Chapter XLII

913 30 8
                                    

First Date, Finally

Awang-awa ako sa hitsura ni Ms. Manuel nang dalawin namin siya ni Jake sa Philippine General Hospital.

May kidney problem siya.

"Kaya kayong dalawa, pag-ingatan n'yo ang inyong kalusugan. Bata pa kasi ako may problema na ako sa kidney. Siguro, sa tagal na rin ng pakikipaglaban ko sa sakit na ito, di na rin kinaya. Kaya heto at bumigay ng todo ang katawan ko," paliwanag niya.

Naka-upo siya at nakasandal sa headrest ng kama. Magtatatlong linggo na si Ma'am sa ospital.

"Lalo na ikaw Jake. Nabalitaan kong naaksidente ka. Wala bang naging pinsala sa iyo?" Napa-ubo pa siya bago natapos ang tinatanong.

"Maayos na maayos ako Ma'am. Huwag ka ng mag-alala sa kin. I'm good as new," sagot niya habang nakatayo sa paanan ng kama ni Ma'am.

"Huwag ka ng magsalita Ma'am. Lalo kang mahihirapan n'yan," awat ko na sa kanya. Mukha kasing masaya siya sa naging pagbisita namin at ang dami niyang gustong sabihin.

"Naku, ay napakakulit naman niyang si Laura," sabat ng nanay ni Ms. Manuel. "Ilang beses ko na iyang inudyukan na magpa-checkup, lagi namang pinagpapabukas. Kaya tuloy hayan..." sabay butong-hininga ng nanay niya.

Nasa isang semi-private room si Ms. Manuel. Maliit ang lugar at may ka-share pa. Sa estadong ganito, pakiramdam ko ay parang mahirap gumaling sa ganitong paligid.

"Ma'am, kung papayag ka. Gusto kitang ilipat ng ospital. Tutulungan kita sa pagpapagamot."

Sukat at bumunghalit na ng iyak ang favorite teacher ko. Kay bilis nagpalit ng damdamin niya. Kanina lang ay tumatawa siya ngayon ay umiiyak na.

"Ma'am, nakaka-iyak ba iyong sinabi ko?"

"Loraine, nahihiya ako sa iyo. Pero hindi ko tatanggihan ang sinabi mong tulong." Lumapit ako sa kama niya at niyakap siya. Ang laki talaga ng ipinayat ni Ma'am. Kung noon ay balingkinitan na siya, ngayon ay lalong numimpis ang mukha at muscles niya.

"Salamat anak sa tulong mo," naiiyak pang sabi ng nanay ni Ma'am.

Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay kumalma si Ma'am. Salamat naman kasi naiiyak na rin ako.

"Maiba lang ako. Napansin kong magka-holding hands kayo ni Joaquin kanina. Kayo na ba?"

"Ang bilis pa rin ng pickup mo Ma'am." Lumapit si Jake sa akin at umakbay.

Kinurot ko sa tagiliran si Jake. Nginisihan naman niya ako.

"Sabi ko na nga ba at tama ang intuition ko noon pa man."

"Ang sabihin mo Ma'am, may hidden desire talaga itong si Jake sa akin kahit noon pa."

Which is true naman. Gusto ko pa sanang idagdag kaya lang baka maasar na itong boyfriend ko.

Marami pa kaming napag-kwentuhan. Karamihan, pagbalik sa nakaraan. Nakakatuwang alalahanin ang mga nagdaan at kung ano na ang kinahinatnan ng mga buhay namin ngayon. Ngunit nakakalungkot pa rin na may sakit si Ma'am Manuel.

Hindi na rin kami nagtagal ni Jake sa ospital para makapagpahinga si Ma'am. Pero siguradong dadalaw ulit kami sa mga susunod na araw.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko kay Jake nang makasakay kami sa kotse niya.

"Siyempre, hindi pa. Ngayon lang kita nasolo ulit tapos lalayasan mo ako. Dapat, date muna tayo."

Kinilig naman ako. Pasimpleng ngumiti.

"I hope this time matutuloy na ang date natin. If my memory is right, the last time we had our suppossed first date ay noong nagkasakit si Tito. Kaya sana naman matuloy na tayo ngayon."

My First Kiss Stealer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon