CHAPTER 16

10 2 0
                                        

*bicycle bell sounds*

Napangiti ako nang makita si Ian pagkalabas ko sa condo. Suot niya ang kanyang nursing outfit, nakahawi ang buhok niyang bagong ligo. Ang aliwalas niya talgang tignan sa nursing outfit niyang yan, ang puti na nga niya, puti pa rin ang suot, subukan kaya niyang mag black minsan hshs.

Andito uli siya, para isabay akong pumasok sa school. Minsan sinasabay niya ako sa kotse o bike niya pagpasok at pag-uwi. Sa paglipas ng mga araw, naging close friends na rin kami:)

-------------------------------------------

Naging ganito lang kami sa school, laging nasa library, kung minsan sabay kaming magla-lunch. Wala man kami masyadong ginagawa bukod sa mag-aral ng mag-aral, masaya na ako sa presensiya niya, ang makaharap siya lagi sa table, at ang makita siya, kompleto't buo na ang araw ko:)

His smiles gives me butterflies:)

"Ian kung sakaling manalo tayo, pwede ba kong gumawa ng deal?" Nakangiting tanong ko sakanya. Andito kami ngayon sa library, next week na ang competition, may price na makukuha ang mananalo.

"Deal? Go ahead."

"Umm okieee so kung manalo nga tayo, pwede ba tayong mamasyal?"

"Okay"

"Okay? Alright deal yan ah."

-------------------------------------------

Friday, finally ito na, the day of competition! Pwedeng manood ang mga students from different schools. Sa isang auditorium hall gaganapin ang laban. Nakasuot ako ng long skirt na light pink, white fitted top paired with flat white heels, naka bun rin ako.

Kompleto ang mga kaibigan ko para mag cheer sakin, aww sweet niyo guys<3 hshshs. Andito sila Lana, Kyle, Bailey, Jen, Hailey, Leia, Diane, at Viel. May pa banner pa haha.

"Bes! Pag natapos mo yan, kakain tayo sa MOA ha! Goodluck Bebe!" Excited na sabi nila Lana at Kyle.

"So ano, ah goodluck?" Sabi ko kay Ian. Mukang kalmado lang siya. Nakasuot naman siya ng white denim shirt, black pants, at black shoes, suot niya rin ang kanyang specs.

"Goodluck Ana." Ngiti niya sabay tapik sa ulo ko.

Merong three rounds ang math bee. Ang easy, average, at difficult round. Nasanay na rin siguro ako sa mga debates noon kaya medyo kalmado na ako ngayon. Ang key rito ay confidence. Kapag rin kalmado ako, mas nakakaisip ako ng mabuti, tama ganyan dapat Liliana. Fighting!

Nauna ako sumalang sa math bee dahil kasama ako sa batch 1, si Ian naman ay sa batch 2.

After ng two rounds, ito na ang difficult. Okay, focus Lili, kaya mo yan, alalahanin mo ang lahat ng ni-review niyo ni Ian at prof. Montes.

3...2...1 time's up!

-------------------------------------------

Natapos namin ni Ian ang math bee sa wakas! Tapos na rin! Pero wait hindi pa dapat ako magpakasaya dahil ia-anounce palang ang winners at placers sa math bee at math project.

Pinapwesto na kaming mga competitors sa unahan para sa announcement ng mga nanalo. Dalawa ang mananalo sa math bee, isa sa batch 1 at 2.

Magkatabi kami ni Ian. Gulat akong napatingin sakanya nang hawakan niya ang kamay kong nanlalamig. Nginitian niya lang ako ng marahan.

Naunang ina-nounce ang winners sa project, we got 2nd place, not bad atleast may place out of 10 partners na nag compete.

"And for the final winners of the math bee contest...UST's Liliana Agcaoili and Ian Cervantes!"

"Oh my gosh!!! Oh my gosh!!!" Napayakap agad ako kay Ian, ganon rin siya sabay buhat at ikot sakin.

"We won!" Masaya niyang sabi. Nag-apir pa kami at ginulo gulo niya ang buhok ko, shemay hshshs.

"Lili!" "Ana!" "Aeri!" "Elle!" Tawag sakin ng mga kaibigan ko at tumakbo palapit sakin sabay yakap ng mahigpit. Muntikan nakong matumba ron at bakit ba hindi nalang iisang pangalan ang itawag nila sakin?

"Babe!" Tawag ni Stacey sabay halik sa pisngi ni Ian.

Kumain nga kami at namasyal sa MOA gaya ng sabi nila Lana. Treat nila ako.

"Cheers!"

-------------------------------------------

Monday na uli, last semester na namin kaya onting tiis nalang.

Gaya ng deal namin ni Ian, papasyal kami!

It was a Saturday night. I wore a simple and casual pink top and a black denim skirt, nakalugay lang rin ang buhok ko. Ilang sandali pa kumatok na si Ian sa unit ko. Naka casual attire lang rin siya, naka black shirt at brown pants. Nag black nga, finally ibang color hshshs.

"Hi!" "Let's go!" My gosh nagsabay pa nga kami.

Gamit uli niya ang mustang car niya.

"Soooo san tayo?" Nakangiting tanong ko.

"You'll see."

Oh wait familiar place ito ah...omg dinala niya ako sa Ayala Triangle Gardens sa Makati! Ang huling punta ko pa rito ay noong kasama ko ang mga kapatid ko, 18th birthday iyon ni Celestia.

Wow! Ang daming ilaw sa mga puno, para akong nasa enchanted place!

Naglakad na kami pero gulat akong napatingin kay Ian nang hawakan niya ang kamay ko sabay tingin ng deretso sa akin.

"Liliana, I have something to tell you. Umm...we ah...we broke up."

"Ha!? B-bakit? K-kailan pa?"

"Ang totoo niyan, all was fixed. We were forced into this stupid fixed marriage shit alang-alang sa kapakanan at kapangyarihan ng companies ng parents namin."

"It's that...ayoko nang paasahin pa si Stacey. Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sakanya. I tried to love her but, it just wouldn't work out."

"I broke up with her recently because...because I realized I had fallen in love with...with someone else."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayong nalaman kong in love na ang kaharap ko sa...sa ibang babae.

"I realized that I'm ready to risk everything for this woman."

Close friend na nga siguro ang tingin niya sakin para maglabas siya ng saloobin niya.

"Ah g-ganon ba, m-mabuti yun! Mabuting nahanap mo na rin ang true love mo. Ah sino ba siya? Pakilala mo naman ako baka maging close friend ko rin siya."

"Yes, I finally found her but, no need na ipakilala ko siya sayo dahil...dahil andito lang siya."

Nagtaka ako, ano raw? andito? so ipapakilala niya ko now na?

"H-huh? Ano kamo? Andito?"

"She's Infront of me Lili."

A-ano? O...m...g

"I...love you Liliana."

I...I-im speechless I-im stunned...tinuro ko pa ang sarili ko.

"Yes Lili it's you that I love." He chuckled.

"I...I love you-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halikan niya ako habang hindi pa nakapikit ang mga mata ko. I slowly closed my eyes and feel his deep kiss.

Tonight, was just full of enchantment. Under the lighting trees, are two people whose hearts finally became one.

-------------------------------------------

(⁠*⁠^⁠3⁠^⁠)⁠/⁠~⁠♡

-------------------------------------------

Song: Enchanted by Taylor Swift<3

Neverending StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon