Chapter 3

84 4 0
                                    

June 15, 2012 - 6:53 AM

"Umpisa na ba?" Text ko kay Mary Jo.

"Malapit na. Bilisan mo." Ang kaniyang nakakakilabot na reply.

Isang daily activity ng school namin, ang morning devotion. At sa unang pagkakataon, late agad ako. Yan ang napapala ng mga estudyanteng hindi nagawa ng homework sa home. Binulsa ko agad ang phone ko at tumakbo habang inaangat ang pantalon. Feeling gown daw, baka kasi madapa. Joke, baka kasi tumilapon yung phone ko; ang talbog ko kaya tumakbo.

At dahil late ako, sa dulo na ako pumwesto. Katabi ko, syempre ang dulo din sa mga babae, si Richiel: the tallest girl in our class. Grabe, nakakatakot tong babaeng to. Joke ulit. Isa to sa close friends ko at mukhang malaki laki ang ngiti niya ngayon.

Tiningnan ko siya sa mata at tinanong. "Anong meron?"

Nagulat ata siya sa mataray kong pagtanong. Pero imbis na sumagot, ngumunguso lang siya na parang may tinuturo sakin. Napalingon ako at nasulyapan si Stephen. Isang, sabihin na nating, maputing gangsta (ata), gwapo, matangkad at baby skin. Nalaman ko ang pangalan niya dahil instant celebrity siya sa school. Mukha siyang heartrob, sabi din nila hindi naman siya siga sa ugali masiyado. Mabait din daw at makulit.

Tumingin ako ulit kay Richiel at parang naintindihan ko na ang kaniyang gusto iparating. "Crush mo no?" Tanong ko sakaniya.

Napatingin siya sa baba, sa taas, sa 45° west and east. Crush nga ito ni ate. Sabagay, gwapo naman, malakas talaga ang impact niya sa mga babae. "Sabi na nga ba e." Sabi ko sakaniya. Nagkaroon siya bigla ng red shade sa kaniyang cheeks na parang sinampal ni David the Giant. Natawa nalang ako sakaniya, ang cute nga eh; pag nakikita mong kinikilig yung mga friends mo. Except nalang yung may mga kasamang hampas (gawain ko).

Nakalimutan ko, nagprepreach na pala si Pastor. Patay tayo niyan, makasalanan na ko. Sorry Lord, makikinig na po ako, sabi ko sa sarili ko. Kasi naman to si Richiel, napaka lovestruck (nandamay pa eh). Tumayo ako ng diretso at sinubukang makinig. Sa background, maririnig mo si Pastor nageexplain ng binasa niyang verse, pero sa utak ko puro daldal at harot ang naririnig ko.

"Lord, help naman diyan." Binulong ko sa hangin ng mahina. Nakaka-asar talaga pag excited kang makipagchismisan sa kaklase mo no? Parang 10 years hindi makakapagusap e. Kairita. (Hala, nairita sa sarili.)

June 15, 2012 - 4:18 PM

"Okay, no. Isa isa niyong i-explain ang goals na drinawing niyo diyan sa name tents niyo. Para, no, makilala namin kayo ng mas mabuti" Sabi ng adviser-slash-AP teacher naming dinaig pa ata si Nora Aunor. Wala akong sinabi ha! E kasi naman e, dahil sakaniya halos lahat kami di mapigilang tumawa at i-imitate siya. Pero, hayaan mo na, we'll get over it by the near future. I hope.

Isa isa na kaming tinawag, siyempre ang "Tres Marias" na binubuo ni Vanessa, Shashileen at Irish na minsan nagkakaroon sila ng "Unica Hijo" na si Christopher, ay ang mga may pinakamagandang explanation sa mga drinawing nila. Lalo na kay Vanessa, kahit Tagalog nag no-nosebleed kami. Pag dating naman kay Shashileen at Irish, nauubusan kami ng confidence pang pumunta sa harap dahil sa galing.

At ayon, tumayo na si ganito at si ganiyan, na ganito at nag ganiyan sila. Tapos sabi ni ganito, ganiyan talaga yung ganito niya, laking gulat naman ni ganito kasi kala niya ganito yung ganiyan niya. Hala ka, di ko na maintindihan sa dami ng pinagsasabi nila. Sa labas kunwari nakikinig ako, pero sa loob nagiisip ako kung ano ang dapat kong sabihin. Pero ang pinaka natatandaan ko doon ay ang paglalagay ni Reggie ng 'professional' sa kaniyang dream career. Taray ha, kinabog kaming lahat. Kami puchu-puchu lang siya 'professional' architect talaga. Noong ako naman ang tinawag, wala lang. Pinakita ko ang pang kinder kong drawing at nagsalita na parang ngongo.

Our Fiction LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon