Beautiful and Sweet as You
Kung ang ibon ay malayang nakalilipad, ang mga isda ay lumalangoy ng payapa, ako ay lumulutang sa kalangitan.
Days had passed since I found out who the real Mr. Stealer is and still... the smile on my face doesn't fade away.
"Blooming ka talaga Raine. Sino ba ang pinagpapagandahan mo ngayon?" Nangungulit si Jade sa akin. Magkatabi kaming naka-upo dito sa sofa sa tambayan. Vacant period pa kasi kaya dito kami nagkita-kita. Naghihintay lang ako ng oras para sa editorial meeting ngayong alas kuwatro at dito na nga lang ako nagpalipas.
Halos lahat ay abala sa kanya-kanyang gawain sa ibang subjects doon sa mesa. Kami lang ni Jade ang nagku-kwentuhan. Dumating sina Jobel at Mildred. May dala silang pizza. Sa kanila tuloy natuon ang aming atensyon at sa halimuyak ng pagkaing daladala.
"Wow food! Kanina pa ako nagugutom." Tuwang-tuwa namang sabi ni Ykai.
"Sorry guys, hindi to para sa inyo." Pahayag ni Mildred nang ibaba nila sa mesa ang pagkain.Pare-pareho kaming ginutom.
"Dadalhin namin ito sa PE class. Kinantyawan kasi ako ng mga ka-grupo ko dahil di ako naka-attend sa rehearsal kahapon." sabi naman ni Jobel.
"Who wants pizza? Sagot ko na." Anunsiyo ni Dennis.
"Talaga Dennis! I'm so hungry na nga," sabi pa ni Ykai.
"Oo naman. Ikaw na mag-order."
"No problem." Pinindot nga naman agad ni Ykai ang cell phone niya. For sure tatawag na iyon sa delivery.
Habang abala sa pagdidiskusyon kung anong flavor ng pizza ang oorderin, dumating naman sina Casey at Jake.
"Ang seryoso n'yo namang dalawa," puna ni Dennis. "Tol, pakopya naman ng assignment sa bookkeeping." Sinalubong nito sina Casey at hiningi agad ang notebook ni Jake.
"Alis muna kami." Paalam ni Jobel. Hila-hila nito si Mildred palabas.
"Casey, iyong hinihingi kong stickers dala mo ba?" Si Jade.
"Oo. Ang kulit mo kasi." Ibinaba ni Casey ang dalang bag sa mesa at binuksan iyon para siguro kunin ang sticker ni Jade. Ewan kung anong sticker iyon.
"Yey! Ang bait mo Casey." Tumayo si Jade at lumapit kay Casey.
Sinundan ko siya ng tingin pero napadako ang mata ko kay Jake na nakatingin pala sa akin. Awkard na umiwas ako at tinuon kunwari sa nahagilap kong notebook sa bag ang atensyon. Mayamaya ay naramdaman kong naupo si Jake sa tabi ko.
Heto na naman at kinakabahan ako.
"Ahm... Raine. Ito nga pala iyong experiment results ko. Okay lang ba na ikaw na ang mag-consolidate?"
I smelled his cologne. It lingered on my nose. Ang sarap niyang singhutin hanggang sa maubos ang kanyang bango.
"Okay lang." Inabot ko ang folder na binibigay niya. Binuksan ko iyon at ini-scan ang laman. "Ang dami mo palang sagot."
"Anong ibig mong sabihin?" Naka-kunot ang noo niya.
"Kasi iyong mga answers ko konti lang. Ikaw, na-analyze mo pa iyong bawat result. Ito na lang kaya ang ipasa natin?"
"Sayang naman iyong mga sagot mo." Nakangiting sabi niya habang nakapatong sa magkabilang-tuhod ang dalawang siko at nakadaop ang mga kamay.
"Basta bahala ka na d'yan. Ipasa mo na lang bago iyong deadline."
"Okay." Isinara ko ang folder at ipinasok iyon sa bag ko. Sandali kaming natahimik at pinanood ang mga kaibigan naming may kanya-kanyang mundo. Sina Casey at Jade ay nagtatawanan. Sina Cheng at Ykai ay nagdidiskusyon pa rin sa pag-order ng pizza. Si Dennis ay kinokopya ang assignment ni Jake. Kaming dalawa ay nagpapakiramdaman dito sa sofa.
BINABASA MO ANG
My First Kiss Stealer (Completed)
Teen FictionThere is a guy standing behind me. He is tall, wearing a mask and a black tux. Natatakpan iyong mukha niya dahil sa laki ng maskara. Iyong mata at lips lang niya ang nakikita. Iyong kamay niya nakalahad sa akin as if he is asking me to dance. I did...