Chapter XXVIII

1K 26 4
                                    

Friends for Life?

Kung may gusot na natutuwid, may mga lukot na lalong nabubuhol pa. Habang pinatatagal ay malabo ng makalas pa.

Nagkaayos man kami ni Jobel, papalabo naman kami ni Jake.

Dalawang linggo na ang nakaraan at umiiwas pa rin siya sa akin. Pakiramdam ko tuloy na may nakakahawa akong sakit sa ginagawa niya

ng pangde-deadma.

Bumalik na si Jobel sa barkada at muli na namin siyang nakakasama sa tambayan. Siyempre, dahil umiiwas nga si Jake. Never pa kaming nagpang-abot doon. Mahirap magkunwaring okay lang ang lahat. Bagamat napapansin ng tropa na nawawala si Jake, si Casey lang ang may alam ng tunay na dahilan kung bakit di ito sumasama sa amin.

"Trip mo bang manood ng mga rock band concert?" Si Rodney ang nagsalita. Nasa cafeteria kami ngayon dahil hinihintay ko sina Ykai at Jade para sa mga bags na dala-dala nila. Ibebenta raw sa akin dahil may ganong style na sila dati pa.

Nag-merienda muna ako ng chips habang naghihintay sa kanila nang bigla siyang nakiupo sa harap ng mesa ko. May bitbit din siyang tray na may sandwich at milk tea.

Ito ang pangalawang beses na magkausap kami ni Rodney matapos kong magpasalamat sa kanya sa pagtulong kay Jobel.

"Rock bands? Ahm... pwede naman siguro pero di ko pa nasusubukan." Kumuha ako ng chips at sinilip ang message na bagong dating sa aking cell phone.

Ykai : Hinarang kami ni Mrs. Park for our project. Sunod kami later.

Naalangang inilapag ko ang cell phone sa ibabaw ng table. Abala din pala sa pagpindot sa kanyang Iphone itong si Rodney. Nagkaroon ako ng chance na makilatis siya ng malapitan.

Well, he has good looks na pang boy next door. Medyo tsinito at matangos ang ilong. Makinis ang kanyang mukha na parang di man lang nasayaran ng pimples. Tuwing ngumingiti siya ay lumalabas ang kanyang dimple sa kaliwang pisngi. In short, guwapo, may dating at malakas ang appeal. Tingin ko dadami pa ang babaeng paluluhain niya.

"Why?" He asked after a sip from his drink.

Nagtaka naman ako sa tanong niya. "Huh?"

"Bakit ganyan ka makatingin?" He smiled at bahagyang nawala ang kanyang mga mata.

"Bakit mo ako hinalikan?" I suddenly felt that this is the right time for me to ask him.

I saw confusion written all over his face.

"Ah... iyon ba?" sabay kamot sa kanyang batok. "Galit ka ba sa akin?"

"To tell you honestly, I really don't know how I feel." I lean on the table and looked at the chips.

"I'm sorry sa kapangahasan ko. I just ... I wasn't able to hide it anymore. Please don't be mad at me. I really like you Lorraine."

"Wow... ang bilis mo ah..." Bahagya akong natawa at napansin kong namula ang kanyang mukha.

"Please. let's be friends so you will get to know me more. Maybe, later on you will allow me to court you."

"Court me? Are you serious?" Sunod-sunod yata ang ginawa kong pagtawa. Napasubo yata ako sa pagbubukas ng topic na ito. Gusto ko ng umurong.

"Can I join you for your lunch everyday?"

"Ha? Ahm... I'm not sure. Pa-iba-iba kasi ang kinakainan namin." Napakamot na lang ako.

"I will wait outside your class. If that's okay with you."

Napatayo akong bigla di ko na ito matatagalan pa. "Tingnan na lang natin. I have to go. Mag-start na yung next class ko."

My First Kiss Stealer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon