Chapter 13

34 0 0
                                    

Vixen's

"I-ikaw? P-pano.. Anong ginagawa mo dito?"  makikita ang gulat sa mukha n'ya. Pero makikita din na nagliwanag ang kanyang itsura ng makita ang babaeng kaharap n'ya ngayon.

Ngumiti sa kanya ang babae at iniabot sa kanya ang isang puting panyo.

"Punasan mo sipon mo, mukha kang bata.." XD

Napatawa si Liam sa sinabi nito. Alam nyang mapagkakatiwalaan ang taong nasa harapan n'ya ngayon.

"Ang piece na tinutugtog n'ya, it has a sentimental value for you, right?" :)

"Hindi.." Umiling si Liam. "Hindi para sa akin, kundi para sa taong importante sa akin.. Para kay mama.."

"Bakit mo s'ya hinahayaang gawin ang mga bagay na'to Liam?"

"..."

"Alam kong nahihirapan kang patunayan ang sarili mo. Pero dahil lang ba sa may mga pumipigil sayo ay susuko ka na? Kahit na alam mong ang kaligayahan mo ang nakataya?"

Napatingin si Liam sa babae, direkta sa mata, nakakita s'ya ng simpatya mula rito.

"Bakit mo ba ako tinutulungan?" tanong ni Liam sa kaharap.

"Hindi ako ang tumutulong sayo, ikaw ang tumutulong sa sarili mo, dakilang tagasubaysaby lang ako ng istoryang ito.." ^____^

"..."

"I-value mo lang  ang lahat ng sakit.. Pahalagahan mo lang ang lahat ng sakit at hirap na nararanasan mo ngayon Liam.." :) out of the blue ay sabi ng babae..

"I-value? Bakit ko papahalagahan ang dahilan kung bakit ako nasasaktan at nahihirapan?"

Kita ang pagkalito sa ekpresyon ni Liam, makikitang naguguluhan s'ya sa mga sinasabi ng kanyang kaharap.

"Uulitin ko ulit, kahit palagi ko naman nang nasasabi 'to sa'yo na kung anu man yung sakit na nararamdaman at nararanasan mo ngayon, pahalagahan mo lang 'yan. Lahat ng natanggap mong sakit 'wag mong balewalain, not for being a martyr or anything, sinasabi ko na i-value mo yan kasi mas mararamdaman mo yung saya kung alam mong napagdaanan mo talaga yung sakit. Basta kung anuman yung nararamdaman mong sakit, sana gamitin mo 'yan para mas maging okay ang lahat. Gamitin mo sa mabuti. At h'wag gamitin para lang makaganti. Okay?"

Ngumiti si Liam sa kaharap, alam n'yang sa panahong masasaktan s'ya ay may roon s'yang ibang makakapitan, wala man dito ang mama n'ya, alam n'yang meron s'yang mahihingan ng tulong pag s'ya ay nangailangan.

"Salamat. Salamat nandyan ka para paliwanagan ako, handa na akong muling sumabak sa laban.." :)

"Pahalagan mo lang ang lahat ng nararanasan mo ngayon, soon, magpapasalamat ka din sa lahat ng hirap at sakit.."

Tinapik lang ng babae ang balikat ni Liam.

Narinig nilang natapos na ang pagtugtog ni Matthew, narinig din nila ang palakpakan ng mga tao sa auditorium, kung kaya napasilip doon si Liam..

"Salam---"

*Blink. Blink.Blink.*

"Asaan na 'yun?" Lumingon lingon si Liam para hanapin ang babaeng kanina lamang ay kausap n'ya. Pero wala na talaga ito.

Me Not Weird (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon