CHAPTER 5

8 2 0
                                    

Bryan's POV

Naglalakad kami ng kaibigan kong si Beoms habang tumitingin sa paligid. Ang lamig rito sa Tagaytay kaya naman ang kapal ng jacket ko. Field trip namin ngayon kasama ang grade 9 level.

"Uy Bry! si ate Lili ba yun?" tanong sakin ni Beoms "Huh? hala oo nga tara!" sabi ko. Si ate Lili ang tropa ko sa grade 9. "Wait lang! mauna ka na bibili lang ako ron ng cotton candy." sabi ni Beoms. Tumango naman ako at nauna na maglakad.

-------------------------------------------

"Oy Ate Aeri!" pagtawag ko. Marami siyang pangalan, minsan Lili, or Ana, o dikaya Elle. "Oy! nakasama ka pala!" sabi niya

Pero biglang nabaling ang tingin ko sa....babaeng kasama niya.

Love at first sight?

I guess it really was that. I never had a crush before. Basketballl player ako, I'm an athlete. Kasama ako sa Basketball varsity team. Kaya hayun basketball was my first love. Busy ako ron kaya ni-crush wala. Hindi naman sa chaka ang mga classmates kong babae. Sa katunayan nga ang daming pretty girls samin hshshs at hindi lang yon, ako ren ang dakilang crush roon! Andaming nagbibigay sakin ng iba't - ibang bagay tulad ng chocolates, love letters, bracelet hay nako, kung minsan may mga nag-aabang at naghahanap sakin sa labas ng classroom at sa restroom rin pucha kaya minsan ayoko na lumabas ng classroom. Sadyang hindi ko lang sila type.

Grades ko? average lang naman, not an honor tho, pero hindi ko rin naman yun habol. Pero...ah basta! I cannot explain this reaction, this, this....feeling. Maganda siya ha mas magan- natauhan lang ako nang magsalita si Ate Lili.

 "....at ikaw Bryan kinakausap kita." sabi niya at bigla niya kaming pinakilala sa isa't - isa. "Ah! Celestia si Bryan tropa ko from grade 7, Bryan si Celestia sister ko from grade 6!" oh so sister niya pala siya no wonder hawig nga niya. "Ah ganon ba sister niyo pala siya ate. ah Ha-hi!" utal na bati ko, "He-hello" nahihiyang bati naman ni Celestia. "Nice to meet you." sabay pa talaga yon ah.

----------------------------------------

"Huy! nakikinig ka ba? hello? sinong- huy!" natauhan uli ako nang i-wave ni Beoms ang kamay niya sa harap ko. "H-huh? may sinasabi ka?" sabi ko nalang. Kumakain kami ng cotton candy habang nakaupo sa damuhan.

Ngayon ko lang na realize na kanina pa pala ako nakatingin kay Celestia sa malayo. Mag-isa lang siya roon nakaupo habang kumakain. "Dito ka lang ah wag kang susunod." bilin ko kay Beoms "Ha? o-oi! san ka pupunta-" narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon, hindi na rin sumunod si loko.

"Hi!" bati ko kay Celestia. "Ah hi?" mukang mahiyain siya. I don't know but I really find shy girls a lot more interesting. 

"Ah asan nga pala kuya mo?"

"Si kuya, ah ayun nag ra-rides sila ng mga friends niya."

"Eh ikaw bat ka mag-isa rito?"

"I'm afraid of heights and hindi ko rin ma-eenjoy ang mga rides."

"Ganon ba, gusto mo samahan kita maglibot?" mukang nagulat siya sa tanong ko.

"H-huh? y-you mean just the two of us?"

"Yeah! come on! mababagot ka lang diyan, para naman ma enjoy mo rito kahit papano."

-----------------------------------------

Mabuti nalang hindi lang mga rides ang meron dito, marami ring games!

"Halika try natin toh!" masayang sabi ko. "Sige! ikaw muna" sabi naman niya. Naputok ko ang lobo yung patatamaan ng patalim, nakaputok ako ng lima, siya naman ay tatlo.

Naglibot-libot pa kami, ang iingay ng mga tao sa paligid, mga sigawan dahil sa rides.

Sumakay na rin kami sa Carousel. Atleast may mga rides parin na hindi mataas para sa may takot sa heights gaya niya. "Hahaha ang cute mo noh!" sabi ko sakanya habang umaandar ang caarousel, magkatapat lang ang sinasakyan namin.

"Omg ah-this looks weird gosh I wanna get out!" tinawanan ko lang siya, napilit ko rin naman siya sumakay kanina.

Nag try pa kami ng ilang games at napanalunan lang namin ang isang teddy bear keychain. "For you" sabi ko ng i-abot ko sakanya ang keychain. "Oh thanks!" lihim akong napangiti, I even turned my head away from her nang makita ko kung gano namula ang pisngi niya, was it because of me? hshshs.

"Ah let's go na!" sabi niya "Wait!" pigil ko. Pumunta ako sa katapat na  stall at bumili ng dalawang cupcake. "Oh ayan tig-isa tayo." sabi ko. "Thank you! this is actually my favourite." masayang sabi niya. Kaya naman pala yan rin ang kinakain niya kanina. 

"Oo nga pala hayaan mo next time malaking stuff toy na ang mapapanalunan natin." ngiti ko 

"Next time? well I hope so."

"Simula ngayon friends na tayo ha." nakangiting sabi ko

"Friends? sure!"

We shaked hands, then our eyes met, sandaling tumigil ang mundo namin habang nakatitig sa isa't - isa.

"Sandali picture tayo remembrance dali!" sabi ko, dahil suot-suot ko ngayon at nakasabit sa leeg ko ang polaroid film camera ko, nag v pose kami.

-----------------------------------------

^3^

-----------------------------------------

Song: For You by F4 (2018)



Neverending StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon