at napalitan ng pagkaawa ang nararamdaman ng driver para dito
('Hay naku! Bahala na nga kung mahuli')
Sabi nito sa isip at saka nito hinarurot ang sasakyan. Matikitan na siya kung matitikitan dahil sa overspeeding at hindi paghinto sa stop light, kesa naman nakikita niyang umiiyak ng ganito ang babae
.
.
.
'Ma'am Imelda! Mabuti nandito na kayo'Bati ni Randy pagkakita niya dito
'Nasaan si Ferdinand?'
Galit namang tanong ni Imelda. Namumula na ito at mugto ang mga mata
'Ah, nasa eroplano na po. Kanina pa kayo hinihintay'
Naaawang sagot ni Randy sa kanya
'Dalhin mo ko sa kanya'
Utos ni Imelda na mabilis na sinunod ni Randy
Matapos ang limang minutong pagda driver ay nakarating na din sila. Dali dali siyang bumaba at hindi na hinintay si Randy na pagbuksan siya
'Tsk. Ano kayang nangyayari?'
Pagtataka ni Randy dahil sa ginawang pagtakbo ni Imelda at sa nagmamadali nitong pag akyat sa hagdan ng eroplano
.
.
.
'Ferdinand!'
Hiyaw ni Imelda pagka akyat na pagka akyat at pagkapasok niya sa loob
'You're here'
Sabi ni Ferdinand na ibinaba ang kanyang librong binabasa at saka siya tumayo habang si Imelda ay hingal na hingal at hirap na hirap huminga na tumapat sa kanya
'Sweethe-'
*SLAP!*
Malakas na sampal ni Imelda sa kanya
'Nasaan si Aimee?... SAAN MO SIYA DINALA!!!'
Malakas na sigaw ni Imelda na nadatnan ni Randy. Napahinto tuloy ito sa paglalakad at hindi na alam kung didiretso pa ba siya sa cockpit o hindi. Nakita naman siya ni Ferdinand
'Go on, Randy. You need to fly us'
Mahinahon niyang utos sa piloto na nakayuko namang lumakad at sumunod
'Let's sit first'
Kalmado pa din na salita ni Ferdinand kahit pa nga namumula at mahapdi na ang pisngi na pinagsampalan sa kanya ni Imelda
'I am not coming with you... Ang kailangan ko ay ibalik mo sa akin ang pamingkin ko!'
'Kung hindi ka pa uupo ay talagang hindi mo na siya makikita'
Pagbabanta pero hindi diretsong makatingin sa kanya si Ferdinand. Ayaw pa din nitong magpadala sa bugso ng galit kaya pilit niyang pinakakalma ang kanyang sarili
BINABASA MO ANG
Memories Of You
Roman d'amourPaano kung yung inaakala mong magiging pinaka masayang araw ng iyong buhay, ay siya pa lang magiging pinaka masakit na yugto? Paano mo haharapin ang katotohanang hindi mo na makikita ang iyong pinaka mamahal kahit kailan? Na sa mga larawan mo na lan...