Katatapos lang ni Imelda ang mag-shower. Maaga siyang tumayo at nagasikaso para sa gagawin niyang pagdalaw sa kanyang pamangkin, hindi na niya iyon nagawa kagabi pag-uwi dahil sa sobrang na-badtrip siya sa mga nangyari. Today, kahit papaano ay gumanda ganda na ang kanyang mood. Nailabas na kasi niya ang lahat ng kanyang inis sa kanyang kaibigan, na gulat na gulat at pinagtawanan pa siya
*Knock. Knock*
Hindi pa siya tapos na magtuyo ng kanyang basa at pagkahabang buhok. Naka maikising short at puting t-shirt lang din, pero most likely ang kanyang kaibigan na si Joy lang naman ang nasa pintuan. Makakalimutin kasi ito kaya palaging bumabalik pagkatapos makabalas, kung hindi cellphone, wallet na naman ang binalikan ng kanyang kaibigan
'Oh, ano naman nakalimutan mo?'
Bungad niya agad pagkabukas niya ng pinto
'Ulyanin ka na tala-...ga.'
Hindi si Joy ang dumating, kung hindi ang lalaking manyakis!
'Anong ginagawa mo dito?'
Masungit na tanong ni Imelda na pinag-crossed pa ang mga braso habang tinitingnan nito ng masama ang lalaki
'May I come in?'
Wala namang pakielam na tanong ng lalaki
'No, you can't- WAIT!'
Asar na asar na sinundan ni Imelda ang lalaking sapilitang pumasok at dumiretso ng upo sa kanilang maliit na sofa
'Do you have coffee espresso? I forgot to drink mine this morning'
('Ha! Ang kapal ng face ng bastos na ito ah! May pa-espesso pang nalalaman!')
'Wala, 3-in-1 gusto mo?'
Pang-aasar ni Imelda na tinawanan lang ng mahina ng lalaki, kaya imbes na siya ang mang-asar, ay siya pa ang napipikon! Napaka hambog talaga!
'Hmmm... I never had a taste of that 3-in-1... You can serve me that!'
'Ang kapal talaga...'
Hindi naitagong inis ni Imelda
'Wala. Naalala ko, naubusan na din pala kame non'
Mas ngumiti pa ang lalaki pero imbes na mapikon si Imelda ay napakagat labi siya... ang lalim naman ng dimple ng lalaki na ito! Mas lalo pa tuloy itong gumwapo!
'Miss?'
Tawag dito ng lalaki ng parang natulala ito sa kanya, pero parang hindi siya nadinig ni Imelda kaya hinayaan na lang niya ito. Ang cute kasi nito habang nakakagat labi
'Are you done staring at me?'
Natatawang ulit na tawag atensyon niya dito
'I-I'm not staring at you!'
Pagtanggi agad ni Imelda kahit huling huli na siya. Namumula tuloy siya as sobrang pagkahiya!
'E, bakit ka ba kasi nandito?'
Inis niyang tanong ng wala na ulit nagsalita sa kanilang dalawa
'Ahmm...'
At napaatras pa si Imelda ng tumayo na ulit ito. Naka-defensive mode na agad siya kung sakaling pagtangkaan na naman siya nitong manyakan
'I'm here to apologise, for what I did yesterday'
She didn't expect that, but the guy looks sincere naman kaya hindi muna siya kumibo at hinayaan lang itong magsalita
BINABASA MO ANG
Memories Of You
RomancePaano kung yung inaakala mong magiging pinaka masayang araw ng iyong buhay, ay siya pa lang magiging pinaka masakit na yugto? Paano mo haharapin ang katotohanang hindi mo na makikita ang iyong pinaka mamahal kahit kailan? Na sa mga larawan mo na lan...