"I Love You"
Those words bought me so many butterflies that I just ran away after what happened. Hindi ko na kaya ang sobrang pag-iinit ng pisngi ko! Oh my! What did just happened!? Did I just got my first kiss!?
*****************************
Noong grade 11 nang mag part time ako bilang barista sa isang coffee shop sa mall:DD
Gusto ko talaga ever since ang idea na mag part time! :D bukod sa gusto ko ang makatulong sa gastusin, gusto ko rin ang magtrabaho sa isang coffee shop! :D odivah kaya ayon part timer ako as barista, masaya naman lalo na't gusto ko ang ginagawa ko. Minsan gumagawa rin kami ng pastries, gusto ko talaga yung mga bake bake.
Sina Jean at Lance ang mga kasamahan ko sa coffee shop, ka edad ko lang rin sila.
Bukas na ang grand debut ni Jennifer kaya after ng shift ko dito ay pupunta kami ni Lana sa store para mamili ng pang regalo.
"Uy beh may naghahanap sayo sa labas, Christopher raw pangalan yieee." Sabi ni Jean. Ayan nanaman sila ni Lance sa maloko nilang ngiti. "Sige na mars kami na rito mukang may date ka pa kayo ha!" Sabi naman ni Lance, beki siya hshshs.
---------------------------------------
Paglabas ko nakita ko agad si Chris kasama si....Rose.
"Hey!" Bungad ni Rose at niyakap niya ko, ganon din si Chris sabay hawak sa kamay ko. "I told Chris na puntahan ka namin rito, oh we just bought gifts for Jen." "Ah ganon ba-"
"Elle!" Tawag ni....Lana, pumunta agad siya sakin sabay bulong "Halika na!" "H-huh? S-sandali" pero hinatak na niya kaagad ako "S-sige mauna na kami bye!" Sabi ko nalang sakanila. Ano bayan toh si Lana bat bigla nalang nanghihila.
"Uy ano ka ba kinakausap ko pa sila- oi anyare sa muka mo bat para kang pinagbagsakan ng langit at lupa dyan?"
"L-lili ah k-kasi-"
"Bakit may nangyare ba?" andito kami ngayon sa tapat ng isang store.
"S-si Chris kasi n-nakita ko sila n-ni R-rose kanina sa store umm m-magk-kayakap." Utal na sabi niya sabay yuko.
"Ha? ano? wait baka naman namalik mata kalang or kung sila man yon baka wala namang malisya."
"P-pero kasi nakita ko ring magkahawak kamay sila kanina."
Hindi ko alam kung maniniwala ako o magagalit o ano pero isa lang ang alam ko na may mali, parang kinabahan ako bigla sa sinabi ni Lana.
"T-totoo ba yan, hindi magandang biro yan Lana."
"Oo hindi ako gumagawa ng kwento at mas lalong hindi ako nagsisinungaling sayo never ko yon ginawa sayo alam mo yan. Isa pa magkasama sila kanina diba, hindi mo ba naisip kung bakit kasama niya si Rose or na kung bakit magkasama sila?"
Ayoko mang paniwalaan ang sinasabi ni Lana pero alam kong hindi niya kayang magsinungaling sakin at manira ng tao. Isa pa may point sya.
"Bilang kaibigan mo, dapat ko lang sabihin sayo ang mga bagay na to, kahit pa alam kong....masasaktan ka lang. Ano kaya mo pa bang bumili ngayon or kahit ako nalang?"
"H-hindi, sasamahan kita." ngumiti parin ako ng onti kahit pilit.
---------------------------------------
Nag ko-call si Chris kinagabihan pero hindi ko sinasagot, mga 10 missed calls na rin yon, in-off ko nalang ang phone ko para hindi ko na marinig ang ring.
Sariwa pa sakin ang mga nalaman ko kay Lana. Gulong gulo nako kaka-overthink dito #OverthinkMalala. Sa totoo lang maswerte ako na meron akong kaibigan na tulad ni Lana, yun bang hindi naglilihim tulad nang mga bagay nato. Isang designer bag ang binili namin para kay Jen.
---------------------------------------
Kinabukasan, maaga kaming nag pe-prepare para sa debut ni Jen sa gabi. Invited rin ang kabilang section, syempre inimbita niya ang whole batch dahil mga naging classmates rin naman namin ang taga kabila.
Andito na kami sa kwarto ni Jen sa hotel habang inaayusan siya "Omgggg bakla ka! Ang ganda mo mars!!!" Nagulat kami sa biglang bungad ni Kyle pag-kapasok shemay! "Thank you!" Sabi naman ni Jen at natawa pa. Maganda naman talaga si Jennifer lalo na pag naka make-up. Natural beauty siya.
"Hey sis" tawag sakin ni Jen through the mirror, nakatingin siya sakin don.
"Is everything alright? You look like you're not in the mood today." Humarap na siya sakin.
"Ha, umm well, I don't really feel good today, I'm sorry Jen. Ayokong malungkot ka rin kaya don't worry I'll be fine soon!" Paga-amin ko, ayoko nung magsisinungaling pako at sasabihing I'm fine kahit naman ang totoo hindi, mas mabuti nang honest kahit pa ayokong malungkot rin sila dahil sakin.
"Hey no no please, I won't be, it's my birthday today right, dapat lang maging happy. Pero look I'm so sure that whatever you may be feeling right now, it'll all pass okay? So now ang hiling ko sayo is maging happy kahit today lang please? I wanted all of you most especially my friends to be just happy today. And please always remember that I'm always here for you." Hinawakan na rin niya ang kamay ko.
"Okay sure! Thank you for everything Jennifer." Sabi ko at niyakap niya ako, yun bang yakap na makakapagwala ng worries mo.
---------------------------------------
Nagsimula na ang debut party. Everyone was wearing their best dress. Nakasuot ako ng puple tea-length dress at nakalugay ang buhok, si Lana naman ay naka navy blue tea-length dress at naka ponytail. And of course the star of the night, si Jennifer, bumababa na siya ng hagdan habang suot ang kanyang magarbong peach ball gown, nakaipit siya ng pa bun habang may naka curled hair sa gilid, at inaalalayan siya ng kanyang escort.
"Thank you to each and everyone one of you for coming at my party tonight. Seeing you all here made me feel really loved because you are all here to celebrate with me, so I hope you would all enjoy tonight." Sabi ni Jennifer sa mga guest.
---------------------------------------
Pumunta ako sa may parking lot dahil nandon malapit ang restroom. Hindi pa ako nakakalayo nang makita ko sina Chris at Rose na....magkahalikan. My two eyes saw that, it was clear that they were kissing. Naglakad ako ng mabilis papunta sakanila at nang maramdaman nilang paparating ako, napatigil sila sabay gulat na napatingin sa akin. Binigyan ko sila ng tig-isang sampal. Sinabunutan ko rin si Rose.
Galit na galit at naiinis rin ako sobra as in lahat ng cells ko. I can't believe it! H-how dare him! H-how dare they! I felt so fucking betrayed! So totoong totoo nga! I just went in the restroom at nagkulong lang ako roon, I just...cried and cried and cried. Wala na sira na ang makeup ko but I don't care! They're probably looking for me right now, isa pa naman ako sa 18 candles.
I just stopped sobbing for a second when I heard a footsteps.....
"Miss are you alright?"
---------------------------------------
。:゚(;'∩';)゚:。
---------------------------------------
Song: Traitor by Olivia Rodrigo

BINABASA MO ANG
Neverending Story
Teen FictionAn aspiring author, top student, & future psychologist Lili, experienced many things growing up and finding herself. A story of love, friends, family, dreams, and just life. Until she met Ian, a nursing student. Will she find her true love this time...