Chapter XXVI

1.1K 37 3
                                    

Bakit Siya?

Hanggang ngayon, tigagal pa rin ako sa sinabi sa akin ni Casey na si Rodney daw si Mr. Stealer. I barely know the guy. I heard his name and his works as a soccer player but since he came from a lower grade, I really don't know him.

Kahit nga iyong face niya ay blurred sa alaala ko. That's why, right after our activities that night I searched his profile in Facebook. I mean meron pa bang estudyante ng St. Therese na wala sa Facebook. Ay correction, meron pala si Jake.

There, I saw Rodney Carl U. Evangelista. He has 500++ friends and his profile is in private. He has pictures in public mode usually with his teammates and his family. His instagram account has posts on food and his puppy. He has one picture with this chinita girl that has a caption "Me and Bebe" .

Intriguing!

"Ang lalim ng iniisip mo. Baka mahulog ka." Si Jake ang umistorbo sa pagmumuni-muni ko. "Umusod ka dito. Baka mahulog ka nga." Naramdaman kong hinawakan niya ang aking braso at hinila papalapit sa kanya.

Noon lang ulit nag-sink in sa akin na narito nga pala kami ngayon sa tuktok ng Basilica of St. Martin of Tours para sa aming mini-field trip on our last day here in Batangas. This afternoon na malalaman ang mga winners sa contest. May mga tour guide na naka-assign sa pinagsama-samang group of 20 delegates at itong makasaysayang simbahang ito ang isa sa aming destination.

Maganda ang view mula dito sa taas. Kitang-kita ang kabuuan ng bayan ng Taal at ang dagat ng Balayan Bay na nakapalibot. Sariwang-sariwa din ang hangin. Habang nagpapaliwanag ang aming tour guide sa kasaysayan ng Taal ay pasimple naman akong kinakausap ni Jake. Si Miss Manuel ay nasa unahan lang namin kasama si Sir Monti.

"Ilang araw ko ng napapansin na parang ang lalim palagi ng iniisip mo. Hindi ko na sana itatanong sa iyo pero natutulala ka na naman e. Kung gusto mong i-share, makikinig ako. Kung ayaw mo naman, okay lang din." Mahina ang boses niya. Halos pabulong na nga ang pagkakasabi.

"Promise, di mo ako pagtatawanan?"

"Bakit naman kita tatawanan?"

"Last time kasi noong kinuwento ko si Mr. Stealer tinawanan mo ako."

Napakamot sa ulo si Jake. "Nabigla kasi ako sa sinabi mo. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Sige na, ano ba yan? Baka matulungan kita."

Tinaasan ko muna siya ng kilay habang masusing pinag-aralan ang kanyang reaksyon. Mukha naman siyang sincere.

"Kilala ko na si Mr. Stealer." Blanko ang reaksyon ni Jake.

"And then?"

Napabuntong-hininga ako. "I got disappointed."

Napuno ng pagtataka ang kanyang guwapong mukha. "Why?"

"Kasi... hindi siya ang inaasahan ko."

"You think it's Michael."

Because it's not you.

"No. I prayed that it's not him."

"Ngayong kilala mo na siya, bakit hindi ka masaya? Akala ko ba kikilalanin mo iyong tao at tatanungin kung bakit niya ginawa iyon? Taliwas yata ang reaksyon mo."

"Tatanungin ko talaga siya kung bakit niya ginawa iyon. Bakit niya ninakaw ang first kiss ko?" Mabuti na lang at abala sa pakikinig iyong ibang delegates pati si Ma'am kaya kahit nagbubulungan kami ni Jake dito sa likod ay di masyadong pansinin.

"Baka matagal ng may gusto sa iyo yung lalaking iyon at di lang siya makapagsabi sa iyo dahil sa mga rason niya."

"I'm sure may reason ang Rodney na iyon."

My First Kiss Stealer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon