Chapter 5

126 4 9
                                    

June 18, 2012 - 4:09 AM

Nagising ako ng maaga ngayon. I don't know why, pero pagkagising ko, naisip ko agad ang pagkakaroon ng syota. Napicture lahat ng may love teams at may syota samin, and hell yeah, I envy them. Ang sunod na lumabas sa utak ko ay ang mga itsura ng mga crush ko. Andami nila actually, pero siguro 3 or 4 lang yung talagang gusto ko. Inisip ko kung bagay ba kami, or something. Pero hindi e. Sa imagination gumagana, pero sa totoong buhay... siguro hindi. Yung simpleng makarecieve nga lang ng random gift, di ko pa nararanasan. Syota pa kaya? Duh.

Tumayo na ako at naligo. Sakto na pagkatayo ko, bumukas bigla yung bintana. Nagulat ako, napasandal ako sa pader at napatakip ako ng bibig sa takot. Joke, naligo lang naman ako at yung tubig sa shower ay kulay red, pagtalikod ko andun si... Ayoko na. Natakot na ako sa mga pinagiisip ko at tumakbo nalang ako pababa para tumingin kung may pagkain na.

Pagdaan ko sa kitchen, andun na si Darryl. So, dumiretso na ako sa kusina at lumapit sakaniya. Niyakap ko siya na parang crab na nanghuhuli ng isda. I wrapped my arms around his waist; I hugged his body and the apron he's wearing. We do this most of the time, it's like friend-skinship. Walang masama. Kayo talaga.

Nagulat siya ng onti; napataas yung balikat niya, pero I know he know that know I know, hala. Pero, I know he know it was me. Umikot siya sa yakap ko at humarap sakin.

"Good morning." Bati niya sakin na may kasamang ngiti. Hawak niya pa ang wooden spoon sa right hand niya, kaya I let go kasi baka naiistorbo ko ang pagluluto niya. Humarap uli siya sa stove at naghalo muli.

"Good morning den." I greeted him back at sumandal sa table na nasa likod ko. "So anong niluluto mo?"

"Crab soup." Speaking of crab. Napatawa ako dun, at tumingin siya na parang nagtataka kung bakita bangag ako sa gantong oras. Tinangal ko ang sandal ko at umikot sa table para maupo. Kumuha na siya ng bowl at chopped onion chives galing sa chopping board. Parang prinepare niya at isinerve sakin.

Lumapit siya, with his crab soup at inilapag sa table. "Thanks." Sabi ko nung nilapag niya na ang soup. "Ikaw lang gumawa?"

"Syempre. Ayoko nung nasa packets." He told me. Tiningnan niya ako humigop ng onti na parang naghihintay ng reaction ko.

"Tastes excellent. Ang sarap ng crab." At yun, nasarapan ako at hindi na tumigil kakahigop hangang napaso na ang dila ko.

He smiled at me pagkatapos kong ubusin ang soup niya. Kinuha niya na ang bowl ko at dinala sa sink. Just after that, dumating na si Hannah, na mukhang napaaga din.

"Hoy, kayo ha." Sabi niya na walang palya nang pagdating niya sa kitchen. "Starting again?"

What she meant by starting again, is kasi dati. They thought na may gusto kami sa isa't isa. Like, seriously? Wala no, denial to my talampakan. Close lang talaga kami, at wala na kayong magagawa don. Pero patuloy padin ang issue, buti na nga lang at naintindihan na nila ngayon na ganun lang talaga yun. That's normal.

"Shut up, Hannah. Umupo ka nalang dito at humigop ng soup." Sabi ko kay Hannah, tumayo sa upuan ko at hinintay siyang umupo. Nung siya'y nakapwesto na, I bade goodbye to the both of them at tumaas na. Nawala na sa isip ko yung panakot ko kanina.

June 18, 2012 - 4:21 PM

Klase na ng teacher naming galing sa lahi ng Cullens. Well, not really. Self-proclaimed ang pagiging vampire niya. Ninuno niya din siguro si Mr. Bean, pero favorite teacher ko siya. As of now, nakikipag-away na ang mga kaklase ko na mag early dismissal na. Pero itong teacher na to, time can't be wasted, kaya kaylangan namin maghintay hangang 4:30 bago makalabas.

Our Fiction LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon