Chapter XXXVI

907 29 3
                                    

Life Out of Me

Naramdamam kong may tumatapik sa mukha ko. Parang hindi nga tapik e.. Parang sampal na siya. Sino kaya itong damuhong ito?

May naamoy akong weird sa ilong ko. Ewan ko kung ano iyon kaya bigla akong napamulat. Naroon ako sa loob ng isang clinic. Nasa tabi ko si Mommy at Casey. Sa may paanan naman ay naroon si Daddy at si Jake.

Si Jake!

Oh my God!!!

Engaged na nga ba kami ni Jake?

Pinilit kong bumangon. Inalalayan naman ako ni Mommy at iyong nurse na naroon sa clinic.

"Mom, nasaan po tayo?" Medyo hilo pang tanong ko nang makasandal sa pader ng nakadikit na bed.

"Andito tayo sa clinic ng hotel. Ita-transfer ka namin sa hospital."

"Johanne, andito na raw yung ambulance," sabi ni daddy.

"Mom, I'm fine. Hindi ko na po kailangan pumunta sa hospital." Kahit medyo hilo pa ay sinabi ko na lang iyon para hindi na nila ako pilitin. "Dad... I don't want to go there. Paalisin mo na iyon."

Nababahalang tumango na lang sa akin ang aking ama. "If that's what you want. Are you sure you're okay?"

"Opo."

"Okay... Come on Jake samahan mo ako."

Nilingon muna ako ni Jake bago siya sumunod kay daddy. I sensed he is worried.

Dumaan ang katahimikan. Nagtinginan lang kami ni Casey. Mukhang kahit itong best friend ko ay di alam kung ano ang dapat sabihin. Hindi ko naman ine-expect na magsalita iyong nurse para basagin ang awkwardness namin.

"Raine, lalabas na muna ako. Kailangan ko lang mag-CR."

Ang galing lang, nag-escape.

"Sige..." Kung hindi lang ako nanghihina ay tatawanan ko itong si Casey. Nasaan na ang moral support mo friend?

"Mom..."

Balisa si mommy nang balingan ako. "Are you okay?" Pabalik-balik siya sa paglalakad sa maliit na clinic na iyon ng hotel kung saan ginaganap ang aking party.

Teka... ano na kayang nangyari doon? Sana di pa nagsialisan ang mga bisita.

"Ako dapat ang nagtatanong niyan sa iyo. I shouldn't agreed with Barbara's foolishness." She stopped walking and saw disgust on her face.

"What do you mean Mom?"

Humarap siya sa akin at bumuntong-hininga. "I told her you like her son. She told me that Jake likes you too."

"Oh no! What did you do Mom?"

"Well, in-add niya doon sa clause ng bagong kontrata para sa bagong business venture ng dad mo at ng mga Concepcion na matutuloy lang ang merging kung secure sila sa investment nila.... She added the engagement clause."

"What? Mom, bakit ka naman pumayag?"

"Well, nagkakagustuhan naman kayo. Kaya pinadali lang namin ang process, doon din naman tutungo iyon."

"Pero naman Mommy... hindi mo na kinonsider ang feelings ko. Ang feelings ni Jake."

"Ano pa bang iko-consider ko? Noong umiiyak ka sa akin dahil kay Jake alam ko ng mahal mo siya so bakit magpapakipot ka pa?"

"Kakaiba ka talaga mom. Mag-aaral pa ako."

"Hindi naman namin sinabi na magpakasal na kayo ngayon. Maging mag-boyfriend-girlfriend muna kayo. Enjoy yourselves and learn how to handle your relationship."

My First Kiss Stealer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon