June 21, 2012 - 6:18 AM
The rain shadowed the room; the sun was peeking throught the grey clouds and the raindrops was large as a pea. The house room was tinted blue as the sky turned dark and winds gone cold. Literary skill practice ulit. Ang lakas ng ulan, so announced na walang pasok ngayon at bukas. Parang kumakatok yung ulan sa bintanang malaki, ang ingay.
Lahat kami nakaupo sa sofa na nakaharap sa malaking bintana. Pinanood namin ang ulan. Dramatic no? Ang lamig kasi, lahat kami nakasweater except me. So tumayo muna ako, sinet aside ang unang yakap yakap ko at tumaas sa kwarto ko.
Kinuha ko yung jacket na binigay sakin ni "L" at bumaba uli. Pagbaba ko, puno na yung sofa. To talaga mga to. Saglit lang nawala e, grabe. So bumalik nalang ako sa kwarto at nagcomputer. Pagkaupo ko, binuksan ko ito at nag Google Chrome at binuksan ko ang Facebook ko. Syempre, sikat ako. Kaya yung friend requests ko ay 4, messages ay 1 and notifications ay 2. Diba? Pero ngayong araw na to... ganun padin. Buhay ng hindi sikat. Hay.
Sunod kong binuksan ay ang Tumblr ko. Dito ako nakakabawi. 5,000+ followers and 200+ messages. Nakakatuwa diba? So ang routine ko lang naman dito ay magpost ng edits ko at yun. Mag o-off na ako. Today is a boring day, ang lamig pa. Kahit magkakasama kaming lahat, bored padin. Pagbukas ko ng Facebook, lahat sila online. So I guess lahat sila ay nasa kani-kanilang kwarto na. Ayokong idikit yung sarili ko sa harap ng computer kaya lumabas ako ng room at pumunta sa kwarto ng iba.
Naglakad ako sa hallway at sinubukang maghanap ng maayos ayos na kwartong pwedeng pagstayan. Dinidikit ko yung tenga ko sa pintuan para malaman kung ayos lang magbarge in sa kwarto yon. Natatawa ako sa iba e, nakalock tapos may umuungol na babae. Nako, I don't want to name, secret ko nalang yun. To kasi si Jhomar, excited.
Naglakad lakad pa ako at nakitang bukas yung pinto ni Bryant. Yung mukha niya ay napalibutan ng ilaw galing sa monitor at mukhang naglalaro nanaman siya ng Social Wars sa Facebook. Pumasok ako ng dahan dahan, na parang magnanakaw na ingat na ingat sa floor na hindi tumunog. I slowly sat on his bed, at he remained unconcious padin. Mukhang busy na busy siya. Pinanood ko ang ginagawa niya sa computer at natatawa ako on how he still doesn't know na andun ako sa likod niya.
Nagbukas siya bigla ng Microsoft Word. Sinet niya yung font size to 72 at nagtype ng 'hi'. I'm dead...
"Hi, JD." Sabi niya habang nakaharap padin sa computer. Binalik niya na uli sa Facebook at ipinagpatuloy ang kaniyang laro.
"Hello. Sorry." I apologized.
"Okay lang. Wala kang magawa no?" He felt the right situation I'm on.
"Oo eh. Pwede dito muna ako?" Tanong ko. Di parin kami close, pero mas mabuti na yung andito kaysa sa walang kasama at wala pang magawa.
"Sure." Sagot niya habang nakatitig padin siya sa monitor.
His room was neat and tidy, and as I look to my far right, mukhang naglagay siya ng organizer ng books niya. Talo papala ako nito sa kalinisan. Kung makita mo lang kwarto ko, parang scene ng World War II or pag aaway ng dalawang warfreak na babae sa isang american reality show.
Tumayo ako sa kama at naghanap ng malilikot sa kwarto niya. Binuksan ko ang dresser niya, and boy, he has tons of clothes. Nakita ko yung phone niya na nakailaw sa sulok, so I reached for it at baka pwede ko itong mahiram. Pagkakuha ko ng phone, natumba ko yung patong patong na puting letter cards at nagkalat na siya palabas ng dresser. Binaba ko muna yung cellphone niya at nagumpisang magpulot. Aabutin ata ako ng siyam-siyam dito.
"No, JD. Wag na. Ako nalang." Sabi niya as he rushed to my position. May 'no' na nga may 'wag na' pa.
"No, wag na. Okay lang." I answered.
BINABASA MO ANG
Our Fiction Life
Teen FictionAno ang pakiramdam na manirahan sa isang bahay na puro kaklase mo lang ang kasama? Ano ang pakiramdam na makatabi mo ang crush mo sa isang bubong? Sa bawat isip natin, syempre, masaya. Pero sa storya na to, hindi lang puro kasiyahan ang nahahanap, h...