Change of Point Of View
MATTHEW DAVID FUENTES
Natapos ako sa pagtugtog.
Agad na hinanap ng mga mata ko ang aking kapatid, at nakita ko s'yang papalabas ng back stage, may hawak na panyong puti sa kanyang kaliwang kamay, at nakangiti sa akin.
Agad na nag init ang ulo ko..
Hindi.. Hindi ganito ang inaasahan kong reaksyon mula sa kanya.. Paanong... Kanina lang... Tsk!
Dapat naiinis na sya ngayon, dapat pa nga mag wala sya sa ginawa ko eh. Alam ko.. Alam kong importante sa kanya ang piece na yun..
Pero bakit ganun..
Hindi maaari..
Lalong nagpuyos ang galit sa dibdib ko ng makita ko s'yang pumapalakpak habang papalapit s'ya sa pwesto ko. Sinasabayan ng pagpalakpak ng mga taong nakasaksi sa ginawa kong pagtugtog..
"Welcome to the 'family', 'brother'." sabi ni Liam sa akin at tinapik pa ang balikat ko.
He grins, na parang nang aasar at naghahamon. Hindi man lang ba s'ya naapektuhan? Tiningnan ko ng masama si Liam, mata sa mata.. Pinagmasdan ang emosyon sa kanyang mga mata..
Walang mababakas na takot, inis o galit maging lungkot sa mga mata n'ya. Mukha s'yang...
Mukha s'yang masaya...
*Eherm.
Napatingin ako sa tao sa gilid ko, ang retired coach ng club. ang successor ko.
"Let's give him a round of applause every one! An excellent piece, very expressive. No doubt, my children are in good hand. Thank you, sir!" -Mr. Panutsa
Nagpalakpakan muli ang crowd sa auditorium, pero parang nabibingi ako at parang wala akong marinig, nakafocus lang ang aking tingin kay Liam na nayon ay nakangiting pumapalakpak sa gawing kanan ko.
composure..
Ngumiti ako sa mga tao.. Isang pekeng ngiti na hindi mahahalata ng lahat dahil sa sanay naman akong magkunwari sa harap ng lahat..
"Maraming salamat! I'm hoping that we'll treat each other as a family, thank you for your warm welcome."
Oo, peke akong tao.. Peke sa harap ng lahat maliban sa isang tao.. Isang taong naging dahilan kung bakit naging peke ako ngayon..
"That's all for today students! You may leave now, thank you for your cooperation." -Mr. Panutsa
Yun lang at isa isa ng umalis ang mga estudyante sa loob ng auditorium. Unti unting nauubos ang mga tao..
Maging ang retired coach ay nagpaalam na rin sa amin, samantalang kami ni Liam ay naiwang nakatayo sa taas ng stage ng bulwagang iyon.
Naikuyom ko ang aking kamao, nais kong manakit ng tao, pero kasama sa pagkukunwari ko ang magkaroon ng composure at pagtitimpi sa galit na nararamdaman ko sa kaharap ko.
"Ang galing mo palang tumugtog, Matt!"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Katherine. Napangiti ako, naramdaman kong may pag asa pa. Alam kong mapagtatagumpayan ko ang mga plano ko. Alam ko..
Tinap ko ang ulo ng kaharap ko, gusto ko si Katherine. Alam kong s'ya ang susi sa tagumpay ng mga plano ko. Pero gusto ko rin s'ya dahil mabait s'ya at higit sa lahat alam kong mahal na mahal s'ya ni Liam.
BINABASA MO ANG
Me Not Weird (On Going)
RomanceIf you love Anime, Music, and stuff, you must read this! ^___^ Does people think that you are weird? Tell them that you're just unique! ;)