Chapter 15

39 0 4
                                    

June 12, 2013 5:35 AM

Nangingibabaw ang tunog ng puno—ng mga dahon at sanga nito—sa pagsabay sa ihip ng malakas na hangin. Sigurado kaming wala namang bagyo ngayon na ibinalita sa T.V, pero ganito lang talaga siguro kapag may pakiramdam na panibago. Dumaan ang isang taon, isang taon na nahimik ang buong bahay. Pero, andito na uli kami, maghahatid ng kuwento sa inyo para sa masayang buhay at mabuting kinabukasan. Wag ka!

Ako nga pala ulit si Undas (joke ako si JD), and they call me Halloween after ng long stay sa America ay nakauwi ako. Nakilala ko uli ang mga kaklase ko, at unti-unting bumabalik sakin ang mga bagay at alaala na naiwan ko dito sa Pilipinas.

Sing lamig ng hangin ang talukbong ko sa aking puting kama, at hindi sapat ang 3 inches na kumot para labanan ang temperature. Ang weird ko no, napakalalim ng Tagalog. Siyempre, nakakamiss din, buwan-buwanan ba naman ako nag E-English sa America, nakaka-stress.

Lumabas ako ng aking kuwarto na parang isang hari, nakasabit ang kumot sa aking balikat at hila-hila ito ng aking dalawang kamay. Ang lamig kasi, can’t handle it! Bumaba ako sa ground floor at nakita ko nang nagtitipon-tipon ang mga majikero at majikera kong kaklase—flying walis here, flying walis there, mga baunan on the air. Nawalan na kasi ng caretaker yung mansion namin, so everyone had to carry a trabaho para naman mag-work yung bahay naming properly. Parang machine lang yan, pag may sipon ka, babahing ka. ‘MACHINE’!

Una kong napansin ay si Jhomar, na busy-ng busy sa paghuhukay ng kanin sa large-sized rice cooker sa open kitchen. Napapansin ko nga e, bawat araw na gumigising ako ay mas gumagwapo si Jhomar. Despite of the old incident na nangyari dati noong may narinig ako sa doorstep niya, I think Jhomar is attractive. No mixed feelings, just the truth.

Ang sa likod naman niya ay si Yuri at Gianna na nagdee-deep fry naman ng oreos, at isa-isang pinagpapatong to sa isang malaking taperwer, with strength, taperwer. Every day is like a fiesta because we make baon for all of us. Maganda narin yung naitutulong ni Alison, a newcomer in the house, na nagta-tailoring din siya minsan ng damit para sa mga butiki. Joke yun syempre. And paminsan-minsan, nagbebenta si Shashileen, Vanessa at Irish ng mga homemade chenes naming para may makyeme-kyeme naman kaming pera.

Ang sunod namang tumabag sa pansin ko ay si Mildred, na nagwawalis at pilit na inaangat ang tail ng robe ko (kumot), kaya mediyo nilalamig yung pwet ko kasi pinapasukan ng hangin. Bastusing mang-wawalis! Pero game face siya, pati sila Bryant, Rey at Vincent na game face na game face sa panonood ng Baby Looney Tunes sa living. Big help!

Si Cristina naman ay nasa labas, nakatingala sa langit at parang may tilang inaabot na basahan sa mga tala. Ano to, offering? Pero nalaman ko kung bakit siya pilit na tumitingkayad sa upuan ay dahil si Jemuelle ay nakaharness sa taas at nag pupunas ng grand window namin. Game face na game face din, at bagay na bagay! Joke lang, syempre. Yan ang big help!

Sila Enjay at Kiara naman ay nasa laundry area, hinihila hila ang tambak-tambakan na labahin kahapon. Grabe talaga, 10,000 pesos ang bayad naming sa manlalaba dahil sa mala-Payatas na clothes dump kahapon. Kaya nagpatupad na ng bagong rule si CJ na three times gagamitin sa dalawang linggo ang isang garment piece. I was like, ew. Pati brief? And yet he nodded. Yung iba namang mga kaklase ko, nasa kani-kanilang kuwarto at piniling maging selfish at magbihis para handang hanada na sila para sa klase mamaya. Namiss ko to. Totoo. Oo.

Narealize ko na kanina pa akong nakatayo sa gitna ng ground floor at nag-ala Statue of Liberty dahil di ko namalayan na inabot pala sakin ni Mildred ang kaniyang walis. I snapped out of my pagkatuliro at pumunta sa kusina, to check kung sino ang mga tao doon. I wasn’t shocked to see Darryl cooking some ulam, and same did Richiel and Mariella. Pero nagulat talaga ako nung naka-sandata si Rey ng sandok… I was like… so kilig sa kaba. Joke.

Our Fiction LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon