August 20, 2012 - 5:30 PM
It feels like nakatulog kami ng 50 years sa tagal ng walang update. Pero hayaan niyo na, andito nanaman uli kami.
We just got home and it is a really tiring Monday. Andami dami nangyari, puro aral, aral, sermon, laro, aral, inet, at trabaho. Di ko na alam kung asa tamang kalagayan pa ba ako. Pero andito naman yung mga kaklase kong mga baliw, loka at loko. Di ko nalang talaga alam ang gagawin ko pag hindi ko na sila kasama sa pang araw araw.
Even though super busy kami, may mas busy pa samin. Si Shashileen at Japhet. Their work has been really extra heavier and their duties has increased to a great number. Minsan, umaga sila tatawagin para sa isang meeting, pagbalik nila, uwian na. Kawawa sila. Pero buti nalang at magkasama silang dalawa sa hirap na yan. Suffer. Joke.
Pumunta na kami sa sari-sariling kwarto namin at nagbatuhan ng gamit at damit kung saan saan. Ang tahimik, parang lahat kami ang sinsubukan nalang huminga at wag na muna magsalita.
Bigla nalang may ingay na kumulumpog sa kwarto ko. Daga? Jhomar, ay este, daga? Hala. Na-alert ako sa narinig kong ingay kaya sinubukan kong wag masiyadong gumalaw. Parang siyang bowling bowl na dahang dahang pinapagulong sa kahoy na flooring... parang... kumukulong tiyan. Oh my...
I rushed to the washroom and pulled down my shorts immediately. Umupo ako sa toilet bowl at pumikit ng todo todo. Tinakpan ko nadin ang mga tenga ko dahil ayan na ang pasabog. Parang bombing lang sa Irak ang nangyari. Grabe. Nakakayamot ang tunog at amoy. Kasi kala niyo ang mga characters sa isang story sa Wattpad ay hindi natae no? Well, eto. Eto ang katotohanan.
I left the bathroom neatly at I made sure walang Blues Clues na maiiwan. I inhaled the smell of my room, and jeez, it smells like sinigang na bulok. I can't take the smell. Kaya, napalipad ako sa labas at tumungo sa laundry room. Naghanap ako ng room fragrance don at it took me some time to find one.
Pagbalik na pagbalik ko, nagspray agad ako at naglock ng kwarto. Grabe! Di effective yung Ambi Pur. Bwiset nang yan! And the worst just happened, may kumakatok sa kwarto ko.
"Sino yan!" Sigaw ko sa pinto.
"Si Bryant at Mary Jo!" Sigaw ng babae, or si Mary Jo. Sigawan lang? Epic.
Grabe na yung kabog ng dibdib ko. Ayokong mapahiya ng ganito. Lalo pang lumakas ang katok sa pinto ko; feeling ko pareho na silang kumakatok.
"Wait lang!" Sigaw ko ulit.
Dahil sa sobrang ingay ng katok nila, na no choice nalang ako at binuksan ang pinto. May bahid na ng hiya ang mukha ko at tumungo nalang ako.
"Mmmmm." Sabi ni Mary Jo. "Ambango naman dito."
"Oo nga no." Sabi naman ni Bryant pagkatapos niyang maingay na singhotin ang kwarto ko. Not literally.
Tumingin ako sakanilang dalawa at napataas ang kilay. Mabango daw? Mabango ba ang amoy tae sainyo?
"Kaya pala." Sabi ni Mary Jo habang nakatingin siya sa Ambi Pur na hawak ko. Napatingin din ako dito at itinago ko nalang sa likod ko.
"Mabango?" Tanong ko.
"Oo naman." Sagot nilang dalawa. Bat kaya? Eh amoy na amoy ko parin ang bahid ng kadiliman dito e. Weird.
"Nga pala. Dito kaming apat matutulog mamayang gabi." Ininform ako ni Mary Jo.
"Sige ba. Pero bakit apat?" Tanong ko. Apat? Isa sainyo mataba no? Hehe.
BINABASA MO ANG
Our Fiction Life
Teen FictionAno ang pakiramdam na manirahan sa isang bahay na puro kaklase mo lang ang kasama? Ano ang pakiramdam na makatabi mo ang crush mo sa isang bubong? Sa bawat isip natin, syempre, masaya. Pero sa storya na to, hindi lang puro kasiyahan ang nahahanap, h...