I'm Sorry, I Miss You
Ang bilis natapos ng Christmas vacation. Umuwi kami ng Davao after ng adventure kina Dennis. Puro reunion at gatherings sa probinsiya lalo na at bumubuti na ang pakiramdam ni lolo. Though, napansin ko na lalong humigpit ang security doon pero tuloy pa rin ang aming pamamasyal na magpipinsan. Kahit nga saan kami pumunta ay may lantarang nakasunod na body guards sa amin.
Sa isang linggong bakasyon na iyon ay parang ang tagal ng araw. Miss na miss ko na si Jake. After ng mala-Amazing Race na game sa Calatagan, di na niya ako pinansin. Nabalitaan ko na lang the next day na bumalik na siya ng Maynila. Ni hindi nga ako binati man lang ng Merry Christmas o Happy New Year kahit pa binati ko naman siya sa text.
I don't know what's wrong with him!
And I'm feaking affected over his pande-dedma to me. How could he do that?
Now that we are back to school, he didn't show up on the first day of class.
Wala rin siyang updates sa FB o sa Twitter. Sabagay, wala nga pala siyang social media accounts. Inisip ko na lang na baka namundok siya for a while at walang signal sa lugar na iyon.
I hate him!
Iyong pagpunta namin ni Casey sa Manila Hotel security para sa CCTV, wala ring nangyari. Malas naman... kasi noong araw na iyon nasira iyong recording ng camera sa ballroom kung saan ginanap ang Christmas ball. Kamusta naman iyon?
Wala na yata talagang pag-asa para makilala ko si Mr. Stealer.
Ang tagal naman ni Ms. Manuel. Kanina pa ako dito sa school paper office. Ipinatawag kasi niya ako dahil may kailangan daw siyang sabihin. Baka para sa last issue ang idi-discuss niya.
After 45 years and 3 songs ng 5SOS on my Ipod, dumating din siya sa wakas. Humahangos pa nga.
"Raine, sorry to keep you waiting. Kinausap pa ako ni principal para sa press conference." She sat on the nearest chair in front of the table where I'm sitting. "Wala pa ba si Jake?"
"Di po siya pumasok today." Umupo na ako ng maayos. Naka-sandal kasi ako kanina doon sa silya. Hitsurang patulog na.
"He's here. Excuse lang siya sa class kasi may pinapagawa si principal sa kanya. Sabi ko kanina sumunod na sa akin."
Right on cue, bumukas ang pinto at pumasok si Jake.
Parang medyo namayat yata ang kaibigan ko. Dumiretso siya sa upuang nasa tabi ko.
"Sorry Ms. Manuel, dumaan lang ako ng canteen para mag-snack sandali."
"It's okay Jake. Now that we're complete, I would like to inform you that you two are our representatives para sa national school secondary press conference o NSSPC. This year it will be held in Lemery High School in Lemery, Batangas. Bukas na ang start ng competition."
"Bukas na agad Ma'am?" Nabibiglang tanong ko pa.
"Sorry for the short notice. I thought our school will not participate anymore since wala tayo pinadala for the division and regional competition. But since hindi rin daw magpa-participate ang ibang schools dito sa area natin, kelangan may representative ang division natin. That's why you two were handpicked by our principal."
"Ma'am, last year madami tayong participants. Bakit kaming dalawa lang ni Jake?"
"Actually, tatlo kayo. Gian, our feature editor will also be joining. May class pa siya ngayon pero kinausap ko na siya kanina pa. "
"Pwede bang hindi sumali Ma'am?" I can feel resistance from Jake.
"Why? This is a good experience. Di ba Lorraine? She's been our delegate for the past 3 years. She is our national champion for the copyreading category."
BINABASA MO ANG
My First Kiss Stealer (Completed)
Fiksi RemajaThere is a guy standing behind me. He is tall, wearing a mask and a black tux. Natatakpan iyong mukha niya dahil sa laki ng maskara. Iyong mata at lips lang niya ang nakikita. Iyong kamay niya nakalahad sa akin as if he is asking me to dance. I did...