Chapter 12

67 0 0
                                    

August 21, 2012 - 5:16 PM

"I..."

I love you ba ang sasabihin ni Mildred? Juice ko, nakakapigil hininga naman 'tong eksenang to. With matching sunset pa e. Grabe, dramatico romantico.

"Ayoko kasi ng pinaglalaruan..." Mas lumakas ang agos ng luha ni Mildred. Di pala I love you, I-yoko pala yun. Tanga na, bingi pa. "nasaktan ako e." Dagdag niya.

"Sorry na." Mas humigpit pa ang yakap ni Rey kay Mildred. Tinayo niya ang katawan nito at pinunasan ng mga daliri niya ang luha ng babae. Hinintay niya muna tumigil sa pag-iyak si Mildred bago muli siyang magsalita.

"Sorry na talaga Mildred. Alam kong mali at masakit ang ginawa ko sayo; paniwalaan mo man o hindi, pinagsisihan ko iyon. Pinagsisihan kong iniwan kita at sinaktan kita. Pero may maganda din namang nangyari diba? Nalaman ko kung gaano ka kahalaga sa buhay ko. Narealize ko na napakaswerte ko na ako ang mahal mo. Kaya please... Patawarin mo na ako. Di ko kayang makita ka na ibang lalaki ang makakasama mo. Di ko kayang di ka makita o makausap sa buong araw. Kinukumpleto mo ang kulang sa buhay ko. Mahal na mahal kita at pangako di ka na ulit iiyak dahil sa akin." Rey threw those words at Mildred. Grabe. Parang di ko kakayanin na sabihan ng ganun! Too sweet!

"Pero bat ganun Rey? Sa tagal na lumayo ka sakin... kinaya mo yon?" Pagalit na sinabi ni Mildred. "Ha? Ha?" Tinanung niya habang tulo na ng tulo ang luha niya at sunod sunod niyang sinuntok ang dibdib ni Rey. "Kinaya mo yon?" Inulit niya hanggang sa naghina na siya at napahiga sa dibdib ni Rey. "Mahal na mahal kita. Bat mo sakin nagawa yon?"

Tinalo na ni Mildred ang agos ng isang napakalakas na ilog sa tulo ng luha niya. I can see and feel na hindi na mapakali si Rey. Kaya ang ginawa nito ay hinawakan ang bawat side ng pisngi ni Mildred at binigyan ito ng isang... napaka-dreamy na kiss. Nakasarado ang mata niya while mulat na mulat at gulat na gulat si Mildred.

It lasted for 5 seconds at tumayo nalang si Rey na nakatungo. "Sorry." He apologized for the last time then binitawan niya na ang kamay ni Mildred at tumakbo papasok ng bahay. Mildred, was left petrified... thinking about everything. Natatakot siya na nahihiya na kinakabahan; I can tell from her body language and facial expressions. Kung pwede ko lang siya lapitan e. I sneaked back to the house and hoped na okay lang si Mildred.

August 24, 2012 - 7:48 AM

"Grabe no? Excused nanaman si Shashileen at Japhet. Kawawa naman." Sabi sakin ni Richiel.

"Oo nga e. Super haggard."

Grabe lang no? May teacher, may lesson, pero bored ako. Ewan ko ba, I should be listening nga e. Math panaman to. Pero.... Lord, penge pampagana?

"Hi." Ngiti sakin ni Bryant as he sat on the empty seat next to me.

"Cute mo." Sabi ko sakaniya.

Napatawa siya ng onti. "Ano?" He asked with a big smile.

"Ha?" OH MY, Roberto! Anong sinabi ko!? Hala ka. Di ko sadya yon. Amp. Leche kayong lahat!

"Cute..." He raised one of his eyebrows. "ako?" Then gave me a smirk.

"Ha?" I replied in tension. "Sabi ko, cute..." Isip isip. "Cute moon." Ngumiti ako ng parang tanga. "Kasi diba pag umaga, kita padin yung buwan? Cute e. Cute moon." And then gave him a buing-buing/aegyo/pacute.

"Okay..." He nodded, pero I can feel his sarcasm. Bumalik na ang tingin niya sa whiteboard at ako naman ay humarap kay Richiel at hinampas ang likod niya.

"ARAY!" Sigaw  niya. Napatingin ang lahat. Anu ba yan. Layo! Lumayo kayo!

"Sorry, guys." I apologized to the lecheng crowd. And so ayun, nagblush ako at ibinaon ko nalang yung mukha ko sa armchair. Leche talaga. Nakakahiya.

August 24, 2012 - 11:31 NN

Lunch time! Nakamove on din ako! At ang Happy Family ay pupuntang canteen. Pero, baon ko na ang lahat kong kailangan. Kaya nagpaiwan nadin ako. Naiwan kaming dalawa ni Yuri. So we chatted, and chatted hanggang may napulot na taeng usapan yung tenga ko.

"Crush ata ako nun e?" Boses ni Bryant ang narinig ko.

"Oo naman. Sabihan ka ba naman ng cute." Sabi sakaniya ni Mark.

"Ganun ba yun? Hahaha." Tanong ni Bryant.

"Siguro? Pagtripan mo kaya." Mark suggested.

Wow. Nakakapang-init ng ulo ha. Leche, leche. And narinig pa ni Yuri. Nag eye-conversation kaming dalawa. I was like, "wag kang maniwala", and she was like "ako nang bahala". We do this most of the time.

"Mark, wag naman. Masama yon." Sabi ni Yuri sakaniya.

At, syempre, napirme agad si Mark at natameme. "Opo." Crush niya kasi kaya ganun. Laughing out loud at you. Leche.

"Di ka naman niya crush Bryant, kaya wag ka nang umasa." Yuri added.

"Ay... sorry." Bryant responded the same. Natatawa lang ako.

Yuri faced back at me and my eyes was like, "thank you! You're such an angel". She'll smile and we'll get back up to our conversation. Habang nag-uusap kami, I looked back at Bryant and Mark at simentado padin sila, so I gave them some bleh and laughed silently. Win!

"Tingnan mo kaya sila sa baba? Tagal eh." Sabi sakin ni Yuri.

"Sige, sige. Wait ka lang diyan ha." So I went out at pumunta sa canteen. Pagka-punta ko, wala na sila. Leche. Nagkasalisihan nanaman.

Pero, I think worth it lang ang pagpunta ko dito. Japhet and Shashileen, eating together. Hmm. Unusual, and suspecting. Cute sila... pero may syota na kasi to si Japhet. Sayang ka Shashi... Pero... let's see.

Nung pa-alis na ako, may narining uli ako, sa may bintana. It was Japhet and Shashileen.

"Shashi, may aaminin ako sayo..." Japhet told Shashileen, and he sounded so romantic.

Oh my father. Nagrush agad ako sa gilid ng bintana para makinig. Nako, trabaho ko talaga to! Chismis. Ano kaya to? Nakaka-tense naman. Oh my...

"Shashi..."

-------

Hello, babies! Here's Chapter 12! Keep supporting and loving OFL ♥

Have a nice day~♫

Our Fiction LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon