"May masakit ba sayo?" Ugh!!! Umakyat na naman ang dugo ko sa utak ko, dahil sa nilalang na 'to >____< Bakit naman kase napakadaldal n'ya? Di ba s'ya marunong manahimik?! Grrrrrr!!!! >:L
"Wag mo ngang ipakitang concern at worried ka! Allergy ako sa plastic! Tss!"
"Wag mo naman awayin 'yung tao.."- Sheila
"Oo nga, sinalo ka nga n'ya diba? Kung di n'ya 'yun ginawa baka nasaktan ka pa.." - Charm
Wow ha?! Pati ba mga kaibigan ko nagoyo na nito?! Tsk! He's really no good! Kailan ba s'ya mabubura sa daigdig na ito?
Hindi ko na lang inintindi ang mga sinasabi nila. Mula sa bintana, inabot ko ang bag ko at nagwalk out na ako. Tss. Nawala na ako sa mood magklase. Magdiditch na lang ako.
"Huy! San ka pupunta?!" sigaw sakin ni Charm.
Pero di ko na s'ya pinansin. Binilisan ko na ang lakad ko, para makaalis na agad agad sa lugar na 'to. Nag iinit na talaga ang ulo ko e.
Pero mas uminit nag ulo ko ng hinarangan ni Liam ang daraanan ko. Di ko man lang napansin na nasundan na pala n'ya ako. DEYM.
"Hoy! Di ka man lang ba magpapasalamat? Grabe ha?! Ikaw na nga 'tong 'tinulungan ko, ikaw pa 'tong galit? What's wrong with you Katherine?!"
Tsk! Ang kapal ng mukha n'yang sigawan ako ha?! Nakakapikon na >:{}
"There's nothing wrong with me! Di ba, ako nga ang dapat na nagtatanong sayo n'yan?! What the hell is wrong with you Liam Fuentes?! Nakapasok ka sa bahay kagabi, dun ka natulog, pati pagluluto ng breakfast pinakialaman mo! Kailan pa kita naging katulong?! Ginugulo mo ako sa sarili kong tirahan! Pati ba naman dito sa school?! Didn't I tell you to leave me alone and I want my peace?! Nasaan ang pangintindi mo?! And for the record, I didn't asked you to catch me! So why on earth do I have to thank you? Now, WHAT'S WRONG WITH YOU?! Tinulak ko s'ya para makadaan ako.
Halata sa itsura n'ya ang gulat. Kahit ako, nagulat sa sarili ko. Pero hindi ko babawiin ang mga nasabi ko na.
Never ko s'yang nasigawan noon. Never ko s'yang kinausap ng ganun. Never akong nagalit sa kanya. NEVER.
Pero ano bang magagawa n'ya?
HE MADE ME LIKE THIS..
Naglakad lang ako ng naglakad, gusto kong lumayo sa kanya.. Pupunta ako sa kahit na saan, basta malayo sa kanya..
Nakakainis naman kasi eh! Totoo, sa bahay ko s'ya natulog. inoccupy n'ya yung guest room namin. Na pinagtataka ko. Paano s'ya nakapasok eh sigurado naman akong nailock ko ang gate at main door kagabi. May lahi ba s'yang ninja?
Hmmm, at saka speaking of ninja. Nakaninja costume s'ya dun sa event diba? Akala ko ba weird para sa kanya ang mag cosplay? Ang anime? E bakit s'ya nakacostume? Tss.
Isa pang nakakainis, pagkagising ko kaninang umaga, s'ya 'yung naghahanda ng breakfast naming magkakapatid. What the egg diba? Kaya hindi ako nag almusal dahil sa kanya.
*Gruuu~*
Aggghhhh!!! Kagabi pa ako hindi kumakain eh! It is all Liam's fault! Kinain n'ya din 'yung cake ko kagabi! Tss! Badtrip, ano bang problema n'ya? Papatayin n'ya ba ako sa gutom?!
Sa paglalakad ko, ngayon ko lang namalayan na nasa labas na pala ako ng campus. Tumingin ako sa likod at hindi ko na nakita yung sumusunod sa aking evil ninja creature.
Ngayon ko lang naisip, lagi n'ya akong sinasabihang weird, samantalang mas mukha pa s'yang weird kesa sa akin. -_____- Isa s'yang kakaibang nilalang. Maingay, madaldal, pang out of this world ang itsura, talented, matalino, pero mysterious. He's not letting other people to know a lot about his life. Not even me. Isa s'yang malaking puzzle na kahit si Newton, Aristotle, Einstein, Bacon, Socrates at D'Vinci ay di kayang buuin..
San ba kasi s'ya pinaglihi at ganun s'ya ka---
*BOGSHHH*
Aray! >____< Bakit ba mukhang lapitin na akong kamalasan? Tss.
"Ow, sorry miss. Ye' orayt?" Wow! Hanep sa British accent si kuy--
(*u*) OOOOOHHHLALA !!!
ANG GWAAAAAPOOOOOOO NYA POOOOO!!!! Tulo laway ko! Tao ba s'ya? Para s'yang alien na kumikinang kinang sa paningin ko.. *_________________*
Nakakasilaw ang kanyang kagwapuh--
"Miss? You alright?" Tanong n'ya ulit. Nakangiti n'yang tanong na parang nabasa n'yang nastarstruck ako sa kanya. Ow? Filipino s'ya? Cool!
"A-ah, yeah.. I'm alright, sorry. di ako tumitingin sa--" Paghingi ko ng pasensya sa kanya, with matching yuko yuko pa. Pero napatigil ako kasi napansin kong pinipigilan n'yang matawa.
Huh?
"Haha, hey, take it easy. It's alright. Di rin naman ako nakatingin sa dinaraanan ko eh." :)
Whoaaaa!!!! Sooo friendly!!! Hihi. Karas (crush) ko na s'ya! At in fairness! Fluent sa tagalog! Wihihihihi :3
"Ahhh, Thank you." ^____^
"Thank you din Kathy." ^____^
"Ah--Huh?!" O___O He knows me? How?
Nakita kong nataranta s'ya at halatang nagulat.
"Aaaahhhh, haha. I saw your name on your I.D." sabay turo n'ya sa I.D ko. Haha, ah.. Kaya pala, assumera pa naman ako, akala ko karas n'ya ako XD
"Anyway, I'm Matthew. Matthew Fuentes, but you can call me Matt." then he smiles at me, and lend me his hand para makipag shake hand, kaya inabot ko sa kanya 'yung kamay ko, pero..
O____O
BAISER LA MAIN!!!! Sa halip na shake hand, baiser la main ang ginawa n'ya!!!
Kyaaa!!!! 'Yung kamay ko! Hinalikan n'ya 'yung kamay ko! Waaaaa!!! Kinikilig ako!!! >////////<
So gentleman! Very opposite ni Lala. Hmp! Bakit ba yung kumag na 'yun na naman ang naiisip ko, e isang Matthew Fuent---
...
Fuentes???
Tinitigan ko s'yang mabuti, Fuentes? S'ya kaya yung...
Eh? Pero di naman sila magkamukha eh.. Hmmm, so pwedeng hindi s'ya yun? Pero pwede din naman diba? Malay mo, hindi talaga sila magkamukha?
"Hey, are you sure you're alright?" I don't know but did he just grin? What for? "Hey?"
"Ah, yeah. I'm sorry." :) Tiningnan ko lang ulit s'ya. Posible kayang s'ya yung kapatid ni Lala??
Hmm, kaya lang hindi sila magkamukha eh. Gwapo kasi 'tong si Matt. Uh, gwapo din naman si Liam eh, kaya lang, basta! Magkaiba ang itsura nila. Mukhang half French half Filipino 'tong si Matt, basta! Mestisohin kasi. Ganun 'yung type ng kagwapuhan n'ya. Tapos si Liam naman, mukhang boy next door na Pinoy na Pinoy naman ang itsura tapos may angas ang dating, unlike Matt na mukhang mabait >:P
Teka, masyado naman ata akong discriminating? Pati ugali sinali na sa pagdyajudge ng itsura? Oh c'mon!
"Something wrong?"
"Ah, nothing. Hehe, nothing, really." Umiling iling ako at ngumiti sa kanya, masyado na palang napapalalim ang pag iisip ko. "Uhm, I heard you, right? Fuentes? Fuentes ang surname mo?"
"Ah, yeah." then he smiled once again "Why? Do you know some one with the same family name as mine?"
Ow.. Mukang..
"May kapatid kasi akong nag aaral sa school na 'to, do you know someone who name Liam? Liam Fuentes?"
S'ya nga..

BINABASA MO ANG
Me Not Weird (On Going)
RomanceIf you love Anime, Music, and stuff, you must read this! ^___^ Does people think that you are weird? Tell them that you're just unique! ;)