Chapter XXXIII

1K 34 3
                                    

Being There

It's 2AM.

Three hours na akong nakahiga at mukhang nasa Mount Everest pa ang antok ko.

I really can't sleep.

Ang dami kasing issues na biglang naglabasan dito sa utak ko. Sa bawat paghimay ko kung alin o ano ang dapat kong gawin ay lalo lang akong nalilito.

Ilang araw na akong walang matinong tulog. Nagmumukha na nga raw akong zombie sabi ng magagaling kong kaibigan. Di ko naman masabi sa kanila kung ano ang pino-problema ko except
kay Casey. I told her everything. Sabi niya pag-isipan ko daw ng mabuti. Kailangan sigurado daw ako sa desisyon ko.

Well, the truth is.... gusto kong pumunta ng London. Pangarap ko iyon eh... Ninety nine percent sure ako na iyon ang gusto ko at iyon ang gagawin ko. Pero may 1% na pumipigil sa akin. Iyon ay

ang iwan ang buhay ko dito sa Pilipinas. Alam kong sa pag-alis ko may isang tao akong masasaktan.

Iyon ang bumabagabag sa akin.

Ang hirap pala ng ganito. Akala ko iyong mga nananakit ng puso hindi nahihirapan. Pero ako, hindi ko pa nga nasasabi kay Jake na aalis ako... hindi ko rin naman siya boyfriend para pagpaalaman pa pero nasasaktan na agad ako para sa kanya.

I'm sure makaka-recover pa rin siya.

I'm very very sure na makakalimutan niya rin ako.

Sa loob ng apat na taon, mahirap itali ang isang tao sa walang kasiguruhang relasyon. Isa pa, mga bata pa naman kami. Marami pa kaming makikilalang mas makakapagpasaya sa amin. Siguro nga, ito na lang ang dapat kong isipin. Three weeks pa naman bago mag-graduation. Four weeks pa bago ang debut ko.

Ang mabuti pa ay isipin ko na lang ang nalalapit na date namin ni Jake para mas sumaya naman ang aurako. Mas tama yatang sulitin ko ang mga natitirang panahon na magkakasama kaming dalawa para masmaintindihan namin ang isa't-isa.

Tama!

Iyon ang nararapat kong gawin para bumalik ang focus ko. At dahil doon medyo kumalma itong isipan ko.

Dalawang araw ng hindi lumalapit sa kin si Jake. Hindi naman siya nagsusuplado or something. Pag-nagkakasalubong kami ay bumabati naman siya. At ngayong makakasalubong ko silang dalawa ni Casey papuntang cafeteria na may binabasa habang naglalakad ay gugulatin ko sila.

"Anong pinagkaka-abalahan n'yo d'yan?" Sinalubong ko silang dalawa na gulat na gulat naman nang makita ako sa harapan nila.

Napansin kong pasimpleng inilagay sa likod ni Casey ang papel na binabasa kanina.

Ako naman na-curious, "Ano iyan?" Aagawin ko sana ang papel kay Casey pero agad namang kinuha iyon ni Jake at inilagay sa bulsa niya.

"Wa-wala ito. Love letter ni Casey sa boyfriend niya. Nagpapatulong mag-edit."

"Ikaw Casey nagpapatulong ka pa kay Jake? Di ba poetry lover ka. Mas matindi pa nga iyong mga nasulat mo dati na pinabasa mo sa akin. Baka naman si Jake ang nagpapatulong sa iyo?"

Nakita kong namula ang mukha ni Jake. Got you there!

Tawa naman ng tawa si Casey. "Ikaw talaga best friend napaka-sneaky mo. Jake, pagsabihan mo nga itong future girlfriend mo na wag masyadong dudera."

"Ano ba Casey iyang mga pinagsasasabi mo? Future girlfriend ka d'yan."

"Ang mabuti pa aalis na ako. Maiwan ko na kayong dalawa."

"Teka Jake, di pa tayo tapos mag-usap," pahabol pa ni Casey pero malamang na di na iyon narinig ni Jake dahil sa bilis ng ikinaripas niyang pagtakbo.

My First Kiss Stealer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon