July 19, 2012 - 11:25 AM
Sa gitna ng discussion ng teacher, may kumatok bigla. Binuksan ko to, dahil ako ang pinaka malapit sa pinto.
"Excuse po kay Shashileen at Japhet." Sabi ng babaeng kumatok.
"Why?" Sabi ng teacher namin.
"SSC meeting daw po." Sabi nung babae.
Tumayo na ang dalawa. Hindi to ang first time na palabasin nila. After all those days, halos hindi na sila makakumpleto ng klase araw araw. Yaan mo na, matatalino naman yung mga yun.
Siguro babalik sila mga, 2 na or 2:30. Tapos pagkabalik nila, tatawagin ulit sila, tapos wala na. Uwian na. Busy nila no? Buti nalang madaming napupuntahan yung paghihirap nila. I salute you guys!
July 30, 2012 - 2:25 PM
Kakalabas lang uli ni Japhet at Shashileen. Wow, napaka-haggard na talaga nila. Kawawa naman. Tapos everytime na bumabalik sila pala silang dinogwalk ng may-ari nilang candidate ng Philippines sa track and field.
At inannounce din nila na may mangyayaring acquaintance party sa August 31. It's a long way there pero nakakaexcite nadin no. Ako, pag may narinig akong ganiyan, iniisip ko agad yung isusuot ko. Kaya 2 weeks before the party, may damit na ako. Oh diba, di ako excited.
So ayun, wala namang teacher kaya lahat kami nagdadaldalan nalang. Yung Happy Family uli ang nagsasama sama siyempre. Nakakatuwa yung mga topics namin e, about sa pag pigil ng tae, sa mga paraan ng mga pasimple nangungulangot, at iba pa.
Habang nagkwekwentuhan kami, may kumatok bigla. Who's that pokemown bulok.
Hindi na naghintay yung taong kumatok na may magbukas ng pinto, siya na ang nagbukas. Bumungad ang mukha niya sa butas ng pinto at biglang nagsalit. "Excuse po kay Caren." Sabi nung tao.
Parang napaturo pa si Caren sa sarili niya kung siya nga ang tawag. Tumayo siya dahan-dahan at lumabas na ng pinto.
Ipinagpatuloy namin ang aming usapan, about naman sa episode ng GGV. Basta, pag ganiyang mga topic tawa nalang kami ng tawa. Lalo na pag nagjoke si Cristina, Camille and Mariella. Or pag nagkamali ako ng dinig ng mga sinasabi nila... kahit minsan nagmumukha na akong tanga.
After some minutes, pumasok uli si Caren.
"Enemy! Ano daw yun?" Tawag ni Cristina sa kaniyang katawagan ng "Enemy" na si Caren.
"Ahhh.... Wala." Sagot ni Caren na parang may kumakalabog sa katawan niya.
Umupo na uli siya sa pwesto niya. Lahat kami nakatingin sa kaniya, trying to figure out kung anong nangyari sa labas.
"Sige na nga!" Sigaw niya ng naramdaman niyang kami ang nakatingin siya lahat samin. "Yung manliligaw ko kasi. Nagbigay ng letter." Binunot niya ang letter sa kaniyang bulsa.
Lahat kami ay napatili sa kilig at I just... OMG. Di namin binuksan yung letter dahil di pa nga ito bukas. Nakakahiya naman. Meron pang, yung pandikit na dapat pang basain. You know?
"Yieee. Enemy ha!" Pangasar ni Tina. At imbis na mahiya si Caren, sasakyan niya ang kilig. Tama lang yun, no.
August 11, 2012 - 7:36 AM
"Bat di ka nahihiya sakin?" Tanong ko kay Bryant habang naka-Indian sit sa kama.
Andito uli ako sa kwarto niya para makipagkwentuhan. Let's summarize it as "I'm bored."
BINABASA MO ANG
Our Fiction Life
Genç KurguAno ang pakiramdam na manirahan sa isang bahay na puro kaklase mo lang ang kasama? Ano ang pakiramdam na makatabi mo ang crush mo sa isang bubong? Sa bawat isip natin, syempre, masaya. Pero sa storya na to, hindi lang puro kasiyahan ang nahahanap, h...