"Wait! so you mean condo neighbors tayo? gulat kong tanong. Nandito na kami sa floor niya papunta sa unit niya. Mas mataas pa pala ang floor ko sakanya.
"Yes, what about it?"
"Woah, akalain mo yon magkapit-bahay pa pala tayo hahaha." natawa pa ko ng sarkastiko.
Grabe haha same condominium rin pala kami netong si sungit. May bago nanaman tuloy akong chika neto kila Lana, paniguradong mawiwindang sila hahaha.
Malaki ang unit niya, kulay dark blue na may silver ang loob, meron rin siyang balcony, astig! hshs. Ang laki rin ng tv niya.
"Wait here. I'll just take a shower."
"Ah teka wala ka bang pa room tour o house tour? hehe"
Tinalikuran na lang niya ako at nagpunta na siya roon sa bathroom, nasilip ko ng kaunti ang loob ng bathroom niya, aba ang laki rin sa loob, ayos ah, big time?
Ano bayan, boring uli. Tawagan ko nalang sila Lana at sila Jen. May group chat kaming magkakaibigan kaya nag video-call kami:D
"Lana! Jen! Guys! guess where I'm at?"
"Sa condo mo?"
"Na-ah guys ito na nga! may chika ako! and for sure mawiwindang kayo!"
"What's that ba?"
"Naalala niyo si Ian Cervantes?"
"Oh yeah that guy you defeated back then on your debates?"
"Tumpak! siya nga."
"So ganito kasi, napili kami as partners for an upcoming math competition sa school tapos ayan, siyempre as team mates, magkasama namin tong gagawin. So ayun na nga, sabi ko kung saan ba kami mag-aaral at sisimulan ang project."
"Oh tapos"
"Tapos eto, guess what? sa condo niya ko dinala hindi lang yan, same condo lang rin pala kami!? akalain niyo yon hahaha."
"Omg! weh!? bakla ka!"
"Woah so now you mean, you're at his unit? Just...the two of you?"
"Yeah? Kami ngalang hshshs."
"Go na girl! kundi uunahan kita!"
"Sira! anong go!? pinagsasabi mo? hahaha"
Ilang sandali pa, bumukas na ang bathroom at tumambad sa harap ko si Ian without nothing on top, tanging tuwalya lang na nakatapis sa pang-ibaba niya ang meron siya.
Mayghad ang ganda ng hubog ng katawan niya shems....stop! stop! Lili stop! wag mo siyang pagnanasaan mygosh hindi ka naman ganyan. Umiwas nalang ako ng tingin at nag-paalam na sa video call.
---------------------------------------------
Mga ilang minutes ko rin siyang hinintay lumabas sa kwarto niya, maya-maya lumabas na rin siya hays finally. Nakasuot siya ng plain dark blue t-shirt at black shorts. Blue ule? paborito niya siguro ang color blue, blue hoodie, blue house, blue shirt. Pero anyways, bagay naman sakanya ang kahit ano, gwapo siya, matangkad, and oh, he's wearing a specs glasses. Dagdag pogi points!
Nilabas na namin ang mga books na hiniram namin sa library, meron rin ritong internet kaya madami na kaming resources:D
Nagsimula na kaming mag-plano for the math project, bale bukod pa ito sa kailangan naming paghandaan na math bee.
Nadidistract ako, ambango kasi niya, kulang nalang singhutin ko siya rito eh. Naaamoy ko ang buhok niya, amoy aloe vera, nuks!
"Hindi ganyan" Gumagawa kami ngayon ng blue print. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay naming iginuhit ang blue print. Omg ang lapit ng muka niya shems, we must stay focused Lili!
After we drew it, we locked eyes for seconds. There's this electrifying feeling in me, I can't explain. His eyes were so charming. It's like he's staring into my soul. Until I looked away, biting my lip to hide a smile.
--------------------------------------------
It's a Saturday. Kahapon, napag-usapan namin ni Ian na sa isang coffee shop sa Taguig kami magkikita uli, para ipagpatuloy ang ang aming ginagawa for math competition.
Ang ganda yata ng gising ko. Para nakong tanga rito na kanina pa nakangiti habang nagpe-prepare. I wore a light blue striped off shoulder top and a dark blue denim skirt partnered with a light blue heels. Fashion kung fashion!
Nag-aaral pa kasi ako ngayon mag drive sa isang driving school kaya wala pa akong sariling kotse at driver's license. Kaya nag commute nalang ako. Dinala ko ang white tote bag ko para doon ilagay ang mga libro.
Pagkarating sa coffee shop, wala pa masyadong tao, 8:30 am palang, usapan kasi namin ay 9 am, hshshs masyado yata akong maaga.
After ng ilang minutes, nakita ko na ang mustang car niya sa window. Oh my, matchy pa kami ng outfit naka light blue denim shirt at dark blue pants siya. Wala na ba talagang ibang color ang lalaking toh, laging blue? hindi ba siya nagsasawa? mygosh pero gaya nga ng sabi ko, bagay naman sakanya. Nakahawi ang buhok niya, shocks ang gwapo!
"Sorry kanina ka pa ba rito?"
"Hindi hindi kararating ko lang den hehe." kahit na kanina pako rito hshshs.
Nilabas na namin ang mga math e-books at yung blue print na itutuloy namin. Nag order siya ng isang cappuccino at isang croissant habang isang frappe at isang carrot cake ang akin, nakakatakam! :D
"Elle" nagulat ako ng pinunasan niya ang gilid ng bibig ko gamit ang tissue.
"T-thanks hehe." Nginitian ko lang siya ng onti, nakakahiya man pero ewan ko ba kung bakit mas nangingibabaw parin ang kilig sakin. Malala na yata toh.
Habang nag rereview kami, tinanong ko siya.
"Ah Ian, may girlfriend ka na ba? Genuine questi-" napatigil ako dahil bigla siyang naubo kaya inabutan ko siya ng water.
"S-sorry hehe" sabi ko sabay tawa, bat ba pag mga ganito ang sinasabi ko, lagi siyang nauubo diyan? hahaha. Kunot noo siyang tumingin sakin.
*bell rings*
Ilang sandali pa tumunog ang bell sa pinto senyales na may bagong pumasok sa shop.
"Babe!"
Si....Stacey?
----------------------------------------
(●__●)

BINABASA MO ANG
Neverending Story
JugendliteraturAn aspiring author, top student, & future psychologist Lili, experienced many things growing up and finding herself. A story of love, friends, family, dreams, and just life. Until she met Ian, a nursing student. Will she find her true love this time...