'Miss are you alright' I heard a voice from inside the women's restroom. Wala sigurong ibang tao rito bukod sakin kaya siguro nakapasok itong lalaki. "Umm..a-ah I'll be fine! don't worry! you can go now!" sabi ko, hindi ako galit, kailangan ko lang talagang isigaw. "A-alright!" narinig kong sabi niya. Nang masiguro kong wala na siya, nag-ayos nako at lumabas. Umuwi narin ako paglabas ng restroom.
Mabuti nalang at Saturday iyong debut, para walang pasok kinabukasan. "Ate let's eat na" narinig kong sabi ni Celestia sa labas ng kwarto ko. Nag lock ako ng pinto dahil gusto ko talagang mapag-isa, masyadong masakit, right in front of me. Makalipas pa ang ilang oras may kumatok uli sa pinto, "Hija kumain ka na, masama ang magpalipas ng gutom" si tita.
Binuksan ko na ang pinto at tumambad sakin ang nag-aalalang itsura ni tita Helen. Yumakap lang ako sakanya nang makita ko siya at muli akong umiyak. Hinagod ni tita ang likod ko. "Sige lang hija, ilabas mo lang yan." hindi man niya sabihin, pero alam kong naiintindihan niya ko.
**************************************
Pagkagising ko, naamoy ko agad ang amoy ng pancake. Pagkalabas ko, nakita ko si mama, nasa condo ko siya, oo nga pala dito siya natulog kagabi. Nakabili ako ng condo last year lang, pinag-ipunan ko rin toh. Okay na kami ni papa, nagka-usap kami, sinabi niyang gusto niyang humingi ng tawad sa lahat ng hindi magagandang nagawa niya noon. Napatawad na namin ang isa't-isa. May nakapagsabi sakin noon na hindi raw maganda ang may kagalit habang lumalaki kaya mabuti narin ang magka-ayos kami:))
Hindi namalayan ni mama na gising na ako dahil nakatalikod siya habang nagluluto. Binack-hug ko siya, "Oh susmaryosep Liliana ginulat mo ako!" hahaha hanggang ngayon magugulatin parin siya. Madalas ko tong gawin sakanya noong maliit pa lang ako. "Ma, thank youuu." sabi ko, wala lang, I just felt the urge to say that. Andyan si mama noong mga panahong kailangan ko ng kaagapay bukod sa mga kaibigan ko.
Nalaman rin nilang lahat ang nangyare sakin kaya natawa nalang ako nang maalala ko kung paano nila ako i-treat noong mga panahong kagagaling ko lang sa break up. Para akong sobrang fragile person hshshs, yung mga kaibigan ko lagi nila akong pupuntahan sa bahay halos everyday na nga eh tapos may isa sakanila ang pupunta sa bahay ni tita Helen kung nasaan ako at kung minsan doon rin sila matutulog. Tapos sa mga school works lagi nila akong tinutulungan dahil lagi nilang sinasabi na hindi pa raw ako stable hshshs. Sobra ko silang na-appreciate, thinking of it makes me feel so loved. It felt really heartwarming.
"O siya sige na tama nayan, kumain ka na, at male-late ka pa." sabi ni mama. Sabay kaming kumain. Kararating niya lang actually this year sa Pilipinas galing Canada dahil kailangan pa siya roon ni Celestia, bale kasama ni Celestia ang mga kuya ko roon. Ako nalang pala ang naririto sa aming magkakapatid hmp iniwan ako hshshs hayaan niyo gaya nang sabi ko, susunod rin ako.
-----------------------------------------------
Simple t-shirt, jeans, and shoes lang ang lagi kong ootd sa school, naka braid ang hair ko today. Pagkarating roon bumungad sakin si Lana na busy sa pag-highlight ng papers. Well, mag-aabogado lang naman siya. Oha! may future attorney slash lawyer na kami sa grupo! Ako naman well, tuloy parin sa psychology.
Wala kaming professor sa next subject, kaya naman naisipan ko ang mag-library at roon mag basa-basa. Ang ingay kasi sa classroom pag walang professor kaya doon nalang ako sa library. Pagpasok sa library, pumunta agad ako sa history books section, my favorite book section! Pagkatapos makakuha ng libro, naghanap ako nang pwestong uupuan hanggang sa makita ko si Ian! Hmmm alam na dis!
"Hi" sabi niya "Inunahan na kita." ngisi pa niya. Wew, alam na alam ah.
"Why are you here?" tanong niya.
"Magbabasa at....kukulitin ka?" tinaasan niya ako ng kilay. Loh.
"Why?" he asked.
"Kasi gusto ko?"
"Why?" he asked, again.
"Kasi trip ko lang hehe." Inirapan niya nalang ako at nagbasa na uli siya.
"What are you reading?" tanong ko.
"Medical book."
"Ooohhh, magdo-doktor ka ba?"
"No. Nurse."
"Ooohh alam mo, yan ang gustong course nila para sakin, pero ayoko, tho I like nurse ren." tumango lang siya sa sinabi ko.
"Lah alam mo bat ang tipid mo magsalita? fyi libre ang magsalita sir." ngiti ko.
"I know."
Sabi lang niya, tsk ang boring naman neto kausap mayghad. Pero atleast siya ang nauna magsalita samin kanina diba at hindi lang yon napangiti ko rin siya kanina kahit ngisi lang yun hehe.
Makalipas ang 1 hour nang pagbabasa, nagsimula na siyang mag-ayos nang gamit niya.
"Aalis ka na?" tanong ko. "Yeah" maikling sagot niya. Nag-ayos na rin ako nang gamit ko at sumunod na sakanya.
"See you around!" sabi ko sakanya sa hallway. Tinaas lang niya ang kaliwang kamay niya at kinaway habang nakatalikod siya at nauuna nang maglakad.
---------------------------------------------
"In the figure, we are given a large circle and a small circle inside it;
with the diameter equal to the radius of the large one. The diameter of the
small circle is 4 cm. This means that its radius is 2 cm. Since the diameter
of the small circle is the radius of the large circle, the radius of the large
circle is 4 cm. The area of a circle is calculated by: пr2 where r is the
radius.""True"
"All of the above"
"Letter B"
"Mga loko!"
Andito kami ngayon nina Lana, Kyle, at Bailey sa canteen habang nag que-question and answer para sa math test namin mamaya.
*food tray sound*
Natigilan kami nang marinig ang nahulog na food tray sa kabilang mesa.
"S-sorry" sabi nang isang nerd student.
"Bitch! look what you've done! hindi kasi tumitingin sa dinaraanan!" sabi ni Stacey. Mukang natapunan ang mamahalin niyang outfit shems!
Si Stacey at ang mga alagad niyang mean girls, andito nanaman sila.
--------------------------------------------
(✿☉。☉)
BINABASA MO ANG
Neverending Story
Teen FictionAn aspiring author, top student, & future psychologist Lili, experienced many things growing up and finding herself. A story of love, friends, family, dreams, and just life. Until she met Ian, a nursing student. Will she find her true love this time...