Chapter 6

153 7 20
                                    

June 19, 2012 - 5:12 AM

"Eh, sa pangit mong yan may mag reregalo sayo? Imposible nga ang nakikita mo." Pangasar sakin ni Jemuelle. Ano to? You're just returning the fayver?

"Hiyang hiya naman ako sa mukha mo."

"Hahaha. Joke lang naman eh." Bigla siyang ngingiti at magkakaroon ng ala-paniking wrinkles sa mata.

Tinitigan namin ang regalong natanggap ko. At wrong move na si Jemuelle ang tinawag ko para hulaan kung sino ang nagbigay.

"Baka from Lola yan?" Nagjoke siya guys; nagjoke siya. At dahil sa irita ko kay Jemuelle, nilabas ko ang kutsilyo sa drawer ko at pinagtataga ko siya hanggang sa lumabas na ang dugo niya sa ilong featuring uhog. Joke, hinampas ko siya ng teddy bear. Habang hinahampas ko ang walang hiya, nadaanan ng mata ko ang pinto. Dumaan si Cj at parang may something akong nakita. Tumakbo ako palabas at hinabol siya.

Natagpuan ko siyang patay, joke, naglalakad sa hallway habang dala-dala ang isang malaking box ng used materials. A red wrapper towered from the box, oh ano? Nosebleed? Lumamang sa mata ko yung red na wrapper sa box kasi ang tangkad. Napansin ko eto at nagflashback ang wrapper na iningatan ko. Si CJ ang nagregalo? Pero... Why? Why him? Pwede namang iba diba? NOOOO!!!

June 19, 2012 - 11:10 AM

Naasar talaga ako. I'm not being judgmental or anything, pero kala ko talaga kanina, natupad na yung wish kong magkagift. Oo nga, natupad. Pero bat kay Cj pa? Kasi naman. Yung maayos naman. Alam niyo namang di ako basta basta; valedictorian ata ako sa Cebu! Kaya bigyan niyo ko ng karapat-dapat. Ines!

Lalo na at everytime I look at CJ, nangiti siya at nakaway. Nako po, ikaw kaya, kawayan ni Charles Darwin. Hala ka, maloka ka ng di oras. Basta, kakalimutan ko nalang ang lahat. Maitago nalang sa baul yung teddy bear.

And yet the worst has to come, lumapit sakin si CJ. Siguro dahil napansin niya akong nakatingin sakaniya. Palapit siya ng palapit, at ako naman ay palayo ng palayo. Parang isang horror scene lang. The horror, oh my.

"Nagustuhan mo ba yung teddy bear?" Tanong niya sakin.

Napangiti nalang ako at pumikit. Inisip na wala lang ito. This is not true!

"Hoy, JD." Tawag niya sakin habang ako ay nakapikit padin. Pagbukas ko ng mata ko, 3 inches away nalang ang mukha niya sakin. Napasigaw ako at lumabas. I told you! The horror, oh my.

June 19, 2012 - 3:10 PM

Exactly 5 hours na ko dito sa hospital, nagrerecover sa nangyari kanina. Joke, andito lang ako sa gilid ng apat na sulok naming classroom at nababaliw sa takot at trauma. Joke, malamig kasi, gusto ko lang macompress ang sarili ko.

Lumapit sakin si Reggie at tinanong ako. "Okay ka lang, JD?"

"Oo, malamig lang kasi e. Lapit ka nga dito, hug mo ko. Wala kasi akong jacket e."

Lumapit siya at binigyan niya ako ng mainit na yakap. Reggie and I are going out together for a long time na, joke, we made a friendship na. Mabait naman siya e, at napakajolly. Bumitaw na ako dahil masiyado siyang mabigat.

"Sige na, upo ka na dun. Salamat." I told her. Ngumiti nalang siya at naupo sa pwesto niya. I still feel cold. I just can't. So, gagawin ko nalang uli ang hobby ko. Mag-gala ng mata.

Nakita ko uli si Cristina at Japhet, and still, Cristina is awkward. Ganiyan talaga pag unang relationship no? Nakakatuwa lang tingnan. Pero kung ako, to the highest level na ang pagiging affectionate ko with my partner. Naattract naman ng tenga ko ang usapan ni Mark at Bryant, na malapit lang sakin.

Our Fiction LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon