June 17, 2012 - 2:42 PM
"JD, papunta ka na ba? Tulungan mo naman kami magluto dito." Tinawagan ako ni Cristina dahil dalawa palang sila ni Yuri sa bahay.
"Sige, parating nanaman din ako. Ano ba plano niyo?" Tanong ko.
"Maghahanda tayo ng lunch para satin. Di pa kasi tayo nagcecelebrate sa pagtira natin dito sa bahay."
"Sige. Baba ko na ha? Malapit na ako."
"Sige, bye."
At tinapos ko na ang tawag. Napagusapan na namin na every Saturday, uuwi kami sa mga original houses namin. Pero for this time, dahil ang daming nangyari, Sunday na kami nakaalis. Ibinulsa ko na ang phone ko at sumenyas ng 'para' sa jeepney driver. Bumaba ako ng mabilisan at tumakbo papunta sa gate.
Sinalubong ako ng bati ni kuya guard. "Good morning po!" Sabi niya sakin. Sinaluduhan ko siya at tuloy tuloy na akong pumasok sa villa. Natatandaan ko tuloy yung moment na first time ko palang nakita yung gate... intense. Gate palang namangha na ako, ang laki ba naman.
Siguro 1 and a half minute din yung paglalakad ko bago marating yung mansion sa lawak at haba. Pinagbuksan ako ng pinto ng mga caretaker namin. Pumunta ako sa living room at ibinaba yung bag ko at dumiretso na ako sa kitchen.
"Uy, ayan na si JD." Sabi ni Yuri kay Cristina.
"Buti naman! JD, help naman oh. Hirap magluto ng instant noodles." Sabi sakin ni Cristina habang naglalakad ako papunta sakanila. Instant noodles? Nagbibiro tong tao na to. Nakakapagod kaya magmadali tapos eto lang pala dadatnan ko?
"Hoy, JD. Nagmadali ka pa, di ka naman pala tutulong. Joke lang yun, nagluluto kami ng lasagna, macaroni salad, tiyaka itong si Yuri ay nagawa ng graham cake. Parang pasko lang e no?"
Yun naman pala e. Kala ko talaga instant noodles lang yung ginagawa nila. Corny niyong dalawa. Tinulungan ko na sila sa handa, napunta sakin ang macaroni salad. Ayoko pa naman sa mayonnaise pero masarap siya pag ginawa ng salad.
"Bat kasi di kayo nagpatulong sa caretakers natin?" Tanong ko sakanilang dalawa.
"Ano ba naman yun. Siyempre handa dapat natin. Mas maa-appreciate nila pag tayo gumawa." Sagot sakin ni Cristina. Siguro nga, may point siya. Eh kasi naman, parang feeding program ang magaganap. Magpapakain ng 30 na tao.
After an hour of cooking and preparation, nagsi-datingan nadin yung iba. Di din nila mapigilan magdaldalan e. Magkasama na nga kami sa school, magkasama pa kami dito sa bahay. Buti nalang di uso ang sawaan, kung nangyari yon... ewan nalang.
As usual, at naging hobby ko na to, tinitingnan ko silang lahat. Para akong observer na ewan. And I noticed na Gianna is seated. It's weird to see, pero kasi siya yung klase ng tao na di papahuli sa kainan. I stared at her for some time at biglang lumapit si Rey sakaniya with two plates. Nagtatakaw ata si Rey ngayon. Pero I was shocked, he served the other plate to Gianna. At kitang kita ko yung details ng pagkaserve; tandang-tanda pa ni Rey kung pano at ano ang gusto ni Gianna. Kasi, sila dati. Pero nagbreak after something between them grew. Di ko alam kung ano yun, pero I can feel something is going between them again. Nagmouth ng word si Gianna ng thank you kay Rey at ngintian siya ng lalaki as a reply. Umalis si Rey na parang walang nangyari pero pareho silang nakangiti.
Tumabi ako kay Gianna and acted normal.
"How's your food, Gianna?"
"Masarap. Sabi sakin ni anak (Cristina), kayo daw nagluto nito."
BINABASA MO ANG
Our Fiction Life
Teen FictionAno ang pakiramdam na manirahan sa isang bahay na puro kaklase mo lang ang kasama? Ano ang pakiramdam na makatabi mo ang crush mo sa isang bubong? Sa bawat isip natin, syempre, masaya. Pero sa storya na to, hindi lang puro kasiyahan ang nahahanap, h...