Chapter 3

52 1 0
                                    

Medyo mahaba haba din ang byahe namin nito, malayo din kasi yung bahay namin mula dun sa hospital. Di na rin ako bumalik sa event, for sure naman, wala na akong babalikan. *sigh* Sayang talaga eh, first time kong sumali sa ganung event, tapos masisira pa yung moment ko. Ito naman kasing si Liam e. Tsk.

Nagtataka siguro kayo kung pano ko 'to nakilala no? at kung bakit EX ang tawag n'ya sa akin? Well, tama naman 'yung iniisip n'yo eh, he's my Ex. Ex boyfriend.

S'ya si Liam Fuentes. I call him "Lala" before, nung kami pa, though he hates the way I call him like that. Haha, pambabae daw kasi.Pag naaalala ko yung pinag daanan ng relationship namin, napapangiti ako, at minsan, nasasabi kong SAYANG.

Matagal tagal na din nung break up namin, mag wa-one year na din ata? Ewan, di ko na din naman iniisip eh. Matagal ding naging kamin, may part 2 pa nga yung story namin. Haha, paano? Naging kami nung first year college ako, tapos nagbreak kami before the school year ends, tapos,naging kami ulit nung second sem nung next school year. At duon, masasabi ko talagang sayang.

Naalala ko, sobra ko s'yang mahal noon, pero sa isang iglap nagbago ang lahat sa amin, bihira na kami mag usap at lagi pa kaming nag aaway. Siguro nga bitter ako, pero kasi..

"Hay, wala ka bang balak mag salita? di mo ko kakausapin? Mapanis laway mo d'yan, sige ka." Naputol ang pag iisip ko nung nagsalita s'ya. Hay nako, kahit kailan talaga, napakadaldal n'ya.

Hindi ko naman s'ya pinansin. Actually, wala talaga akong balak na pansinin s'ya.

"Ex.." Sabi n'ya ulit.

"What?" Hindi naman kasi matatahimik yan eh.

"Why do you like anime so much?"

"Ano bang tanong yan?"

"Ang weird mo kase eh."

"What did you say?!" Tss, kaya ayaw ko s'yang kausapin eh,magagalit lang ako sa kanya.

"I said you are weird."

"ME NOT WEIRD! You're just mean!" >3< 

"Im not mean,Im just stating the fact. Psycho ka ba? Parang kasi eh, see, nakacostume ka pa nga eh." Serious yung tone n'ya pero alam kong nangaasar s'ya ng lagay na 'yan.

"I said, Im not weird!"

"Yes, you are. Ang gastos din ng trip mo no?"

"Whatever, e bakit? Pati din naman 'yung kapatid mo ah. So, weird din yung kapatid mo?" Nakakainis na kasi s'ya eh.

"Wala akong kapatid." Nakita kong kinuyom n'ya yung fist n'ya, nagalit ko ata. Harooo! Patay! Tinatawagan ko na po ang lahat ng santong kilala ko! (>/\<)

Tumahimik na lang ako ulit. Hmm, ex ko s'ya pero di ko man lang alam na may kapatid pala s'yang cosplayer. Sabagay, sinira ko din naman 'yung opportunity na malaman 'yun eh. 

Ngayon ko lang naisip, marami pala akong hindi alam kay Lala, mga bagay na tungkol sa kanya. Bahay, edad, school, personal profile lang ata ang alam ko sa kanya eh.

I met him sa isang organization sa school. Musician Society. Bukod kasi sa anime, I also love music. I play guitar and keyboard, I also sing. At s'ya? Pianist s'ya at the same time vice president ng org. The first time, I heard him play the piano, tapos ang tinugtog n'ya 'yung Lacrimosa piece ni Wolfgang Amadeus Mozart, it felt like heaven. Ang galing n'ya tumugtog.

That moment, nalaman kong I have a weak heart, tapos pakiramdam ko, tumakas lahat ng pangarap ko. Then, when I heard him playing the Lacrimosa, gumaan 'yung pakiramdam ko. Nasa back stage ako at s'ya nasa gitna ng stage habang tumutugtog, after n'yang tumugtog, pinuntahan n'ya ako sa pwesto ko and handed me his handkerchief. Tapos I saw his friendly smile, then and there, we became good friends,until nanligaw s'ya at naging kami.

The moment I met him, tingin ko, I already fell for him.

Ayaw ko s'yang mawala noon. At tinggin ko nga, naging malala ang tama ko sa kanya noon, kasi, parang naobsessed ako sa kanya. Sa kanya lang ako nakatingin, s'ya lang ang nakikita ko. S'ya lang ang gusto ko sa buhay ko.

Then, I realized that he was cheating on me for months, di ko 'yun natanggap. Lalo na nung nakipag break s'ya sa akin. Di ko talaga matanggap. so I want to win him back then. Pero nung naalala kong niloko n'ya ako. I've changed my mind. I want my revenge instead. So, I planned to break his heart. And I did.

Alam kong galit s'ya sa akin, diba nga ang sabi n'ya "May utang ka pa sa akin."

I know Lala, I knew the way he thinks. Kaya nga natatakot ako na parang mukhang magkakalapit kaming dalawa ulit..

Nasaktan ko s'ya, pero nasaktan din ako kaya ko nagawa 'yun..

Me Not Weird (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon