Chapter XXIII

1.1K 38 4
                                    

Loose My Breath

Literal na natulala ako nang makita ang classroom na aming tutuluyan sa buong kumpetisyon. As in... sa classroom talaga kami matutulog ngayong gabi at sa mga susunod pa. Nakapasok na sina Ma'am Manuel, Jake at Gian ay atubili pa akong humakbang papasok sa loob ng silid.

"Lorraine, ano pang hinihintay mo d'yan? Ilagay mo na yang mga gamit mo dito sa loob para makaalis na tayo." Nakapamay-awang pang sabi ni Ms. Manuel. "Malapit ng magsimula yung opening ceremony."

Bigla naman akong natauhan. Parang robot na lang akong sumunod sa kanya.

Pagkapasok ko sa loob ng classroom, bumulaga sa akin ang mga folding beds na nakalupi sa isang tabi malapit sa blackboard. I assume na iyon ang hihigan namin.

May foam kayang ilalagay doon? Sana naman meron. Mukhang madulas iyong tela niya.

Pang grade schooler ang classroom. Hindi siya kalakihan pero malinis at tumatagos ang liwanag mula sa mga bintana. May celing fans din. Napapalamutihan pa ang silid ng ilang pampaskong dekorasyon.

Napaupo ako doon sa mga maliliit na upuan. Parang nanghihina yata ako. Sina Jake at Gian ay nakaupo rin pala doon malapit sa board. Si Ms. Manuel ay pumasok sa isang silid sa loob. Dahil sa narinig naming flush, nasisiguro kong CR iyon.

"Guys, okay lang ba sa inyo na dito matulog? Gusto n'yo mag-hotel na lang tayo. Sasabihin ko kay Ms. Manuel." Sana makumbinsi ko ang dalawang ito.

"Don't do that Lorraine." Sabay-sabay kaming napalingon kay Ms. Manuel na nakalabas na pala ng CR. "Subukan mo muna kasi. Huwag mo ng i-brainwash itong si Jake at Gian."

"Pero Ma'am-"

"Kayong dalawa, gusto n'yo ba mag-hotel pa?" Si Ma'am parang iritado na.

"Okay na sa 'kin to Ma'am. Sanay ako pag sumasali kami sa mga inter-school competition. Ganito rin ang tinutulugan namin." Inilibot pa ni Gian ang paningin sa kabuuan ng silid. "Mas maayos pa nga ito kumpara sa ibang napuntahan namin. Saka may CR naman sa loob. Di tulad ng iba na lalabas pa ng classroom at pipila pa sa ibang gumagamit."

I was hoping na mag-o-object si Jake. Please Jake! What are friends for?

"Wala naman palang problema kay Gian. Ikaw Jake?"

"Okay lang din sa akin Ma'am. Akala ko nga sa tent tayo matutulog tulad sa boy scouts."

Gusto ko siyang batuhin.

"Kaya lang Ms. Manuel-"

"Subukan mo lang Raine. Pag hindi ka nakatulog mamayang gabi bukas din ay lilipat tayo ng hotel. Magpapaalam ako sa school."

"Budget ba Ma'am ang problema? Ako na lang ang sasagot. I have my credit card."

"Hindi iyon ang concern Lorraine. Gustong ituro sa inyo kung paano maging adaptable sa inyong paligid. Di ba, mga future reporters o media correspondents kayo? Paano kung ang maging assignment mo ay sa bundok? Walang hotel doon. Kailangang matutunan ninyo ang makibagay at gamitin kung ano ang meron."

"Pero Ma'am, hindi naman ako magiging reporter. Fashion design ang kukunin ko."

Sinusubukan ko pa ring kumbinsihin si Ma'am.

Bumuntong-hininga na lang si Ms. Manuel.

"Ano bang problema Raine? Di mo kayang matulog sa folding bed?" Sumabat pa si Jake.

Kaka-reconcile lang namin, mukhang aawayin ko na naman siya. Inirapan ko na lang.

"Tama na iyan. Mahuhuli na tayo. Let's go guys." Kinuha na ni Ma'am ang bag niya at humakbang papalabas ng silid. "Lock the door please. I have the key."

My First Kiss Stealer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon