Wala ng Bawian
Iba-iba man ang porma at trip ng mga teenagers noong unang panahon hanggang sa ngayon, sa tinginko, isa sa pinakamatinding pagsubok na kailangang pagdaanan ng lahat ay ang heartbreak.
Mahirap man o mayaman, sikat o regular, maganda o pangit lahat ng kabataan ay may kanya-kanyang karanasan sa pagharap at pagbangon mula sa sakit ng pusong wala namang mabiling gamot sa drugstore.
Kaya nga ako, sinabi ko noon sa sarili ko, na sakali mang magkaroon ako ng panibagong heartbreak ay maning-mani na lang dapat sa akin ang pag-handle noon.
Pero hindi pala mani... kundi ga-tipak ng bato pa rin pala ang sakit pag tinamaan ka ulit nito.
Shit ka Jake!
Anong sabi mo friends pa rin tayo hanggang sa pagtanda natin? Sige, ikaw na lang ang mangarap niyan.
Kasi ako hindi ko na alam kung paano pa kita pakikiharapan. Kinailangan ko pang mag-skip ng class
noong araw na iyon dahil sa pananatili ko doon sa CR nang dahil sa pag-iyak sa bombang ipinasabog sa kin ni Jake. Ilang beses man akong tawagan at i-text nina Casey ay di ko na nagawang mag-reply. Kayanagpasundo na lang ako kay Mang George bago mag-uwian kaysa naman makita nila akong miserable.
Mugtong-mugto na naman ang aking mga mata kinabukasan kaya di pa ako nakapasok. I told my momabout it. Though, natatawa siya kasi naalala niya raw ang mga heartaches niya noon but still she consoled me at hinayaan na lang akong mag-absent.
Friends daw kami forever?
Nek-nek niya!
Sa halip na pumasok ay pumunta kami ni mommy sa isang events planner para sa paghahanda sa aking debut this March. Marami nang naayos si mommy para sa debut ko. Kailangan ko lang daw pumunta roon para sa pagpili ng damit na susuotin sa mismong party.
Yes! I'm turning 18 in six weeks time. Siguro naman bago dumating iyon ay isang masayang Lorraine na ang ipakikilala ng parents ko sa society.
My mom said that I already have a gown created by Michael Cinco. Surprise daw iyong design na siguradong magugustuhan ko. She just wanted me to choose another design for a casual dress na pamalit ko. Well, I trust my mom's taste. Dekalibre talaga. Sa kanya nga ako nagmana sa pagiging fashionista.
I said to her that I want to be involved para naman mabawasan iyong oras sa pag-iisip ko sa aking kasawian. With that, she assigned me to choose my 18 roses, 18 candles and 18 treasures.
Sino kaya ang kukunin kong escort?
I can choose from my cousins and friends. But deep in my heart alam ko naman kung sino talaga ang gusto kong escort at last dance on my 18 roses.
Si mommy talaga ang hirap pa ng task na binigay sa akin!
When I get back to school the next day, Jake informed me after our PE class that he already booked a schedule for us in the physics lab. Five PM daw kami mag-meet after our PE class. Grabe naman tong lalaking to. Di man lang ako binigyan ng space para makalimutan iyong nangyari noong huli kaming mag-usap.
Tatapusin ko lang itong experiment na ito at magmo-move on na ako kay Jake. The faster, the better.
Kung kinaya ko nga ang mag-move on kay Michael siguradong-sigurado ako na kakayanin ko rin with Jake. I will move mountains and ocean just to forget him fast.
"Bumili na ako ng cold bottled water sa canteen. Kailangan na lang nating magpainit ng tubig. Nakapag-paalam na rin ako for a space dito sa freezer para sa 7 days na storage nitong experiment natin." Ibinaba ni Jake ang bag at mga books na dala niya nang makapasok kami sa physics lab.
BINABASA MO ANG
My First Kiss Stealer (Completed)
Teen FictionThere is a guy standing behind me. He is tall, wearing a mask and a black tux. Natatakpan iyong mukha niya dahil sa laki ng maskara. Iyong mata at lips lang niya ang nakikita. Iyong kamay niya nakalahad sa akin as if he is asking me to dance. I did...