"Babe!"
Nagulat ako dahil naglalakad si Stacey papunta samin. Ang mas lalong ikinawindang ko ay nang tumayo si Ian at bumati kay Stacey sabay beso, what the heck!? so magjowa sila!?
"Babe you're here lang pala my goodness. Good thing I'm going to BGC today and I saw your car. And why aren't you answering my calls by the way?" naiirita ako sa boses niya, ang landi ng tunog eh.
"And oh, you're with a...girl"
"Ah yes, si Ms. Agcaoili, my team mate for math competition, Ms. Agcaoili, si Stacey Lopez, my ah...girlfriend."
"Hi, nice to meet you." tumayo ako at nakipag shake hands, aray bat parang ang diin naman yata niya makipag shake hands. "Nice meeting you." sabi niya.
Hindi ko alam kung bakit parang nalungkot ako? parang bumigat pakiramdam ko? kahit ako hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. 1 hour narin naman kami rito kaya pwede na siguro umalis.
"Ah Ian, mauna na ako, thank you ule." paalam ko.
"Wait Elle! hatid na kita."
"Ah hindi na magcocommute nalang ako, salamat nalang."
"Babe don't insist na."
Aalis nalang ako, baka may date pa sila after neto.
"O-okay ah...take care." sabi ni Ian sakin bago ako umalis sa shop.
Nag taxi uli ako, at pagkarating sa bahay, nagpalit agad ako ng damit pagkatapos natulog na ko. Baka pag tinulog ko toh, mawawala na yung mabigat na pakiramdam.
-----------------------------------------------
Pagkagising ko, hapon na 2:30 pm. Pagbukas ko ng phone ko, omg...nag text si Ian?
Ian Drei Cervantes: Hi, nakauwi ka ba ng maayos?
Omg ano sasabihin ko?
Liliana Aerielle Agcaoili: Ah yes, safe and sound hehe.
Nag thumbs up react siya ron sa message ko. Hindi na rin naman na yon nasundan.
Kinagabihan, tumawag ako kay Celestia, miss ko na yung batang yon.
"Celestia hello!!! kamusta? okay ka lang dyan? kamusta studies? ang mga kuya?" para akong nanay makipag-usap haha.
"Ate!!! gosh I miss you alraedy, kailan ka ba makakasunod rito."
"Hindi pa alam ng ate pero don't worry gaya ng promise ko, susunod rin ako sainyo diyan, maybe after college, kala niyo kayo lang ang masaya diyan ah haha."
"Alright, by the way, okay lang po kami rito nila kuya, madalas nga po nila ako isama sa galaan eh. Ikaw ate? kailan mo ba balak mag-jowa ule it's been 4 years." narinig ko pa siyang tumawa.
"Ikaw talaga! diyan ka na nga!" may narinig akong familiar voice na tumawag kay Celestia.
"Okay okay fine, uh ate, I'll end the call na ha bye!"
--------------------------------------------------
Monday, same routine, after ng klase, deretso library. Kasama na namin ngayon ang aming math professor na magsisilbi ring mentor namin ni Ian. Nagsimula na kasi ang pag-mementor nila.
Hindi ko kinakausap si Ian, ganon rin naman siya. Ewan ko ba bakit hindi ko siya madaldal ngayon. After 2 hours, natapos na rin ang mentorship. Nag decide ako na mag take a nap muna bago umuwi, napagod ang utak ko ron ah.
Mga 30 minutes na rin yata ang lumipas nang magising ako. Pero nagulat ako sa bumungad sakin pag dilat ko ng mata ko si, Ian. Ang lapit ng muka niya sakin, pati siya ay nagulat ng magising ako, umiwas siya ng tingin at nagligpit nalang ng gamit. Hindi lang yan ang ipinagtaka ko dahil bakit may jacket ring nakapatong sakin, wait teka sakanya toh ah, yung blue and grey hoodie, amoy na amoy ko pa ang scent niya sa jacket niya.
"Ah Drei, thanks." sabi ko sabay abot ng jacket. Mukang nagulat siya, bakit dahil ba tinawag ko siya sa second name niya?
"Come, hatid na kita." sabi nalang niya pagka-kuha sa jacket. Omg isasabay niya ko? Kyaaahhh!!
Pagkalabas namin sa campus, nagtaka ako dahil hindi ko naman nakita ang kotse niya hanggang sa papunta kami sa isang....bike?
"Ah asan pala ang kotse mo?"
"Coding"
Oh kaya, oo nga pala may mga coding rin ang sasakyan. Inabot na niya sakin ang helmet at umangkas na rin ako.
"Ah wait hindi bako mahuhulog dito?" tanong ko, nakatagilid kasi ang upo ko.
"No" nagulat ako sa ginawa niya dahil kinuha niya ang dalawa kong kamay sabay lagay sa bewang niya.
"Hold on tight." sabi niya at nagsimula na siyang mag pedal. Mabuti nalang at nakatalikod siya dahil ayokong makita niya ang nangangamatis kong muka!
------------------------------------------------
♡(> ਊ <)♡
BINABASA MO ANG
Neverending Story
Novela JuvenilAn aspiring author, top student, & future psychologist Lili, experienced many things growing up and finding herself. A story of love, friends, family, dreams, and just life. Until she met Ian, a nursing student. Will she find her true love this time...