Chapter 7

103 3 2
                                    

June 20, 2012 - 2:11 AM

Di ako makatulog ng dire-diretso. Pero, ayoko munang isipin na meron ngang nagmamahal sakin. This could be a joke or something unreal. Wag tayong aasa agad agad, baka masaktan din tayo agad agad. Diba?

Wala akong magawa. I'm just under the moonlight, lying on my bed, thinking that will I ever have a person who loves me. Ang drama. Pero seriously, wala akong magawa. Nakahiga lang ako, nakatingin sa bintana. Suddenly, lumamig yung atmosphere. Tumingin ako sa space ng room ko kasi parang may dumaan sa mata ko na figure. Onti onti akong tumayo sa kama ko. Tumalikod uli ako para isara yung bintana. Pagkasara ko ng bintana, may mga bulong na akong naririnig.

I shivered in fear, kaya napaupo ako sa kama at umurong ako sa pinaka corner nito. Tumingin tingin ako sa paligid, napakadilim. Nakalimutan kong matulog ng bukas ang ilaw. Halos yung kinatatayuan ko nalang yung kita dahil sa liwanag ng buwan, the rest, horror.

Habang nagmamasid masid ako, may naramdaman akong tulo sa noo ko. Tiningnan ko kung ano yung tumulo; pinunas ko sa daliri ko at pagkatingin ko dugo. Dugo? Dahan dahan akong napatingin sa kisame at....

 Andun si Shomba. Napasigaw ako sa takot at pumikit nalang ng tuluyan. Nararamdaman ko na asa mukha ko na siya at bumubulong bulong.

Pero panaginip lang yon.

I slingshut my body upwards, the fear was fogging my mind. Sinusubukan lang ang literary skills ko. Nako! Natakot talaga ako! If ever na totoo yun, mas pipiliin ko pang tumira sa simpleng bahay. Wooh!

 June 20, 2012 - 12:20 NN

In times like this, si Yuri ang isa sa tinatakbuhan ko para magkwento. I was so conyo talking to her, pero she understand naman. At ayon, natakot din siya katulad ko.

Kwentuhan kami the whole period, kasi walang teacher. After this class, lunch na namin. Kanina pala, naannounce na si Shashileen at Japhet ay officialy na kasali sa student council ng school. Congratulations! Ang swerte ng ganun no? May extra points sila.

Lahat kami nakabantay sa 5 minutes advance naming orasan. At pagtutok nito sa 12:30, nagsitayuan na kami lahat at nagwala na parang mga baliw na binigyan ng gummy bears. Yung doorway naging crowded dahil si Jhomar ay nagmistulang taeng nakabara sa labasan. Nako, trip talaga nitong Moymoy Palaboy na to. Nakakabwisit lang e. Pero kahit ganun, sumugod padin kami sa bara at nakipagsiksikan. Grabe na talaga yung katabaan ni Jhomar, di na magkasya sa pinto e. Sa sobrang gaslaw ng mga kaklase namin, nakita ko si Yuri bugbog sarado na. Natandaan ko tuloy yung stampede sa Wowowee; gantong ganto ang nangyari. Salamat sa lakas ng mga nasa harapan, natulak na nila palabas ang tae at nagtakbuhan kami papuntang canteen. Etong battered classmate na si Yuri, nadaplisan at nabanga na nang kung sino sino napatid at natisod (in slow motion).

Tamang tama asa tabi niya si Carl ng oras na yon at inabot ni Carl ang kaniyang malalakas na braso (in slow motion). Yung kulot na buhok ni Yuri ay lumipad sa ere na parang shampoo commercial, at ang kaniyang ala prinsesang bagsak ay like the one you see in the movies. Nasalo ni Carl ang katawan ni Yuri at napigilan itong bumagsak. Sabay niyang hinila ito palapit sa kaniyang dibdib at niyakap, para mas safe pa daw. Juice ko, my mouth was like binuksan ng can opener. I was shock and the scene was so romantic. Napatingin sila sa isa't isa (in slow motion) at namula pareho. Naglapit pa yung mukha nila dahil parang cinarry ni Carl yung buong weight ni Yuri and their faces was like 2.57339 inches away from each other. Parang asa isip na ni Yuri ay...

You lift my feet off the ground

Spin me around 

You make me crazier, crazier

Our Fiction LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon