Chapter 4

51 2 0
                                    

"Andito na tayo Ex." Sa pangalawang pagkakataon, naputol na naman ang pag iisip ko.

Nandito na nga kami sa tapat ng bahay namin.Hindi ako nag aalalang mapagalitan,kasi wala naman sa bahay ang parents ko, ang mga kapatid ko lang na mas nakakabata sa akin ang nasa bahay, at sa mga oras na 'to, malamang tulog na ang mga 'yun. 11:32 PM na eh.

Bumaba na ako, papasok na sana ako sa loob pero tinawag pa ako ng monster na 'to.

"EEEEXXXXXX!!!!"

"Ano? Wag ka ngang sumigaw, natutulog na 'yung mga tao dito." =___= pambihira talaga, nasaan ang manners nito? Lumapit ako sa kanya para alamin kung ano na namang problema n'ya.

"Bayad mo?" tanong n'ya sabay stretch ng palad n'ya sa mukha ko.

"Wala akong pera." Inilabas ko ba yung bulsa ko para makita n'yang wala talagang laman. Naiwan ko sa event yung mga gamit ko, babalikan ko na lang the day after tomorrow.Private naman yung venue kaya siguradong walang makakakuha nun. "Naiwan ko sa event."

"Ha?! E anong ibabayad ko dito?!" >____<

"Pera mo, tutal nag prisinta ka namang ihatid ako, lubus lubusin mo na. Geh, pasok na ko. Malamok dito, baka maubos ang dugo ko." Tinap ko s'ya sa balikat at tinalikuran ko na s'ya.

Napangiti ako pagkapasok ko sa loob ng gate, WAHAHAHAHAHA! Sabi ko na mapapakinabangan ko s'ya eh. Wala kasi talaga akong pera kahit 25cents :P

Umalis na 'yung taxi,kaya nag diretso na ako sa loob ng bahay.

Gruuuuu~

Nagugutom na ako. Di pa nga pala ako kumakain. Nagdiretso ako sa kusina at nagbungkal ng ref. May nakita akong fondant chocolate cake.

Hmmm, pwede na siguro 'to. Makain nga. Hihi.

Inilapag ko sa counter yung cake at kumuha ng platito at tinidor sa cabinet, kumuha na din ako ng baso para sa juice. Sinalinan ko ng juice yung baso ko. At inilapag sa tabi ng cake.

Ay, knife pa pala.

Tumalikod ulit ako sa counter para kumuha ng knife, nahirapan akong makita kasi dim yung light, at salamat, after 123424years e nakita ko din.

Kainan n-- 

O___O ASAN ANG JUICE KO?

JUICE KO PO!!! PATI YUNG CAKE MAY BAWAS!

Geez, kelan pa nagkamumu sa bahay?! Kinilabutan ako sa naiisip ko.

Uwaaaa! May multo?! Tss. Wag naman po! >______<

Tatakbo na sana ako sa palabas ng dirty kitchen ng may marinig akong parang nauntog sa ilalim ng counter.

O_____o

Ano 'yun?! Multo?

"Aray! Tsk!"

Multo? Multo nasasaktan? Huh?

Nilapitan ko ulit 'yung counter at sinilip 'yung ilalim.

"AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!" Napaupo ako sa gulat at nauntog ako sa upuan.  "Aray ko po" =_____=

"Hala? Okay ka lang Kath?" Halata 'yung pag aalala sa tone nya. Teka? Nag aalala s'ya sa akin?

"Huy? Okay ka lang?" Tanong n'ya ulit.

"OKAY?! NANGGUGULAT KA! KINAIN MO YUNG CAKE KO! INUBOS MO YUNG JUICE KO! TINAKOT MO KO! AKALA KO MAY MULTO! NAUNTOG AKO! AT PANO KA NAKAPASOK DITO?! HA?! HA?! YOU'RE NO GOOD! BA'T DI KA PA NAMATAY?! BAKIT LAGI MO NA LANG AKO GINUGULO?! BAKIT NGAYON PARANG BUMABALIK KA NGAYONG NAKAKAMOVE FORWAD NA AKO SA BUHAY KO?! BAK--"

Pinunasan ko 'yung pisngi ko dahil sa nga luhang tumutulo, natakot kasi talaga ako, at natatakot pa rin ako...

"Shhh..." Niyakap n'ya ako.

Niyayakap n'ya ako.

"Tahan na.." Yakap n'ya ako habang umiiyak ako.

Bakit? Bakit ako umiiyak? Bakit n'ya ako niyayakap?

"Kath, Im sorry.."

He called me Kath.

DUGSHDUGSHDUGSHDUGSH..

Me Not Weird (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon