Kahiya Talaga
Pilit kong kinumbinsi ang aking sarili na wala akong dapat ikabahala na kaming dalawa lang ni Jake ang magkasama mamayang gabi. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya. For Pete's sake, he is my friend and I'm sure he is not that kind of person. Mas nag-aalala ako sa aking sarili dahil baka sobra akong matensyon sa kakatitig ko sa kanya at mahalata na niyang gusto ko siya.
Bakit ba naman kasi mula ng i-makeover ko siya, lumabas talaga ang kagwapuhan niya pati na rin ang nag-uumapaw na sex appeal niya. Hindi lang iyon, mula ng kalimutan ko si Michael ay sa kanya naman nabaling ang aking atensyon. Minsan nga ay naisip ko na baka rebound lang ito. Pero pag dumarating ang pagkakataon na kumakalabog ang puso ko tuwing malapit siya ay nawawala ang mga alinlangang ito.
"Two piece chicken joy with rice and peach mango pie at large iced tea," sabi ni Jake nang ibaba niya ang mga orders namin para sa dinner dito sa Jollibee. Two piece chicken din siya, iced tea at chocolate sundae.
Nakasakay na kami kanina sa tricycle paballik ng school galing ospital nang mag-aya siyang kumain sa nadaanang fast food chain. Kaya tuloy ay bumaba kami at pinatulan ko na rin ang paanyaya niyang treat.
"May gusto ka pa bang idagdag?" Hindi pa umupo si Jake sa tapat ko. Naghihintay pa ng additional order ko.
"Wala na. Okay na ito. Salamat." Bigla tuloy akong natakam nang maamoy ang chicken joy.
Bahagyang tumango si Jake bago naupo sa harap ko. "May nakita pala akong coffee shop d'yan sa tapat. Baka gusto mong mag-coffee after ng dinner."
"Next time na lang. Gusto ko ng magpahinga."
Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang order kong rice at inilabas doon sa papel na nakabalot saka ibinalik sa pinggan ko. "Kain ka na." He smiled.
Bahagya yata akong natulala. Ano iyon? Please Jake wag kang maging sweet. Baka lagyan ko iyan ng meaning.
"Raine, eat." Sabi pa niya nang hindi pa rin ako kumilos sa pagkakatingin ko sa kanya. Inabot pa niya sa akin ang plastic spoon and fork.
Ilang beses na kaming kumain sa labas na kaming dalawa lang. Lalo na noong makeover days niya. Pero walang ganitong eksena.
"Sa-salamat." Inabot ko na lang iyong spoon and fork at nag-concentrate sa chicken.
Parang dumaan si San Pedro sa gitna namin sa sobrang katahimikan. Hindi ako sanay sa kanyang ganito siya. Madaldal itong si Jake e.
Tumikhim muna ako. "Ba't seryoso ka? Wala ka bang trivia sa 'kin ngayon." I tried to sound normal kahit pa nate-tense ako. Hindi ako makapaniwalang aabot ako sa ganito sa harap ni Jake.
Nilunok muna niya ang pagkain."Seryoso? Gutom na kaya ako."
Mukhang totoo nga. Napangalahati na niya agad iyong chicken at rice.
"Trivia ba ang gusto mo? May nabasa ako kanina sa net. Alam kong paborito mo si Taylor Swift."
Paano niya nalaman iyon?
"Alam mo ba na una siyang nakahawak ng gitara noong ten years old siya, nang makita niya yung computer repair man sa bahay nila na nag-gigitara. Itinuro nito sa kanya kung paano i-strum ang three chords. Mula noon inaral na niya ang paggigitara."
"Matagal ko ng alam iyan." I sipped on my iced tea. Nabasa ko na rin iyon sa net noong ini-stalk ko si Taylor Swift.
"Eto pa, alam mo ba kung ano ang pinakamaikling complete sentence sa english?"
Sandali akong nag-isip."Stop?"
"Muntik na. GO.'"
Oo nga naman. Dapat tiningnan ko na lang iyong traffic light sa labas.
BINABASA MO ANG
My First Kiss Stealer (Completed)
Teen FictionThere is a guy standing behind me. He is tall, wearing a mask and a black tux. Natatakpan iyong mukha niya dahil sa laki ng maskara. Iyong mata at lips lang niya ang nakikita. Iyong kamay niya nakalahad sa akin as if he is asking me to dance. I did...