Chapter XXVII

996 30 3
                                    

Renewed

Inisip ko na lang na dahil sa pagod sa biyahe, stress, pag-iisip kung bakit ginawa ni Rodney iyon sa akin at kung bakit hindi si Jake si Mr. Stealer kung kaya't mas ginusto ko pang takasan si Rodney kaysa harapin siya. Nanghihina ako at wala akong lakas para kumprontahin siya ngayon. Gusto kong malinaw ang aking pag-iisip bago ko ibato ang mga tanong sa aking isipan.

Sa pag-aakalang naroon na si Mang George sa parking ay doon na ako dumiretso. Pero agad ding bumalik nang maalalang nasa faculty room pa ang mga bagahe ko. Kaya lang ay di ko na naituloy ang aking paghakbang dahil nakita kosi Jake na sumunod pala sa akin at ngayon ay matamang nakatitig habang papalapit na sa kinatatayuan ko.

Hinintay ko ang kanyang paglapit. Di ko maipaliwanag kung anong reaksyon ba iyong nasa mukha niya. Inis? Galit? O wala lang?

"Uuwi ka na ba?" Aniya nang makalapit.

"Oo sana."

"Bakit mo tinakasan si Rodney? Naghintay siya para batiin ka tapos iniwan mo na lang doon ng basta-basta?"

"Jake, stop it please... Ayaw ko munang pag-usapan iyan."

"Hindi ka na ba naawa doon sa tao? Nag-effort pa naman siya para bigyan ka ng bulaklak. Pumunta pa siya ng school kahit Sabado ngayon."

Bakit ba niya pinagtatanggol itong si Rodney? Naiinis na tuloy ako sa kanya ngayon.

"Ano namang pakialam mo kung magmukhang tanga si Rodney? Affected ka ba?"

Medyo umigting ang panga niya bago sumagot sa akin. "Wala naman akong pakialam sa kanya. Ang sa akin lang, nag-expect ako na pakikiharapan mo ng maganda iyong tao."

"Bakit? Binastos ko ba siya?"

"Anong tawag mo doon sa pagwo-walkout mo?"

"Jake please... " Pumihit na ako para iwan siya dahil baka mag-away lang kami.

"Ang akala ko ba pag nakilala mo na iyong si Mr. Stealer ay kakaibiganin at kikilalanin mo siyang mabuti. Ang sabi mo pa nga ay aalamin mo kung bakit niya ginawa iyon sa iyo-"

"Anong gusto mong gawin ko? Itanong na agad iyon sa harap ninyo. Napapahiya rin naman ako Jake."

"Baka naman disappointed ka lang kay Rodney. Hindi mo ba nagustuhan ang hitsura niya?"

"Ano namang kinalaman ng hitsura sa usapang ito?" At that moment, nagpipigil lang ako kay Jake para wag makutusan ang isang iyon.

"Disappointed ka kasi hindi siya si Michael." Medyo tumaas ang boses niya kaya nagpanting ang tainga ko.

Bakit ba namin ito pinagtatalunan?

Sumabog na talaga ako. Napalakas na ang boses ko. "For Pete's sake Jake, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na naka-move on na ako kay Michael. Bakit ba kailangan mo pang sabihin iyan?" Nananahimik na nga si Michael binabanggit pa.

"Aminin mo na kasi. Wala namang masama kung si Michael pa rin ang gusto mo."

"Ang kulit mo naman Jake. Michael is out of my system. Mahirap bang intindinhin iyon? Paano kung sabihin ko sa iyong ikaw na ang gusto ko? Anong gagawin mo? Kaya huwag mo ng idamay si Michael dito."

Natigilan ako sa lumabas sa aking bibig.

Oh no! I'm so dead here.

Kitang-kita sa mukha ni Jake ang pagkagulat sa narinig.

"Raine! Raine!" Humahangos na tumatakbo sina Casey at Jade.

Nabaling ang atensyon ko sa kanila pero halos lumipad ang aking dugo sa sobrang kaba sa naibulalas. Hindi pa rin yata nagsi-sink-in kay Jake ang nasabi ko dahil nakatingin pa rin siya sa akin at halos di na kumukurap.

My First Kiss Stealer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon