Chapter 10

368 37 30
                                    

Kanina pa naiilang si Imelda mula sa kanyang inuupuang duyan. Mahigit sampung minuto na silang hindi nagkikibuan ni Ferdinand at pinapanood lang ang masayang pagpapadulas ni Aimee kasama ng mga iba pang bata

'How have you been?'

Tanong na ni Ferdinand dahil hindi na din ito nakatiis

'Okay naman... Ikaw?'

Sa lupa ang tingin na tanong pabalik ni Imelda at tinatadyak tadyakan pa ang mga buhangin

'Same, same'

Sagot ni Ferdinand na ang tingin ay nasa mga batang naglalaro

'Ferdinand, yung bagong pangalan ng center... para ba yon sa asawa mo?'

Ang obvious naman ng sagot sa tanong niya, pero gustong niya pa ding manggaling sa bibig nito iyon. Gusto niyang si Ferdinand ang magkwento tungol kay Remedios, at kung bakit siya kinuhang nito bilang kanyang dating sekretarya. Gusto niya itong magpaliwanag, at bigyan siya ng dahilan para maintindihan niya ito. Gusto niyang bigyan ang sarili niya ng dahilan para hindi siya matakot, at ipagpatuloy lang ang kanyang pagkagusto dito

'She must have told you about her'

Napaka tipid na sagot ni Ferdinand sa kanya, kaya naiinis siya! Iyon lang ba ang kaya nitong sabihin? Hindi ba talaga nito kayang magpakatotoo sa kanya? Hindi man lang ba ito hihingi ng tawad?!

'Ferdinand...'

Nilingon na niya ito, pero ayaw pa din siya nitong tingnan

'Sabihin mo nga sa akin... sino ang nakikita mo, sa tuwing kasama mo ako?'

Hindi niya dapat kinokompronta ng ganito ang kanyang dating boss. She has no business in whatever personal dilemma her ex-boss has... pero, bakit pakiramdam niya ay ginago siya nito? Bakit pakiramdam niya ay kasalanan nito ang hindi niya maipaliwanag na sakit na nararamdaman niya ngayon?

'Pakiusap... sabihin mo sa akin'

Nagmamakaawa na si Imelda! Isang malaking kabaliwaan! Pero hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili. Gusto na niyang palayain ang kanyang sarili sa pangungulila dito

'Si Remedios... Siya ang nakikita ko'

Hindi pa din ito tumitingin sa kanya at nakaupo lang ito sa katabi niyang duyan na katulad niya ay hindi din rin nito inuugoy

'Kahit isang beses?... Hindi mo ako tiningnan... bilang ako?'

Rinig na ang panginginig ng kanyang boses kaya lakas loob siyang nilingon ni Ferdinand at blangko ang mukha na sumagot sa kanya

'No, because even at this very moment... looking at you... I can only see her'

Hindi na napigilan ni Imelda ang kanyang mga luha. Napaka tanga niya para mahulog sa lalaking inakala niyang may pagtingin sa kanya. Yung mabuting pakikitungo at masasayang ngiti... lahat iyon, hindi iyon para sa kanya

'Hindi ako naging si Imelda sa paningin mo?... Kahit isang beses?'

Umiling iling lang si Ferdinand sa kanya ng hindi pa din naaalis ang kawalang ekspresyon sa mukha nito

'And you're not sorry, sa ginawa mo sa akin?'

Doon pa lang nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. Napahingang malalim at nakapikit siyang sumagot

'I'm sorry'

He's sincere, kaya mas lalong naiinis si Imelda. Despite ng panggagago sa kanya ni Ferdinand ay hindi pa din niya kayang tuluyang magalit dito... Dahil kahit ilang beses nitong sinabi na never siyang nakita nito bilang siya, ramdam at alam ni Imelda, na tunay na mabuti itong tao

Memories Of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon