Continuation of Liam's POV
ALmost 11 o'clock PM
Antagal naman nun. Mag aalas onse na ah? Saan na naman ba nagsuot ang weirdo na yun?
Kanina pa ako nag aantay dito sa living room ng bahay nina Katherine. Maaga akong umuwi dito para makausap sana s'ya, kaya lang anong oras na, wala pa rin s'ya..
Kanina ko pa rin s'ya tinatawagan, cannot be reach ang pesteng phone n'ya. What the use?! Nagcellphone pa s'ya, di rin naman macontact, walang kwenta. Tss.
Bukod dun, kanina pa rin s'ya hinahanap ng mga kapatid n'ya, at hindi ko alam ang isasagot sa mga bubuwit na 'yun. Kaya pinatulog ko lang sila after nilang makapagdinner.
*Gruuuuuuuu~*
Ayan, gutom na ako. Hindi ko kasi sila sinabayang kumain sa pag aalalang baka walang makasabay sa pag kain si weirdo. Kaya lang sa ganitong oras? Panigurado, kumain na 'yun. Patay gutom 'yun eh. Di pwedeng hindi kumakain. Botsog na nga yun kakakain eh XD
10:56 PM narinig ko ang pag park ng isang sasakyan sa labas ng bahay. Sinilip ko sa bintana mula sa second floor at nakita ko ang pamilyar na kotse..
Nakita kong bumaba ng kotse KO si Matthew, at kasunod nito ang pagbukas ng isa pang pinto ng kotse sa tabi ng driver's seat..
Si Katherine...
Saan na naman kaya sila galing ng ganitong oras? Tss. Kakikilala pa lang nila ah? >:[
Nakita kong pumasok si Weirdo sa gate, pag kaalis ng sasakyan ko na gamit ni Matthew. Tsk. Angkapal talaga ng mukha, kanyahin na n'ya lahat, wag lang--
Narinig ko ang pagbukas ng isang kwarto mula sa likod ko, at saktong nakita kong lumabas si Marky, sa kwarto n'ya, kapatid ni Kath. Pupungas pungas ito at parang may laway pa sa pisngi, pambihira -_____-
"Si ate na ba 'yun kuya Liam?" =______=
Nilapitan ko s'ya at tinaptap sa ulo..
"Oo, halika sa baba.."
CHANGE OF POINT OF VIEW
Katherine Joy Gonzaga
Mageeleven na pala? Hmmm.. Tulog na siguro sina Marky at Justine. Ginabi na ako ng sobra. Pumunta pa kasi kami ni Matt sa Megatrade Hall sa Mandaluyong, dun sa pinagdausan ng event kahapon. Kinuha ko 'yung mga gamit ko. Dapat bukas ko na kukunin e, kaya lang nag insist si Matt na ngayon n'ya daw at sasamahan na lang daw n'ya ako. Since, makakalibre ako ng pamasahe, pumayag na ako. Haha! Masama tumanggi sa grasya! ^_____^V
Yun lang, di na ako nakatawag sa bahay . Kasama kasi sa mga naiwan kong gamit ang phone ko, at pag kakita ko naman dito ay deads na ito, nahiya naman akong makitawag kay Matt, hihi, and one more thing natraffic pa kami, kaya eto, gabing gabi na nakauwi :P
Kahit papaano naging maganda naman ang araw ko, nakilala ako ng bagong comrade. Ang nakakatuwa pa n'yan, halos pareho kami ng hilig. Anime at music. Oh diba cool? :DDD
Ang sabi pa ni Matt, magkakaroon daw s'ya ulit ng cosplay birthday celebration dahil nasira nga ito ng kanyang magaling na kapatid. Ay mali pala, hindi pala nasira, SINIRA. Oo, tama, sinadya yun ni Lala eh. Tss.
Bakit ba kasi galit na galit s'ya kay Matt? Eh, mabait naman s'ya ah? Baka si Liam lang talaga ang may problema. Hay ewan. -_____-
It's not my business anyway. They are not my business.
Saka pala, nakita ko si Summer..
Nakabalik na pala s'ya from Switzerland? Di man lang s'ya nag sabi sa amin. Ang akala ko nga hindi na s'ya babalik eh.
BINABASA MO ANG
Me Not Weird (On Going)
RomantizmIf you love Anime, Music, and stuff, you must read this! ^___^ Does people think that you are weird? Tell them that you're just unique! ;)