Chapter XII

1.2K 38 2
                                    

Prank

"Raine, I love you. Would you be my girlfriend?"

I froze upon hearing Michael's confession on our date.

But wait, di ba sila na ni Jobel? Bakit uma-i love you pa ang isang ito? Ang lakas din naman ng loob mang-two time ni Michael. Di na pinahalagahan si Jobel.

Though, at the back of my mind parang gusto ko na mag I love you too lalo pa at ang ganda ng ambience dito sa loob ng ferris wheel overlooking Taal Volcano. Hindi pa rin ba ako nakaka-get over kay Michael?

Wait again. Bumalik kami ni Michael dito sa Sky Ranch?

Hindi pa rin siya tumitinag. We're really, really close.

I suddenly loose my senses. Ang lapit-lapit kasi ng mukha ni Michael sa akin at sa palagay ko hahalikan niya ako any moment now kasi kanina pa siya nakatitig sa lips ko.

OMG! Ito na ba ang moment ng aking first kiss?

Papalapit pa siya ng papalapit samantalang ako ay di na gumagalaw sa inuupuan ko habang excited na naghihintay na maglapat ang aming mga labi.

Shocks! This is it!

We're just an inch apart.

Ayoko sana, na ika'y mawawala,

Mawawasak lamang ang aking mundo.

Teka ano yun? Kanta siya... Saan nanggagaling? Hindi naman sa speaker ng park kasi puro ingay ng mga tao ang naririnig ko. Parang nasa malapit lang siya tumutunog.

Ngunit anong magagawa kung talagang ayaw mo na.

Sino ba naman ako para pigilan ka

Ayan na...nararamdaman ko na ang kanyang hininga. Pipikit na ba ako?

Pagkat ikaw ang tanging laman ...

Kairita talaga! Bakit ba ayaw tumigil non?

Ng aking mundo.. ng aking puso, ng aking buhay

Ang halik mo... nami-miss ko

Panira ng talaga ng moment. Gusto kong sipain ang may-ari ng pinanggagalingan non. It's so distracting.

Ang halik mo... nami-miss ko

Bakit iniwan mo ako?

Umaalingawngaw pa ang kanta. Di ko na kaya to. Kailangang mawala yun para perfect ang aking first kiss.

"Wait lang Michael. Sorry, may sisilipin lang ako sa bag ko." I'm so freaking nervous.

Binuksan ko agad iyong bag sa tabi ko at hinanap ang tumutunog. Nanginginig pa ang kamay ko.

"Okay lang Raine." Sabi niya pero bakit naging ngongo siya at nagka-sungay.

"Ahhhh!"

Bigla akong napamulat.

Panaginip lang pala. Tsk. Tsk.. Kiss na naging bato pa.

Nakakatakot ang itsura ni Michael.

Ang halik mo, nami-miss ko.

Ang halik mo, nami-miss ko.

Bakit naririnig ko pa rin iyon?

Tumayo ako at hinanap kung saan nagmumula ang tunog.

Nakita ko iyong cellphone ko sa dresser. Nagbi-blink at nang angatin ko nakarehistro ang pangalan ni Jake.

How come that I have that song on my cellphone's playlist?

My First Kiss Stealer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon