3 years later
Grade 12, nasa last year of high school na kami, onting kembot nalang ga-graduate na kami, yun ay kung makaka graduate nga kami.
Nang mag simula ang school year, naging kami na ni Christopher gaya nga nang napagkasunduan namin noon, naghintay siya. Finally eto na. Hindi na rin siya masyadong naging lapitin ng girls mula noon. He kept his promise.
Bukod sa pagiging author o novelist, I realized na may isa pa palang career ang gusto ko, at yun ay ang pagiging psychologist. Simula high school, noong grade 7 doon yata nag start ang pangarap kong mag psychologist. Nursing ang gusto nilang course sakin dahil sa mga tita ko na nurse, pero hindi talaga yun ang field na interested ako, yes I liked the idea of nurse pero it's just that hindi talaga yun ang pangarap ko, kaya heto I took BA psychology.
Sa pagsusulat naman well ayun marami nakong naging works at thank God marami naman ang nagbabasa and so far nagustuhan naman nila, actually masaya nako sa 100 reads, my favourite author once said na magsulat ka para sa sarili mo, which inspired me to really write not because of other people or money but because it's for myself. So I just tried and tried, siya rin and her works ang naging inspirasyon ko sa pagsusulat.
I'm so lucky to have supportive friends around me. I never expected na masusubukan ko rin ang magsulat ng own story ko.
---------------------------------------------
Kinagabihan nag usap kami ni Lana sa chats about sa final research na ginagawa namin.
ItsLiliAnaAeriElle: teh kamusta na research natin kaya pa?
Lanaryushin: shemay andaming deadlines Hala mukang Hindi ako makakagraduate nyan ah
ItsLiliAnaAeriElle: gagi XD geh Ka sumbong Kita mama mo tamo
Nakalipas na ang 5 minutes, wala parin syang reply kinulit ko pa sya pero seen mode lang sya hanggang sa hindi na sya nag seen at biglang active 1 minute ago na. Oh mukang tinulugan na yata ako non ah hanep...or...hindi kaya may nasabi akong mali? naofend ko ba sya? Huh alin naman don?
Binalikan ko ang chats namin. Sinabi ko lang naman na isusumbong ko sya ah, bakit takot ba sya masumbong sa nana- shit! mygosh Lili that's so insensitive of you! Shocks! Yun yon about sa mama niya kasi nakwento niya sa akin noon na inabandona sila ng mama niya noong mga bata pa sila kaya tuloy ayan, hindi rin naman namin pinaguusapan ang mga parents namin dahil sa mga complicated relationships na meron Kami.
Ano bayan lily bat kasi yon pa sinabi mo tanga lang? Hayst kung magso-sorry ako ngayon? Wag, bukas nalang f2f tama! Importante sakin ang mapanatiling okay and smooth ang relationship ko sa mga kaibigan ko. Friends fight, have misunderstandings, it's inevitable, normal lang yan sa magkakaibigan, it happens.
----------------------------------------------
Kinabukasan, pagdating sa classroom dumiretso agad ako kay Lana "Lana! I'm so so sorry please give me another chance! Hindi ko sinasadya na maoffend ka promise hindi na mauulit! sor-" napatigil ako nang yakapin nya ko at bumulong "oo na hindi nako galit nainis lang ako dahil nabanggit mo pa mama ko." mahinahong sabi niya. "Yes I know, that was so insensitive of me sorry ule." sabi ko.
"What in the betrayal is this!?" Natigilan kami sa aming moment nang magsalita si Jennifer at bigla nya kami sinunggaban ng yakap, yumakap narin ang mga classmates namin, shemay ano bang nangyayare?
"Okay now that we're all gathered here I just want to inform you all dear classmates that you guys are invited on my debut party next week! not just that, there will also be an after party too for us because we're going to graduate na and later on we will part ways." announcement ni Jen. Oo nga pala mag de-debut na sya taray ah may pa announcement pa.
-----------------------------------------------
Kinagabihan habang nagrereview ako for our final exams tomorrow, nag chat si Chris,
ChrisDane: still awake? active ka pa oh
ItsLiliAnaAeriElle: yes syempre nagrereview ako for exams tom.
Shemay wala nanaman yatang balak mag aral netong mokong
ChrisDane: wala bang goodluck dyan bukas na rin ang last game namin sa football though
Oo nga Pala may laban pa sila
ItsLiliAnaAeriElle: GoOd LuCk:) ayan okay na now if you please babalik nako sa pagrereview:)
ChrisDane: Ito naman ang sungit! Oh I almost forgot punta ka pala sa football field tomorrow at 12pm at lunch. Anyways goodnight:)))
-----------------------------------------------
12pm andito nako sa football field sa may bleachers nakaupo nang may biglang tumakip sa mga mata ko at nang lumingon ako si Chris pala, umupo na rin sya sa tabi ko and he held my hands sabay hila sakin papunta sa field habang tumatakbo, shemay ano bang trip neto ha? at ano nanaman bang nakain neto? hanggang sa tumatakbo parin kami umalis sa field nang magkahawak kamay. Ewan ko basta sumusunod nalang ang mga paa ko sa kanya.
Sa library niya ako dinala, ows balak ba niya mag-aral, himala.
"Can you show me the book about football na ni-recommend mo?" tanong niya. Oh yes meron nga pala akong ni-recommend sakanya noon at sinabi kong meron non sa library. "Oh o-okay." ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil ang lapit nya. Sumunod lang sya sakin habang hinahanap ko ang section ng book na iyon hanggang sa nahanap ko at inabot ko na sakanya "Thank you...for everything Liliana", humakbang pa sya palapit and I never expected the next thing that happened, he held my chin up and kissed me gently.
"I love you."
--------------------------------------------
^3^
Song: Crazier by Taylor Swift<3
BINABASA MO ANG
Neverending Story
Teen FictionAn aspiring author, top student, & future psychologist Lili, experienced many things growing up and finding herself. A story of love, friends, family, dreams, and just life. Until she met Ian, a nursing student. Will she find her true love this time...