Manhid Lang
Dala siguro ng boredome kaya naisipan ni Dennis na mag-organize ng game ngayong gabi. Maliwanag ang buwan at malamig ang simoy ng hangin. Tamang-tama ang klima para sa isang outdoor game.
Si Dennis mismo ang namuno sa palaro. Ang mga magkakapareha ay sina Tristan at Casey, Michael at Jade, Louie at Mildred, Ykai at Cheng at kaming dalawa ni Jake.
Pangalawang araw na namin dito sa farm. Maghapon kami sa beach kanina kaya ang init ng mga balat ko dahil sa sunburn. Mala-Amazing Race ang laro. Sige na nga... Sumali na rin ako kahit inaantok na.
Nakakatuwa lang kasi maghapon ng attentive si Jake sa kin. Feeling ko tuloy ay isang ilusyonadang girlfriend na kailangan ng gumising sa katotohanan dahil baka masaktan na naman ako sa huli. Pero tadhana nga naman...parang movie lang ni Angelica t JM, heto at magka-team pa kami sa laro. Di ko tuloy maiwasang titigan siya habang magkalapit naming binabasa iyong unang clue.
Parang nangugnusap pa ang kanyang singkit na mga mata kahit pa suot niya ang kanyang salamin na fashionable na. Kumpara dati na pang-nerd talaga. Ang tangos ng kanyang ilong ay balanse sa kanyang mukha. Makapal ang kanyang kilay at mapupula ang kanyang mga labi. Iyong isang tainga niya ay nakasuot ng maliit na hikaw. Mukhang binabasa niyang mabuti ang nakasulat habang pinagmamasdan ko ang mga features ni Jake.
Kung magkakatuluyan man kami sa future (pangarap lang naman), gusto kong makuha ng baby namin ang pouted lips niya. Parang kinagat lang ng ipis na maga ng kaunti. Ano kayang pakiramdam ng mahalikan ni Jake? Sana siya na lang si Mr. Stealer.
"Aling task ang kukunin mo Raine?"
Pati boses niya lalaking-lalaki. Bakit ba ngayon ko lang napansin ang mga katangiang ito ni Jake?
"Raine! Hoy Raine! Anong nangyayari sa iyo? Bakit natulala ka na?"
"Ha? Ano kamo?"
"May dumi ba sa mukha ko? Kanina mo pa ako tinitingnan. May nagawa na naman ba akong kasalanan?"
"Wa-wala. may iniisip lang akong kamukha mo."
Bakit alam niyang tinitingnan ko siya?
"Naku Raine, baka naga-gwapuhan ka na sa kin. Masama na iyan. Well, I won't mind kung madadagdagan ang mga admirers ko."
Hinablot ko na lang iyong clue para matigil na siya. Ano nga bang nakalagay dito?
"Aanhin mo ang damo kung patay na ang kabayo kahit tuso ang matsing napaglalamangan din. Anong klaseng clue ba naman ito? Di ko yata naintindihan."
"Aist... di ka kasi nakikinig kanina." Biglang nag-one line ang kilay niya. "Siguro si Michael na naman ang tinitingnan mo. Baka nga disappointed ka pa kasi di siya ang kapartner mo."
"Uy, paano naman nauwi don ang usapan? At saka, for your information, matagal na akong nakapag-move on kay Michael. Ang tanga ko na talaga pag nagustuhan ko pa rin siya. Pwede ba?"
"Sinabi mo iyan. Baka mamaya, pag nilapitan ka mangisay ka na naman."
"Ewan ko sa iyo... Sige nga paki-explain ng clue."
"May dalawang task na nasa clue.Posibleng may kinalaman sa gawain sa kuwadra ng kabayo at sa taniman ng saging. Kailangang magawa natin iyon para makuha iyong next clue. Aling ang gusto mo?"
"Iyong sa saging na lang. Baka mamaya papaliguin ako ng kabayo e takot ako sa kabayo."
Umiling-iling si Jake. "Alam mo dapat kanina pa tayo nagmamadali. Paano tayo mananalo ng fifty thousand pesos."
"Jake naman... Kailangan mo ba ng cash? Pautangin na lang kaya kita."
"Raine naman. Nasaan ang fun d'yan sa iniisip mo?"
BINABASA MO ANG
My First Kiss Stealer (Completed)
Dla nastolatkówThere is a guy standing behind me. He is tall, wearing a mask and a black tux. Natatakpan iyong mukha niya dahil sa laki ng maskara. Iyong mata at lips lang niya ang nakikita. Iyong kamay niya nakalahad sa akin as if he is asking me to dance. I did...