CHAPTER 7

15 1 1
                                    

"Saan ka pupunta?"

Shit! Si kuya Clyde!"

"Ah ehe-"

"Lalayas Ka noh?"

"Ha! Umm o..o?"

"Tara!"

Huh? Ano raw? Tara? Seryoso Siya? Hindi niya ko pipigilan? Ang saya naman non sa feeling hshshs. Supportive kuya yarn?

"Ano ayaw mo?" Natauhan ako ng magsalita siya.

"Ha? Syempre gusto! Ito na nga oh all packed na! Pero alam mo ba kung saan ako pupunta?"

"Kay tita Helen"

"Hala pano mo nalaman?"

"Cause I was like you too...so now let's go bago ka pa mahuli."

We went inside his car and he drove me to tita Helen's house. Siya ang kumupkop Kay Celestia.

-------------------------------------------

"Hijo? Gabi na, halikayo pasok pasok." Bungad samin ni tita Helen. Maliit Lang Siya na may katabaan at singkit ang mata.

"Anong sadya niyo rito ngayong dis-oras ng gabi?" Mahinahong tanong ni tita.

"Ah tita pwede po bang dumito ho muna si Lili sa inyo?" Sabi ni kuya.

"Dumito? Nako syempre naman welcome na welcome kayo rito pero bakit ngayong gabi, hula ko may nangyare ba Liliana hija?" Tanong ni tita, mukang na se-sense nyang may hindi nga magandang nangyare.

"Ah tita eh kase nag L word po ako."

"L word? Ano yon?"

"Ah umm l-lu-lumayas po." Sabi ko sabay yuko. Napabuntong hininga sila ni kuya.

"Lumayas? Dyusmiyo magkapatid nga kayo o siya sige dumito ka muna hija."

"Salamat tita!" Niyakap ko siya ng mahigpit. Kahit mali man ang ginagawa namin, tinatanggap pa rin niya Kung Ito ang ikapapanatag namin:,)

-------------------------------------------

Magpapaalam na si kuya, hinatid ko Siya sa gate.

"Kuya thank you ha."

"Aerielle ah, basta magpapakabait ka ha, wag mong bibigyan Ng sakit sa ulo si tita, dalawa na kayo ni Celestia dito. And oh don't worry ako nang bahala kay mom."

"Talaga Kuya? Thank you talaga ha! And sorry na rin." Niyakap ko siya Ng mahigpit at niyakap niya rin ako pabalik.

"I understand you the most. Basta I'm only one call away ha." Sabi niya bago sumakay sa kotse.

-------------------------------------------

Hay 12 am na nandito na ako ngayon sa bakanteng kwarto sa bahay ni tita. Tulog na si Celestia nang dumating kami rito. Hayst guminhawa ang pakiramdam ko. Wala siya rito. Mas happy! Naalala ko ang mga nights kung saan kapag wala ng pinagkaka-abalahan si Ronaldo, ayan na siya, magsisimula na ang sermon time niya. Kahit kasi wala kaming ginagawa, nananahimik lang sa isang tabi, mag puputak siya diyan. Kami naman ngayon ang next target nya! Hanep noh! Kaya minsan hindi nako maka focus sa ginagawa ko dahil ang ingay niya.

Midnight, alam niyo, ito ang favourite time ko sa isang araw, alam niyo kung bakit? Kasi sa mga oras na ito lang ako nagkakaroon ng peace time, after ng kung ano mang nangyare.

Music, there are nights bago matulog na, andami pang bad things na dapat mangyari, kaya alam niyo thankful ako sa music, ang aking best friend, the one who makes me calm, my bff na always there to save the day hshshs:)

Suwail na anak na kung suwail pero, sobra na kasi, kung minsan talaga nakakasakal na siya. Hindi na rin tama ang sobra. Kaya sa school, ayon, thankful ako dahil kahit papano hindi ko siya makikita buong araw. At sa mga classmates, fiends, teachers, sa mga taong hinahangaan ko, kila kuya, kay Celestia, at kay mamsh sa kanila lang ako nakakaranas ng ginhawa:)

*********************************

Kinabukasan, nagulat ako sa bumungad sakin, si Celestia with a shocked face.

"Ate, why are you here?" nagtatakang tanong niya "why? ayaw mo ba, magkasama na tayo dito hshs." sabi ko. "No, it's just that, why are you suddenly here ang sabi ni tita, kagabi daw kayo pumunta ni kuya Clyde rito. Ate matanong ko lang, is there something wrong?" usisa niya. Okay sasabihin ko naman talaga toh sakanya so nagsimula nakong mag kwento.

--------------------------------------------

Sabay kaming pumasok ni Celestia sa school, siyempre dinala ko ang uniform, ID, at school shoes ko sa impake. Nasa locker ko naman na kasi ang mga gamit ko sa school.

Pagkarating sa classroom, bumungad sakin ang mga classmates ko na pinapatahan si....Rose. Huh? bakit ano kayang nangyare? ngayon ko lang siya nakitang umiyak.

"Pst Lana anong iniiyak ni ms. president?" tanong ko sa katabi kong si Lana. "Ewan eh, bigla nalang siyang pumasok rito nang umiiyak kaya ayan." kwento ni Lana. Kawawa naman siya, ano kayang nangyare.

----------------------------------------------

Lunch time na, hays sa wakas, ang sakit sa brain nung math test namin kanina, pero kahit ganon, confident ako sa answers ko hshshs, siyempre nag advance study yata ko. 

"Pst, for you." kinalabit ako ni Chris habang nasa counter ako. Corn dog yung binigay niya, paborito ko to ah. "Thank you! it's my favorite btw." ngiti ko. "I know I  often see you eating that." sabi niya, oh ganon ba sa bagay ito lang naman ang madalas kong pakay sa canteen kasi lagi naman akong may baong lunch box. 

Ayokong kumain sa canteen kasama siya, mahirap na ma-issue nako I mean well hindi pa naman kasi kami, 3 years pa. Tsaka baka mamaya niyan bigla nalang may manabunot sakin habang kumakain kasi nga andaming ka flirt netong si Chris tas ngayon mukang pinopormahan naman ako, naneto hahaha. Hindi rin naman kami kumakain ng mga kaibigan ko sa canteen, lagi lang kaming sa clasroom.

------------------------------------------------

After kong kumain, dumiretso ako sa locker ko para kunin ang books for the next subject. Nakita ko si Rose ron kinukuha rin gamit niya sa locker, nginitian niya lang ako ng marahan nang mag katinginan kami.

-----------------------------------------------

◉⁠‿⁠◉

Neverending StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon