Chapter 2

104 3 2
                                    

Hello Readers ~!Sana po ay nasayahan kayo sa unang chapter. So, update po agad. =)) Eto na po ang second update. Asahan po ang madalas na update. =))                                                                        E N J O Y !

 

June 14, 2012 - 6:10 AM

 

Finally, sabi ko sa sarili ko. Nagising nadin ako. Sino ba naman ayaw magising sa isang napakagandang bahay. Pati nga napaginipan ko eh ginigising na ako ng sarili ko. Umunat-unat ako ng onti, at dahan-dahang tinangal ang kumot sa legs ko. Feeling mayaman eh, in slow motion pa yun ha.

"Hay, Lord. Ang ganda siguro ng araw ngayon. Sana patuloy lang to." Sabi ko habang sinisilip ko ang langit at araw sa bintana, este, window. Ang lakit talaga ng ngiti ko ngayon, actually di pa nga ako naging napakasaya tulad nito, except nung tinawag akong cute ni crush. AMALAYER? HA?

Tumatawa ako magisa sa kwarto habang nakaupo ng komportable sa kama. Di ko matangal ang mata ko sa ganda ng villa, mapaloob man o labas. Nagulat lang ako ng biglang may kumatok sa kwarto. Sino kaya yon?

"Bukas nga yan!" Sigaw ko muli noong kumatok pa siya ng pangpitong beses. Hinintay ko kung sino ang magbubukas ng pinto, si Gianna kaya? Kasi lagi akong kinukulit niyan eh. Oh si Mariella, magpapasama ata sa baba. O baka naman si Jhomar... ay... imposible.

"Kakaen na daw." Bangit ni Jemuelle ng pagkabukas niya ng pinto. Tinalikuran ko siya at humarap muli sa bintana.

"Lord, sabi ko diba wag niyong sisirain ang araw ko?"

June 14, 2012 - 12:31 NN

 

"Natatawa na naiinis talaga ako kanina."

"Bakit naman?" Tanong ni Richiel sakin. Kwinento ko yung nangyari kaninang umaga at lahat sila natawa. Gawain na namin to, gumawa ng circle, square, triangle, star, heart, at iba pang pwesto ng upuan at sabay sabay kumain ng lunch. Actually malaking bagay din samin tong pagsasama sama during lunch e, lalo na pag may hinihintay kami o pag nagkakasalisihan sa canteen dahil sa mga makukulit na pinapasama na ngang bumaba ayaw pa biglang baba. Ines! At dahil dito nabuo din ang 'happy family' namin. The best thing about sa pamilya namin ay kami-kami lang din ang nagkakatuluyan (pero sa kathang isip lang). Pero minsan yung mga nagkakatuluyan ay nagkakatuluyan din sa totoong buhay. Tulad ni Gianna at Rey, na nagsisilbing lola at lolo namin, Cristina at Darryl, na nagsisilbing nanay at tatay ng ibang anak ni Cristina. Madami dami eh. Speaking of Cristina, nagsususpetya talaga ako na may something siyang pinagdadaanan ngayon eh. Pero hindi problema, kundi love.

"Oh, ayan na sila." Sabi ni Yuri, ang isa sa aking pinsan sa pamilya. Anak siya ni Mildred at Rod, na taga ibang section. Pinulot ko na ang lunch box ko at inilabas ang baunan. Tulad ng lagi saking pinapabaon ng yaya ko dati, canned tuna. Never talaga akong pinaglutuan ng yaya namin, pero masarap naman tong delatang kinakaen ko almost 10 times a week.

Habang kumakain, naisip ko bigla na hindi ko pa nabibisita yung third floor ng bahay, este mansion. Pagod na pagod na kasi ako kahapon e. Siguro, pagkatapos kong gumawa ng assignments, makakapag-gala ako sa bahay, ay, ano ba yan, mansion pala.

"Pahinge ulam." Nagising ako sa kakausap sa sarili sa sinabi ni Gianna. Yan ang mga lines na uso sa mga oras na to. Ginagawa ko din yan lagi, lalo na kay Yuri. Sarap kasi e. Tumingin tingin ako sa paligid. Biglang nakita ko si Bryant sa gilid, kasabay kumain si Mark. I'm happy he made friends now, pero, awkward pa ata sa kaniya. Eto naman si Reggie, naging property na namin. Dagdag din siya sa samin at siguro sa pamilya din.

Our Fiction LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon