Chapter 11

88 1 2
                                    

August 20, 2012 - 8:42 PM

"Rey..."

Sinisinghot ko ng lahat ng sipon ko para lang makapagsalita. "Rey, wag ka na umiyak." Nasakin na ang lahat ng bigat na. Hinang-hina na siya. Mediyo hinimas ko yung likod niya para tumigil umiyak, at yun. Effective nga.

After, siguro, 2 minutes of crying. Nagpunas na siya ng luha niya. Kinuha ko yung panyo ko at ako na nagpunas ng luha niya. I then cupped his face with my palm and asked him kung bakit siya umiyak. His eyes was pointed at mine. Kitang kita ko yung kalungkutang nararamdaman niya sa mga mata niya. Pero bakit ba talaga?

Tumingin muli siya sa mga bitwin. "Wala yun... May natandaan lang ako. Di ko lang napigilan yung nararamdaman ko." Paliwanag niya.

I tried to understand him, kaya di nalang ako nagtanong kung sino. "Pasok na tayo? Lamig na e." Sabi ko sakaniya.

He nodded and smiled. Pati ako napangiti dun. He grabbed me by the shoulder, at pumasok na kami ng kwarto. Pagpasok namin, tulog na yung tatlo. Lahat sila na sa latag kaya dun nalang kaming dalawa ni Rey sa kama. Nahiga ako ng una kasi nag-cr muna siya. Sa sobrang antok ko, nakatulog na ako agad agad. I was still conscious at that time at ramdam na ramdam ko padin ang lamig. Then I felt him lying on the bed, at tinalukbongan niya ako ng kumot. Thank you so much!

"Good night." He whispered in my ear.

Sinubukan kong sumagot, pero napa-iling nalang ako. Narinig ko ang mahina niyang tawa... pero, who cares? I'm sleepy. Joke. Good night, Rey. Pati nadin kay Richiel, Mary Jo at Bryant.

August 21, 2012 - 4:33 AM

Nauna akong nagising sakanilang lahat. Ewan ko, pero masarap nanaman yung tulog ko. Credits to Rey.

Hinanda ko na yung school bags ko. Naisip ko, wala sila sa mga kwarto nila. Kaya hindi sila agad agad makakapag-ayos. Kaya dahan dahan akong lumabas ng kwarto, at pumunta sa mga kwarto nila.

I checked Mary Jo, Richiel and Bryant's rooms at mukhang ayos naman yung mga gamit nila. Nung pumunta ako sa room ni Rey, ayun. Nakalabas lahat ng notebooks at textbooks niya. Kaya I fixed everything, pati yung kama niya inayos ko na. Gulo ng kwarto e.

Lumabas uli ako ng dahan-dahan, dahil ayoko makagawa ng ingay. Tiningnan ko ang lahat ng sulok at nakita ko si Shomba. Joke, ayos na ang lahat. Pagbukas ko ng pinto, joke, bukas na... wait... sinarado ko.. Shomba? Joke, OA mo lang. Tara labas. Kaya dumire-diretso ako palabas hanggang sa may nabanga ako. Malakas na pagkabanga.

Alam niyo ba yung mga romantic scene na kapag nababanga, yung may magkikiss bigla. Yung ganun, yung malalanding ganun. Pero yung nangyari sakin hindi ganun e. Nasa pinto na pala si Rey at kanina niya pa ako pinapanood maglinis ng kwarto niya. Nakakahiya tuloy. Nabanga ko siya sa dibdib at sabay kaming nahulog sa lapag. Nadaganan ko siya at nasapak ko pa, habang yung hawak naman niyang tubig (buti nalang maligamgam) ay natapon saming dalawa. Romantic diba?

"Oh my... Rey. Sorry!" Agad agad akong nag-apologize. It's too late to apologize!

"Uy, okay lang." Sabi niya ng patawa.

 Tumayo ako agad agad at kinuha yung hem ng shirt ko at pinunas sa shirt niya. "Sorry talaga, nabasa ka pa."

"Okay lang talaga. Magpapalit nalang ako." Sabi niya habang pinapagpag niya yung shorts niya at ngumiti saakin. "Halika, pasok ka nalang. May sasabihin ako."

Pumasok kaming dalawa. Oh my gulay, kinakabahan ako na ewan.

"Upo ka diyan sa kama, magpapalit lang ako." Sabi niya sakin. Binuksan niya ang closet niya at kumuha ng itim na t-shirt. Dahan-dahan niyang hinubad yung t-shirt niyang nabasa ko sa harap ko, pero nakatalikod siya. Ay, putek. Bat ko pa ba siya pinapanood? Bastos ka! Bastos! Pumikit nalang ako at binaon ang ulo ko sa mga palad ko. Nanginginig ako fre. Pero natatawa din ako sa sarili ko, malandi kasi ako.

Our Fiction LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon