CHAPTER 18

6 1 0
                                        

Nagsimula na ang internship namin last week kaya bising-busy na talaga halos kami. Sabay kaming papasok ngayon ni Ian kaya isasabay niya ako sa bike niya, coding uli siya ngayon. Inabot niya sakin ang isang strawberry doughnut nang makita niya ako palabas, saka niya kinuha ang scrunchie na nakalagay sa palapulsuhan ko saka niya iyon itinali sa buhok ko.

Mabilis lang lumpias ang mga araw, dahil monthsary na pala namin next week. Nasa shopping mall kami ngayon para bumili ng ireregalo kay Lana na malapit na ring mag-take ng bar exam.

While were walking, our hands were slowly holding til he intertwined it. "Love punta tayo sa arcade please?" paglambing ko sakanya habang naka pout hshs. "Arcade? again?" kunot noong tanong niya, "Hmp bala ka nga dyan." kunyareng sabi ko lang ito para asarin sya hshshs at napatalikod ako #LakasNgTrip. "Fine I'll take you there, if you want, doon ka na rin matulog hshs." natatawang sabi niya, aba!

Nagpunta kami sa arcade at nag-laro ng iba't - ibang games. Naglaro rin kami sa may basketball pero natalo niya ang score ko kaya sa next round pinaglaro niya uli ako pero napatigil ako nang bigla siyang pumunta sa likuran ko at kinuha niya ang mga kamay ko para sabay kaming maglaro. Yun bang parang naka back hug siya at sabay naming shinu-shoot ang bola. Actually siya na ngalang ang naglalaro eh dahil na-istatwa nako sa ginawa niya!

Naglaro rin kami sa may motorcycle. Pero itong si Ian madaya dahil nanunulak para matumba ang motor sa daan. "Hoy! ang daya mo!" pero tinawanan niya lang ako hmp! kaya tinulak tulak ko rin siya para matumba rin ang motor niya.

Pagtapos ay nag try kami sa claw machine, omg merong purple whale roon! paborito ko rin ang mga purpled stuff toys. Naka-apat na try na ako pero laging nahuhulog, nang mag try si Ian, omg nakuha niya agad yon ng isang laro lang? wow naman.

Maya-maya after sa arcades, nagpunta kami sa milk tea shop. Parehong flavor ang in-order namin. Habang umiinom ako, hinawi niya ang buhok ko sa gilid na nalalaglag at nilagay iyon sa tenga ko. I just gave him a smile. I tilted my head on the other side, kasi baka makita niya ang pamumula ng pisngi ko hays.

Narito na kami sa tapat ng unit ko. "Did you enjoy, love?" tanong niya sakin. "Yes! of course! kasi...kasama kita." ngiti ko pero napayuko ako kasi nga ramdam kong namumula nanaman ako ano bayan. He tilted my chin up, and gave me a peck on the lips. Oh my god. Nakita kong napangiti siya, lah! mukang natutuwa siyang makita ang pamumula ng pisngi ko ah, sige lang tsk!

"Goodnight Aeri." he even pinched my cheek!

"G-goodnight." saglit ko siyang tinignan bago ako pumasok sa unit ko. My gosh! Napatili pa ako pagsarado ng pinto pero napatigil rin at napatakip sa bibig ko nang ma-realize kong baka hindi pa siya nakaka-alis at nasa labas parin ng unit ko shocks! narinig kaya niya?

------------------------------------------

"Ipapakilala na kita kila mom next week." sabi ni Ian pero napansin kong parang wala yata siya sa mood kanina pa sa school. Ano kayang nangyare? Andito na kami sa loob ng kotse niya.

"Ian, tapatin mo nga ko, ano nangyare at bakit parang kanina ka pa lugmok diyan. Do...we have a problem?"

"No no, It's nothing."

"It's nothing, fine, sabi mo eh." Pero feel ko na merong hindi magandang nangyare, hindi naman kami nag-aaway. Actually nakakatuwa nga dahil napansin kong pala ngiti na siya simula noong naging kami:)

-------------------------------------------

Oh my today's the day na ipapakilala niya na ako sa angkan niya joke! hshshs. Aaminin ko, kinakabahan ako though hindi ito ang first time kong ma-experience ito. Pero kasi naman, nakakatakot ang description ni Drei sa magulang niya.

Tumawag ako kay Jen, kailangan ko talagang pakalmahin ang sarili ko. Si Jen kasi ay may Irish boyfriend odiba, ayun healthy relationship naman sila, bale nasa Pilipinas ang Irish boyfriend niyang si Jake. Kaya nga after college, balak na nilang doon tumira sa Ireland ni Jake. Well sana lang talaga, may makuha akong matinong sagot o advice sa babaeng toh!

"Jen!"

"Hi sis! sup!?"

"Umm..I need help!"

"Sure! anything go ahead."

"Ok so mamaya na ako ipapakilala ni Ian sa parents niya! Now, parang mababaliw nako rito dahil sa kaba!"

"OMG!? Ok ok so umm follow me okay inhale, exhale, inhale, exhale."

"Keep on doing that til makarating kayo don. You know sometimes you'll get so kaba if their parents are like so maldita diba or like scary but don't worry hon, cause I know you'll do great! trust me and if anything goes wrong I can go to your house so we can talk face to face okie?"

"Hshshs okay okay....Jen, thank you."

"Anytime, oh! right, update me okay?"

"Yes."

------------------------------------------------

Sinundo nako ni Ian, ngayong gabi iyon. I wore a short black dress, black heels, with a small black purse habang ang buhok ko naman ay nakalugay.

"Love, don't worry, I'm only here okay? and oh you look perfect." sabi ni Ian nang hawakan niya ang kamay kong nanlalamig. Andito kami sa loob ng sasakyan niya at nasa tapat na kami ng mansyon nila.

"Y-yeah, ah...thanks." I gave him a warm smile, sign na ready na ako. Well as if naman kasi pamamanhikan to noh eh meet the parents pa nga lang.

When we entered their house, it was really big. There's a gold chandelier, a gold long stairs, everything in their house was like all gold.

Dumating na ang parents niya. Woah, nakaka starstruck ang itsura ng mom niya, ang ganda niya. Matangkad siya, morena, at naka bun. Kung hindi ako nagkakamali, nabanggit ni Ian na isang flight attendant ang mom niya.

Ganon din ang dad niya na isang lawyer, nakikita ko ang old version ni Ian sakanya hshs. Matangkad rin ito at kutis labanos. Nakahawi rin ang hair niya. Mas kamuka pala talaga niya ang papa niya.

"G-good evening po Mr. & Mrs. Cervantes." ngiti ko sakanila. Nginitian ako ng dad niya habang naka poker face parin ang mama niya. Muka tuloy siyang maldita, ganito rin noon si Ian.

"Bueno maupo kayo." sabi ng dad niya. Ha? a-ano raw? b-bueno? ano yon?

Naupo kami sa isang dining table. Ang haba ng table nila, color gold rin ito. Katabi ko si Ian, habang nasa tapat ko ang mom niya at nasa tabi nito ang asawa niya na katapat ni Ian.

"Liliana tama? taga saan ka hija?" napansin kong palangiti ang papa niya unlike ng asawa niyang poker face paring nakatingin sakin. Naco-conscious tuloy ako.

"Manila po."

"I already knew you're from UST, same school ni Drei, that's good, para kahit pati sa school ay lagi kayong magkikita." ngiti pa ng daddy niya. "What about your course by the way?" tanong pa niya."

"Psychology po." Ano bayan ano toh? isang tanong isang sagot? think Liliana.

"Ah bale I also write novels din po." ngiti ko rin.

"Oh I see, mabuti. Ah, Ian nak, show her around the library later ok?"

"Yes, dad."

What? seryoso? may library rin sila rito? sabagay ang laki nga rin kasi ng mansyon nila.

"You know what I really don't know kung anong nakita mo rito sa anak ko at nagustuhan mo siya." tawa ng dad niya.

"Dad, stop."

Napatigil lang sila sa pagtawa nang tumikhim ang mom niya.

"Let's eat now." sabi lang niya. Binigyan naman ako ng dad niya ng ngiting nagsasabi na ganyan talaga ang asawa niya kaya intindihin ko nalang ito.

Tapos na ang dinner, whew nalampasan ko rin iyon. Sinamahan pa kami ng dad niya sa library nila. Malaki rin ito at andaming libro, may mga books ni Shakespeare, Jane Austen, at marami pang English novelists. Marami ring books about 19th century Philippines.

"Liliana come with me." Nagulat ako nang marinig ang boses ng mom ni Ian pagkalabas namin ng library.

-------------------------------------------------

(⁠´⁠⊙⁠ω⁠⊙⁠'⁠)⁠!

Neverending StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon