August 29, 2012 - 8:25 AM
Lahat kami, kinakabahan sa sasabihin ng nanay ni JD. Nakikipagusap pa siya sa nurse at may pinipirmahang papers. Di namin alam kung ano, pero andaming ideas. Bills, or treatments, di namin alam. Wala naman kaming alam sa ganto.
Lumapit samin ang nanay ni JD pagkatapos niyang magpirma-pirma sa hawak ng nurse.
"Ililipat ng hospital si Jd, sa America." Huminga ng napakalalim yung mommy niya. "Di daw kasi nila kayang itreat yung nangyari kay JD nang pagkalabas ng results."
"Po?" Lahat kami ay yan ang reaction.
"Sad to say but true." Sabi ng mama niya.
"Pero gano po katagal?"
"He'll be there for 2 months." Her mother informed us. Gulat kaming lahat. And so did a special person. Si Bryant, nakatayo not far from us, narinig lahat ang siba ng mom ni JD. At doon, umiyak siya sa kaniyang narinig. Tumakbo si Darryl papunta sakaniya at niyakap si Bryant. Patumba na dapat siya. Kawawa naman siya. Pero I believe JD can go thru this. Sana maging malakas kaming lahat, lalo na si Bryant, at si JD.
August 30, 2012 - 1:47 PM
Bukas na yung Acquaintance Party. Lahat kami nagpunta ngayon sa SM para mamili, sabay sabay. Sinubukan naming kalimutan ang case ni JD at maging positive nalang. Hay, nako.
August 31, 2012 - 10:10 PM
Everyone's present, except JD. And everyone is having fun, kaya masaya din ako. Kahit wala talaga akong gustong makasayaw... di ko alam e. Natotorpe ako kay Turtle.
Nagmasid-masid ako at nakakita ako ng mga nakakakilig na scenes. Unahin natin si Yuri at Carl, na malapit na malapit ang isa't isa habang nagso-slowdance. Kainggit no?
"Ang ganda mo." Bulong ni Carl kay Yuri.
"Ngayong gabi lang to." Itinanggi niya ang puri ni Carl.
Hinawakan ni Carl si Yuri sa pisngi. "Ang ganda mo talaga." Napatungo naman si Yuri pagkatapos sabihin yon ni Carl at nagmukhang sinampal ng baboy yung mukha niya sa pula.
Eto naman si Tinay at Japhet, parang pinagdikit na papel. Di ko man marinig yung pinaguusapan nila dahil ear to mouth na ang conversation nila, sa tingin ko enjoy na enjoy silang dalawa.
Si Bryant naman, kasayaw si Kiara, eye to eye. It's a good thing na kinakalimutan niya muna ang lahat. Good timing si Kiara. Ang cute din nila. Since nakaflats lang si Kiara, kailangan pang magpaliit ni Bryant para ma-abot niya yung shoulders ni Bryant. So cute! Sana maranasan ko din yon no? Kaya lang, mas matangkad pa ako sa lahat ng lalaki dito sa school, almost.
Habang nagmamasid masid pa ako ng ibang ooh lala couples, biglang may humila sakin. Di na ako nakapagsalita o nakapagreact dahil ang bilis ng pangyayari. Binato ako bigla ng humila sakin sa isang katawan. Humaplos sa mga bewang ko ang kamay ng katawang iyon. Di ko alam kung sino dahil di ko pa siya natitingnan sa mukha. Mediyo mas matangkad siya sakin, mabango din, at ang ganda ng ayos.
Napatingin ako sa mukha nitong nakangiti, ang mata niya na nakapadlock sa mata ko. Si Turtle. Napatungo ako bigla at namula. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Taeng yan! Sino ba yung humila sakin!? Nilingon ko sa gilid yung taong yon at nalaman kong si Mary Jo pala yon na tawang tawa at kilig na kilig. Bwiset naman.
Tumungo uli at pumikit nalang. Di ko na alam kung anong gagawin ko! Ang lamig lamig ng katawan ko, tumitibok na yung utak ko sa hiya.
"Hawakan mo ko sa balikat." Bulong sakin ni Turtle.
Ha!? ANO DAW!? Jusko. Sorry po, pero di ko kaya!
May humawak bigla sa dalawa kong palad at inakyat ni Turtle ang mga kamay ko sa kaniyang mga balikat. Ang kalmado niya, pero ako nanginginig na. Nahihiya tuloy ako kasi nararamdaman niya yung pag-shake ko.
"Tumingin ka sakin. Pano tayo sasayaw ng maayos niyan?"
"Ano?" Sagot ko sa utos niya. Syet, di ko na po kaya.
"Sige na." Pilit niya.
Di ko na talaga kinaya kaya tinangal ko na yung kamay niya sa balikat ko at umupo nalang uli. Takbo naman bigla si Mary Jo sakin.
"Bat ka humiwalay? Sayang naman!"
Hala? Nang-asar pa? "Eh... di ko kaya e. Nakakahiya. Nakakahiya ka. Ininform mo muna sana ako."
"Ayaw pa mo? Ha? Ayaw pa mo?"
Hay nako, ewan ko sayo. Pero thanks! Laking advantage yun! JUICE KOOOOO! KINILIG TALAGA AKO PROMISE. Nagtitimpi lang ako. MYGEEEEEEEEEEEEHDDDDDDDD. Narinig niyo ba yung sinabi ni Turtle? Hawakan ko daw siya!? Tingnan ko daw siya!? Taeng yan! Di ako makahinga. Pero sayang talaga. Di ko lang kasi talaga kinaya. Grabe yung pagka-aggresive niya. Grabe talaga! Gusto ko yun! Joke lang! Kayo talaga.
Ayan na! Magsasayaw na sila Yuri, Mildred, Gianna at yung isang taga-ibang section! Go, go, go! Supposedly lima sila, pero wala si JD. Siya panaman yung inaabangan namin. Sayang talaga. Get well now, JD.
Cheer na kami ng cheer kahit di pa naguumpisa. Ang cute cute ng mga damit nila, parang mga doll. Doll na pinugutan ng ulo tas drinawing ng pentel pen sa mukha. Joke lang. Si Yuri, mukhang diyosa. Ayie.
Nagsasayaw na sila. Pero di ko talaga maimagine magsayaw na may heels na mataas. Galing nila e. Mga veterans! Kasi e no, mamaya malaglag, mamaya mamatay, mabagok, magkadugo dugo diyan diyan. Hay nako, ewan ko ba. Talent ata yung ganun.
September 1, 2012 - 8:07 AM
Cold morning. Really cold. Lahat kami nakatambay uli sa malaking bintana, umiinom ng kahit anong mainit dahil umuulan nanaman ng malakas. Si Camille, suot yung sweater ni JD. Naiyak siya ng tahimik. Nakaka-awa talaga.
Naghihintay kami ng updates galing sa America, ka-Skype kasi ni Caren yung mommy ni JD. Lahat kami nakacross yung fingers dahil gusto namin magkaroon ng positive advancements si JD kahit ilang days palang ang nakakalipas.
"Uy, alam niyo ba guys..." Caren broke the silence. She tried to start a conversation kasi wala panaman yung news.
"Nakasayaw ko yung manliligaw ko kagabi." She shared. Lahat kami napa-ano nangyari face.
"Sabi niya, di pa daw pala siya handa. Sakit."
What!? Grabe naman yun! Sinaktan lang si Caren. Lumapit sila Enjay sakaniya at cinomfort siya. Dami namang nangyayari. Mga salot talagang mahilig manakit. Nako.
At nagstart na mag emit ng sounds yung Skype ni Caren. Ayan na.
"Sabi ng doctors ayos na daw siya... Pero magtatagal parin kami dito." Tinype ng mama ni JD.
"Buti naman po. Ano na pong nangyari sakaniya?" Reply ni Caren.
"Sad to say... nagka anterograde amnesia siya."
Amensia... yan yung kinakatakutan namin. Tae. Nanglamig ako sa nakita namin. At feeling ko sila din.
"Pero.... may cure po yun diba?" We hoped for a positive answer.
"Oo. Basta, pag balik diyan ni JD. Ipa-alala niyo ang lahat ng pwedeng ipa-alala."
"Sige po. Salamat po." She then bade goodbye to JD's mother at sinarado ang laptop.
Bigla na kaming nagkaroon ng sari-sariling conversation sa mga katabi namin. Yung iba worried, troubled, bothered at naiiyak nadin yung iba. Lord, tulungan niyo po si JD. As for now contented na kami kasi okay na siya. Thank you, Lord.
BINABASA MO ANG
Our Fiction Life
Genç KurguAno ang pakiramdam na manirahan sa isang bahay na puro kaklase mo lang ang kasama? Ano ang pakiramdam na makatabi mo ang crush mo sa isang bubong? Sa bawat isip natin, syempre, masaya. Pero sa storya na to, hindi lang puro kasiyahan ang nahahanap, h...