Chapter 1

168 5 2
                                    

May 16, 2012 - 7:09 PM

"Salamat at nag online din kayo."

"Sige, ano bang iaannounce mo?"

"Oo nga."

"Guys, may villa tayong titirahan this school year, kaya pack your bags and get ready na! Lapit na o."

"Okay, okay. Nakita niyo yun lahat? Kaexcite!"

"Tama! Can't wait na!"

At yun ang umpisa lahat. Di na siguro uso ang once upon a time; tagal nadin namin nagsama-sama. Since 2010 magkakasama na kami sa lahat lahat ng bagay, tawanan, dramahan, sugatan, kulang na nga lang magsawaan na kami eh. Pero ngayong may villa na kami, sigurado akong bagong experience to. Bagong taon, bagong pagsasama, bagong buhay kasama sila.

June 13, 2012 - 4:50 PM

Tumayo kami sa silong ng puno habang naghihintay sa van ni Camille. Inuna na kasing ihatid yung mga gamit at bagahe namin sa villa. We were standing for almost 1 hour na, buti nalang madami silang dalang food and drinks. Kung ikaw ba naman, 30 kayo lahat, tas tigiisang dalang pagkain at tubig, edi solve na solve na.

First day of school din today, kaya lahat kami mukhang napaka pagod pero sa tingin ko excited silang lahat despite of the stress na naranasan namin ngayon.

"Tagal naman!" Sigaw ng isa sa'amin. Itinalsik niya ang buhok niya papunta sa likod niya ng parang  scenes sa shampoo commercial at umupo ng mabilisan sa daanan.

Lumapit naman ang isa din sa sa'amin sakaniya at pinaypayan siya. "Okay lang yan, Mariella. Onting hintay nalang."

Mainit din ngayong araw, kaya lahat kami mukhang hindi komportable. Dito ba naman kasi kami iniwan sa wala masiyadong silungan. Pero, kahit ganito yung init, di padin nila mapigilan paulit-ulit na pagusapan ang magiging itsura ng villa.

Hindi ko na sila pinansin. Hindi dahil di ako excited, pero dahil nakakita ako ng taong walang ginagawa, di tulad ng iba. Si Reggie, ay isa sa mga transferee namin. Mabilis siyang nakipag friends samin dahil open siya at may iba siyang kilala sa'amin. Pero tong si Bryant... di ko alam eh. Mukha kasing mahinhin at tahimik, kaya siguradong hindi agad siya makapagcope sa crazy environment namin. Inisip ko na baka dapat ko siyang pagbuksan ng pinto, since bago lang siya, dapat lang talaga may mag bigay sakaniya ng kahit onting confidence. Lumapit ako sakaniya, kahit mediyo kinakabahan ako kasi hindi ako yung tipo ng tao na friendly, lalo na sa mga hindi ko pa masiyado kilala. Tumabi ako sa tabi niya, pero sa sinusubukan kong gawin ay napaka-unsure ko. Tumingin tingin muna ako sa paligid at huminga hinga ng onti. Pero, hindi ko parin kinaya. Mahiyain kasi ako. Joke.

Mga ilang minuto na ang lumipas di ko padin siya kinikibo. Para lang akong manyak na ewan; tingin ng tingin pero walang salita. Ang ginawa ko nalang ay tinakpan ang mukha ko at pumikit ng saglit.

"Hi."

Laking gulat ko nung bigla kong narecieve yung response niya. Nakakahiyang isipin na siya pa talaga yung nauna saming dalawa. Pero syempre, kailangan ko siyang sagutin bago pa mas sumama ang lahat.

"Hello." Tumingin ako sakaniya at ngumiti. Siguro, eto na ang umpisa at katapusan. Yang mga hi at hello na yan ang nagtatapos ng isang usapan. I have to say something, sabi ko sa sarili ko.

"Okay ka lang ba? Alam mo, ayos lang naman na kausapin mo kami e. Mga walang hiya naman kaming lahat." Sinabi ko sakaniya at napatawa.

"Ganun ba?" Napansin ko hindi siya makatingin sakin at nanginginig siya ng sobra sobra. Naisip ko tuloy, mukha ba akong masamang tao at takot na takot ka? "Nahihiya kasi ako eh."

Our Fiction LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon